Day 5

1.5K 92 26
                                    

A/N: Guys si Hal nga pala yang nasa tabi.  Magcomment kayo!!!

Ewan ko kung bakit pero mula kahapon medyo naging mabait sa akin si Drake. Sabagay sa ginawa ba naman namin kahapon hindi pa ba siya matuwa. Pinagtripan niya yung prof na Mrs. Sanchez ang pangalan. Pati nga yung mga kaibigan niya nakikisali eh. Pero ang pinakakinatuwa niya eh nung nagcheating siya sa exam. For some unknown reason alam ko ang lessons nila. Sakto namang may pop quiz kahapon ayun tuwang tuwa kasi wala talaga siyang kaalam alam dun sa lesson. Nung marinig niyang alam ko yung sagot, kinulit ako, nag-away pa nga kami kahapon kasi cheating kaya yun, nagmuka na naman nga siyang Tan-G-A, pero binlackmail niya ako, kapag hindi ko daw siya tinulungan manunuod siya ng bold maghapon magdamag. Edi natakot naman ako, ako tuloy ang nagmakaawa sa kanya kahapon, halos lumuha na ako ng dugo. Kasi sabi niya kahit daw bumagsak siya okay na, basta makanuod lang ng bold. Alam  ko namang inaasar niya ako, gusto niya lang magmakaawa ako sa kanya. Nung mga ten minutes na lang pumayag na siya kaya paspas ako, AKO talaga, ng sagot. Wala siyang ginawa kasi ako din ang nagsulat, kasi diba I can cotrol his left arm so kulang na lang matulog siya. Nagulat nga yung mga kaibigan niya, well lahat ata ng nasa room, san ka ba naman nakakita ng nagsasagot na papikit pikit pa, and I think he  uses his right hand to write, because Shin asked him kung bakit bigla siyang naging left handed, hindi niya naman pinansin at binigay na lang yung test paper niya para kumopya yung dalawa, apparently uso ang kopyahan sa kanilang tatlo. Nang ibigay niya yung papel niya hindi na siya kinulit ulit ni Shin at tuwang tuwang kinopya yung sagot ko.

Ngayon naman ililibre niya raw ako kasi may silbi na daw ako, as if namang maeenjoy ko yung libre, pero sabagay kung ano naman ang ginagawa niya nararamdaman ko, kung anong kinakain niya nalalasahan ko, kaya ayos na din siguro  yun. Currently nasa mall kami ngayon. And as of now, mga limang babae na ang nagtatanong sa kanya ng direction, I know walang mali in innocently asking directions but, batting your eyelashes repeatedly while showing your cleavage desperately is far from innocent. Buti na lang at hindi sila pinansin ni Drake, pero mukang maiinis na din siya kasi kanina pa talaga siya kinukulit eh. Wala na sigurong manggugulo ngayon.

"Excuse me"  I spoke too soon, may babae na naman kasing lumapit sa kanya, axtually three girls, seriously what's with them? Tinitigan lang namin ni Drake yung mga babae na ngayon ay nagpapacute na naman. Goodness! Ano bang meron tong lalaking to.

"Uhmm... Well do you know where the.. the female washroom is?" halatang nag-iisip si ate ng lugar ehh, epic fail nga lang kasi from here kitang kita mo yung sign ng restroom.

"Do I look like a fucking map" ayan na sumabog na nga.

"hey, dont be rude" saway ko sa kanya kasi mukang napahiya yung babae tsaka yung mga kasama niya. Muka namang nagets niya ako kasi tinalikuran niya na lang yung mga babae at naglakad na palayo.

"you know" panimula ko kasi nataas na naman ang level ng pagkainis niya. As of now nasa level 3 na siya.

"what?" naiinis na tanong niya, mahina lang ang pagsasalita niya kasi para naman siyang ewan kung magsasalita na naman siya basta.

"para kang dumi"

"what?" naguguluhang tanong niya.

"you know uhmmm. dumi ng hayop" nag-aalinlangang sabi ko.

Fallen From Above...(Literally)Where stories live. Discover now