Day 15

1.2K 68 2
                                    

Hanggang ngayon naiisip ko pa din yung kinwento sa akin ni Drake kahapon. Akala ko nga hanggang dun na lang yun, hindi pa pala. Nalaman kong kaya pala ganun na lang ang galit nung babaeng nakaharap namin nung isang araw sa kanya ay dahil yun ang tunay na asawa ng father ni Drake, ang tatay niyang nanamantala sa tunay niyang ina. Sabi sa akin ni Drake di niya daw alam ang buong kwento pero ang alam niya lang pinagsamantalahan ang nanay niya kaya ganun na lang daw ang turing sa kanya ng lola niya nang kupkupin siya nito. Grabeng pag-aalaga daw ang natanggap niya dito para bang ang lola niya ang humihingi ng tawad sa nangyari sa kanilang mag-ina. Noong una ni hindi niya daw tinitingnan ang lola niya, para bang ito ang sinisi niya sa nangyari pero nung tumagal at naramdaman ni Drake ang pagmamahal ng lola niya, wala siya nagawa kundi mahalin din ito. Kahit na madalas ay pasaway siya sinusubukan niya pa din daw hindi madisappoint ang lola niya sa kanya. Kaya kahit pananalita binago niya kaya nga ingglisero yan ehh, pati kilos at pananamit, baka daw kasi masabihan ng masama ang lola niya dahil sa kanya.

"Hal, I just talked to Shin, they found the people we were looking for." biglang sabi ni Drake, si Shin pala yung kanina niya pa kausap, pero teka, taong hinahanap namin.

"huh?" nagtatakang tanong ko.

"*sigh* remember, the two weird people whom we met the other day?" tanong niya, napakunot naman ang noo ko, sinong weird peo... Bigla kong naalala yung isang babae at lalaking nakasalubong namin sa school nung isang araw.

"oh yeah naaalala ko na" sabi ko, masyado kasing natuon ang atensyon ko sa sinabi sa akin ni Drake kaya nakalimutan ko na ang ibang bagay.

"Well apparently, they are my schoolmates and also classmates in one of my subjects" sabi niya.

"Huh? Pero di naman natin sila nakita nung mga araw na pumasok tayo ahh"

"yeah well we did not attend all my classes so maybe they were there" simpleng paliwanag niya. Tsk tsk tsk, sabi ko na ehh, nagtataka din ako kung bakit ganun ang oras ng pasok at uwi niya, kaya pala.

"tsk naku Drake, bakit naman kasi di ka pumasok edi sana nahanap na natin sila." paglilitanya ko sa kanya.

"I was..."

"at pwede ba magtagalog ka tayong dalawa lang ang nandito kaya walang huhusga sa pananalita mo, ako lang naman ang nandito"

"but.."

"Drake!" para akong matanda na may pinagsasabihang bata dito.

"Okay okay panalo ka na, masaya ka na ba?"

"hindi. Bakit di ka pumapasok ng matino?"

"Nakakatamad at boring yung ibang mga klase"

"Well ngayon di na pwede yan, papasok ka ng matino, sa ayaw o sa  gusto mo" nagkasukatan pa kami ng tingin, naku di siya uubra sa akin kala niya. Naputol lang ata ang pagsisindakan namin nung biglang bumukas ang pinto at may pumasok na maingay.

"Why are you staring at the wall? May interesting bang nagyayari dyan sa pader?" kunot noong tanong ni Shin, pumunta pa siya sa harap ni Drake which is sa gitna naming dalawa at tinitigan yung pader, well para sa kanya pader ang tinititigan niya para sa akin nakatingin siya sa muka ko ang lapit pa, di naman ako nakagalaw dahil nagulat ako.

Buti na lang biglang hinawi ni Drake yung muka ni Shin, well parang sampal nga yung ginawa niya ehhh, ang lakas kasi, pero thankful na din ako, nakakailang kasi.

"Aray naman, what was that for? Ano to possessive ka na din sa pader mo?" tanong ni Shin na hinihimas himas pa ang pisngi niya.

"Yes, so just tell me what you found out"

Fallen From Above...(Literally)Where stories live. Discover now