CD 2-Case Closed?

200 14 4
                                    

Lyka's POV

Tumitingin-tingin lang ako sa paligid. Imposibleng aksidente lang ito. Yes, walang railings na pagkapitan dito and madulas ang tiles which means dito ang perfect spot para pumatay at palabasing aksidente ang nangyari.

Ang pagkakamali lang ng killer ay nagiwan siya ng isang mahalagang piece ng clue para malamang ito ay isang murder at hindi accident.

Habang pinagiisipan ko ang mga pangyayari ay may napansin akong parang mali.

"Xynah, ilang oras nang patay si Melisa?" Tanong ko.

"About 30 minutes ago. Bago magbell." Sagot nya.

"As a scientist, tingin mo ba makakapagbigay na ng bad odor ang bangkay after 30 minutes?" Tanong ko.

"You mean pag nadicompose? Maybe pero faint lang ang smel-" naputol ang sasabihin nya at biglang nanlaki ang mata. Mukang narealize nya na rin.

"Do you think that the faint smell of a slightly decomposed body is lavender?" Taas kilay kong tanong. The very first step I took in the stairs, I already knew there was something wrong.

Dahil as luma at abandonado na ang staircase na ito. Nakakapagtakang amoy lavender dito.

Para akong tanga, sniffing around just to find where that lavender smell came from.

As I was sniffing around following its scent, it lead me to the stairs. Nandito ang pinakamalakas na amoy ng lavender.

"Its Lux." Pagkabanggit ko non ay napatingin ako kay Johanna. Magsasalita na sana ako nang biglang nagsidatingan ang mga pulis.

"Mga bata. Hindi ito playgrou-" Hindi na naituloy ng pulis ang sasabihin niya dahil mukang namukaan nila kami. Madalas na rin kasi kaming involved sa mga cases except Xynah.

Binigyan ko ng makahulugang tingin si Kelly na lumapit samin at tumango naman siya. Siya na ang bahala sa pag-explain ng mga pangyayari sa mga pulis.

Ipinagpatuloy ko nalang muna yung paghahanap ng iba pang clues. After a few minutes, mukang nakarating na rin ang Homicide Division. Since nandito na rin lang sila, I asked the forensic team to let me borrow a pair of gloves.

Hindi namin ginalaw yung papel sa kamay ni Melisa kanina dahil hindi pwedeng ma-mess yung DNA and fingerprints sa papel so we're using gloves for protection.

Inopen ko yung torn piece of paper para makita ang contents nito. Nanlamig ang katawan ko nang makita ko ang nilalaman ng papel na ito. It's a picture of our past classmate 2 years ago. Which means first year students palang kami non.

Though di ko sure kung siya nga ba talaga iyon dahil upper half lang ng face niya ang nasa amin kaya mata niya lang na nakasalamin ang natira dito sa pic while the other piece of the paper is still nowhere to be found. Kanina pa ako naghahanap ng mga clues pero kahit baliktarin ko pa ang school ay wala na akong mahanap pa.

"Inspector Schwartz, pwede po bang ipahanap niyo sa mga alaga niyo ang natitira pang piece ng papel na ito? Mukang magiging piece of clue natin to para mahanap ang murderer." Suhestiyon ko at nag-agree naman siya rito.

Lumabas muna ako ng crime scene dahil titingin naman ako ng suspects. For now, my clues are the smell of lavender which is caused my the soap Lux na mukang pinanglinis sa stairs at ang half torn picture ng old classmate kong si Joy.

Naglakad-lakad ako sa paligid para tumingin ng mga taong suspicious. Mukang nag-stay lang lahat ng students sa kani-kanilang mga rooms.at may isang teacher na nagbabantay sa kanila. Walang mga estudyanteng pakalat-kalat sa paligid except for us.

School Of Madness: Experiment 1412Where stories live. Discover now