Day 10

1.3K 73 15
                                    

A/N: Salamat dun sa mga nagcomment at nagvote sa last update ko.

Arggghhh. Ang sakit ng..

Huh?!!!

That's weird. I was going to complain about my headache pero bigla siyang nawala. Pero hindi ko na pinansin yon dahil patay na patay ako kay Drake ngayon, gising na ang diwa ko which means gising na rin siya. Kaya nang maimulat ang mga mata ko sa sobrang takot ko ata kay Drake siya agad ang nakita ko. Wait kahit naman ganun ang takot ko imposible naman sigurong makita ko muka ni Drake lalo na kung ganto karealistic. Hindi naman kami natulog sa tapat ng salamin so bakit... Napakunot noo ko...

Huh?? Wait!

Kumunot noo ko???

Biglang nanlaki ang mata ko. Oh. My. God!! ngayon na lang ulit nanlaki ang mata ko, and Drake's eyes are still closed. Ho..How?? Nanlalaki ang mata kong nakatitig kay Drake nang unti unti siyang magmulat.

Nagkatitigan kaming dalawa, yung mata ko nanlalaki pa rin yung kanya kala mo namaligno eh, kumurap kurap siya ng tatlong beses samantalang ako nanlalaki pa rin ang mata. Mga ilang saglit pa...

"AAAAAAHHHHH!!!!!" sigaw ni Drake na pandalas na ang alis sa kama palayo sa akin.

"AAAAAAHHHHHH!!!!!" napagaya ako sa pagsigaw niya kaya nagsisigawan kaming dalawa ngayon. Ganto itsura namin, si Drake malayo sa kama habang nakatingin sa akin at sumisigaw ako naman nakaupo sa kama at nakatingin sa kanya habang nakikisigaw.

"SHUT THE HELL UP!!!" biglang sigaw niya paano kahit ako naririndi na rin sa ginagawa namin. Natahimik tuloy kaming dalawa.

"WHO THE FUCK ARE YOU???!!" galit na tanong niya. Ano pang bago. Si Drake yan ehh.

"Dont cuss" suway ko na naman sa kanya.

"I can fucking cuss if I---"

"Stop cussing Drake" kunot noong saway ko ulit sa kanya.

"--want to." pagpapatuloy niya pa rin na parang hindi ako naririnig.

"Wait I know that voice" sabi niya, bigla siyang tumitig sa akin na may kunot na kunot na noo.

"Hi Drake" nag-aalinlangang bati ko, nakangiti ako at kumakaway kaway pa sa kanya. Mga ilang saglit lang yung kunot ng noo niya unti unting nawala at mukang naintindihan niya na kung sino ako.

"How the fu--"

"Dont cuss--"

"--ck is this possible?" nagtatakang tanong niya, balik na naman yung kunot ng noo niya.

"I dont--"

"Master Drake, ano pong problema" sabi bigla ng butler nila Drake, si butler Steve, tawag sa kanya ni Drake "hey" tino di ba.

"Oh shit. Hide" he whisper yelled, ewan ko kung pano yun pero nagawa niya.

"Saan?"

"I dont--" hindi niya na natapos ang sasabihin niya kasi biglang nagbukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa si butler Steve.Yung itsura siguro namin ngayon ni Drake sobrang gara. Paano parehong nanlalaki mata namin habang nakatingin kami sa butler niya, as usual nakangiti pa rin ito pero yung pagkakatingin niya kay Drake kakaiba. Paano muka kasi talaga siyang well.. stupid.

"May problema po ba?" tanong nito habang nakatingin kay Drake, hindi niya ako nililingon which means hindi niya ako nakikita, kasi tulad ng dati halatang walang kaalam alam si butler Steve.

"Ah.. well.." patingin tingin sa akin si Drake, kala mo nagtataka sa nangyayari, kaya nilapitan ko na lang siya.

"He cant see me"  sabi ko, tumayo pa ko sa harap ni butler Steve. Sa akin siguro nakatingin si Drake kasi napatingin si butler Steve sa damit niya, medyo matangkad sa akin ito, at kung tinitingnan ako ni Drake paniguradong ang mata niya ay nakalevel sa dibdib ni butler Steve.

"May problema po ba?" tanong ulit nito. Mga ilang saglit pa, itinuon na ni Drake ang pansin sa butler niya.

"No" simpleng sagot nito. Naku talaga tong taong to ang laki ng problema sa ugali.

"Be nice" paalala ko na naman sa kanya.

"You can--"

"Drake" saway ko ulit sa kanya, aba matanda na si Butler Stsve at kahit na naninilbihan yung tao sa kanila dapat nirerespeto niya pa rin ito. Napabuntong hininga naman ito, alam niya sigurong seryoso na ako sa pananaway sa kanya. Nakikinig naman yan si Drake ehhh, sabi nga sa inyo parang bata yan, kapag naman napagsasabihan eh nakikinig. In this case nakinig naman siya.

"Im okay uhhh... Mr. Steve, I just need some time to myself" sabi niya, yung muka ni butler Steve kaiba eh, kala mo nakakita ng kung ano. Aba kahit ako ang nasa katayuan niya magugulat din ako.

"say thank you" dagdag ko, yung pagmamaktol niya naramdaman ko bigla. Hahaha, as in ramdam ko yung feeling niya na parang batang napagsabihan ng magulang.

"Th..Thank you" medyo pilit na sabi niya, nagkamot pa ng batok, hindi sanay tong magpasalamat, sa ilang araw naming magkasama, wala akong naririnig na words of gratitude sa taong to. Kaya alam kong bago sa kanya ang magpasalamat. Kung sa kanya bago paano pa kay butler Steve, mukang maluluha na siya ehh, kala mo sinabi ni Drake na may cancer na siya at ano mang oras eh kukunin na ni Lord.

"Ma-Master Drake, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito, nawala na yung ngiti niya napaltan na ng pag-aalala. Dapat ata hindi ko na pinag thank you si Drake masyado atang nakakagulat para sa kanya.

"Im okay, you can leave now" masungit na sabi nito. Ayan balik na siya sa dati, yung masama ugali, pero mukang mas maganda yun kasi bumalik ang ngiti ni butler Steve, ang weird naman kung kailan mabait yung tao kinatatakutan nila, ngayong masama ugali parang natutuwa pa sila.

Walang tanong tanong eh lumabas agad si butler Steve. Ang weird talaga nila, mana kay Drake.

"So this is what you look like" sabi bigla ni Drake.

"what do you mean?"

"You. The insect in my head, the voice that constantly annoys my fucking brain" pagdedescribe niya.

"Im not an insect and for the nth time dont cuss" napapagod na ko sa kasasabi nun. Kailan kaya matututo tong lalaking to.

"So now that youre out of my body you can go now" sabi niya may kasama pang pagtataboy gamit ang kamay niya. As if namang gusto kong magstay kasama siya.

"Hoy Drake for your information hindi ko ginusto na bumagsak sayo, as if naman no, kung pwede lang hindi na kita nakilala" sabi ko sa kanya sabay lakad papalayo, pero hindi pa ata ako nakakalimang metro eh biglang hindi na ako makapaglakad. What the...

Sinubukan ko uling humakbang pero wala. Parang may something na pumipigil sa akin. Napatingin ako bigla kay Drake na nakatalikod sa akin, parang gusto niya ring humakbang pero hindi niya magawa.


"What tha fuck" frustrated na sabi niya.

"try harder" sabi ko kag Drake. Hindi niya naman ako pinansin at pinilit pa rin ang paghakbang.

Imposible, hindi to pwede, makakapaghiwalay kami tawala lang. Kaya pinilit ko rin na lumayo sa kanya. Sa sobrang pilit namin akala ko magagawa din namin kasi unti unti ay nakakahakbang na ako pero bigla akong nahila ng isang unknown force. As in. One minute sinusubukan kong lumayo kay Drake and the out of no where napunta ako bigla sa tabi ni Drake at siya din sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa. At alam ko iisa lang ang umaandar sa utak namin. Well sa utak ko Oh no, syempre sa utak ni Drake...

"Oh fuck"  sabi niya bigla.

Fallen From Above...(Literally)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt