Chapter Eighteen

466 12 0
                                    

Lunes, tahimik na nakaupo sa ilalim ng silong ng malaking punong Acacia si Beatrix habang nagbabasa ng libro. She has an hour of vacant time bago ang susunod na subject niya.

Nakabalik na si Mrs. Guillermo mula sa sick leave nito kaya't hindi na si Xander ang nag co-cover ng subject. Mabuti na rin siguro ito dahil lalong hindi siya makapag concentrate kapag ito ang guro, paano ba naman ay laging parang tumatambol ang dibdib niya kapag mapapatingin ito sa kanya. Hindi iilang ulit na napapatingin sa kanya ang mga kaklase dahil tila lumulutang sa ulap ang utak niyang nakatingin lamang kay Xander in the middle of their class!

"Hi" bati ni Kevin na naupo sa kanyang tabi, he smiled shyly. Hindi kumibo si Beatrix at sa halip ay ibinalik ang atensyon sa binabasa.

"about the last time..." simula ng lalaki "gusto ko sanang humingi ng pasensya, Bea" anito.

Padarag niyang isinara ang libro at tumayo. Wala siyang panahong makinig sa mga taong kagaya ni Kevin.

"please" he pleaded "I was just drunk"

"Ang alak, sa tiyan inilalagay, hindi sa ulo" inirapan niya ito.

Napatayo rin si Kevin ng humakbang siyang paalis, nahawakan nito ang kamay niya "sorry, Bea. I really am"

Hinila niya ang kamay mula rito "kalimutan na natin iyon. But I don't think you and I can be friends"

"I really like you... sana mapatawad mo ako at bigyan pa ng isa pang pagkakataon" nagsusumamo ang tinig nito.

Bumuga siya ng hangin. She is getting frustrated with this man!

"listen, Kevin, I will be very frank with you...hindi kita type" she bluntly told him at tinalikuran ito. Nakakailang hakbang na siya ng malakas na magsalita si Kevin.

"Bakit, sino ang type mo? si Sir Xander? It will be an illicit affair between a teacher and a student"

She turned around and gave Kevin a dangerous look. Ang ilang mga estudyanteng malapit sa kinatatayuan nila ay napatingin sa kanila ni Kevin.

"Wala kang pakialam kung sino man ang gusto ko. It's none of your stupid business" she looked around and despite the eyes that were zoned in on her, she gave the man a sly smile, iyong tipong nakakainsulto "rest assured na kung sino man ang gusto ko, hindi ikaw yon" taas noo niya itong tinalikuran.

That son of a bitch! Sinadya talaga niyang ilakas ang boses niya para marinig ng iba! she was fuming deep inside. Mabilis ang lakad niya sa hallway ng paaralan patungong classroom nang mabangga siya sa isang bagay.

"what the! " hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita kung sino ang nabangga niya. Si Xander. Sakto ang ulo niya sa matipunong dibdib nito.

"Are you alright?" tanong nito, napansin marahil ang pagsimangot niya.

"y-yeah" she tried to smile at him. Hindi niya gustong masuong na naman ito sa isang gulo dahil sa kanya "I was just thinking of something" pagdadahilan niya.

Hindi niya inaasahang masuyong hinawakan nito ang kanyang baba at itinaas ang mukha niya paharap dito, he lowered his head a little bit upang magpantay ang mga mukha nila. "You'll tell me if anyone's bothering you, right?"

She just started at him and blinked, hindi rin niya maialis ang paningin niya sa mga mata nitong tila nahihigop siya. She nodded in response.

He smiled at her, pleased. "See you later, princess" anito bago nagtuloy sa pagtungo sa faculty room.

"sshh!!" asik niya sa sarili habang dinama ng kamay ang tapat ng dibdib. They live in the same house and had shared so many intimate moments toegther ngunit kapag naroroon ito ay tila hindi na yata masasanay ang baliw na puso niya. The intensity of emotions he evokes in her never mellowed down, it's as if she's always meeting him the first time.

Wild HeartOnde as histórias ganham vida. Descobre agora