Day 1

2K 81 13
                                    

My God. Hanggang ngayon nahuhulog pa din ako. Its like may destination ako na dapat pagbagsakan. I dont know kung bakit pero parang may hindi magandang mangyayari especially ngayong bumubilis ang pagbagsak ko.

Waaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!

Ang huli kong nakita bago ako bumagsak ay ulo ng apat na lalaking naglalakad and then everything went dark.

Tap

Tap

Tap

Is it me or may tumatapik ng mukha ko. Posible ba yun. And why does my head hurts?

"Drake. Hey wake up" sabi ng isang boses ng lalaki, hanggang ngayon nararamdaman kong may tumatapik sa akin. Sino ba yun.

"Drake. Wake up man" sabi pa nung isang boses. Sino ba yang Drake na yan at ayaw pang gumising. Unti unti kong nardaman ang pagdilat ng mata ko, hindi ko inaasahan ang makikita ko. May tatlong lalaki na nakatingin sa akin. Lahat sila may concerned look on their faces. Sino naman kaya tong mga to.

"Hey man are you alright. What the hell happened to you" sabi sa akin nung isang lalaki na may singkit na mata. Anong man. Last time I checked eh babae ako. Pinagsasasabi nito.

Hindi ko alam kung paano pero basta na gumalaw ang kamay ko at naramdaman kong hinilot hilot ko ang ulo ko. Okay, wag kang magpapanic.

"What the fuck did just happened?" galit na sabi ng bibig.... bibig ko. Waaaaaahhhh. Bakit boses panlalaki. Kalma ka lang. Hoooo. wag kang magpapanic.

"we dont know. Basta ka na lang bumagsak." sabi nung isang lalaki na blonde ang buhok.

"Shit. My head hurts" sabi pa ng katawan na kinalalagyan ko. Hawak pa ang ulo. Waaaahhh. Bakit ako nasa katawan ng lalaki.

"Seriously Drake what happened to you" tanong ulit nung singkit.

"Why?" wala sa sariling sabi ko.

Bakit naman ako dito ibabagsak nila Angel Mirabel.

"Did you hear that?" sabi nitong Drake.

"hear what?" tanong nung isa pang lalaki na kasama nila.

"I heard a girl's voice" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Oh my. Hindi kaya naririnig niya ako.

"A girl's voice? Masyado atang napalakas ang pagkakabagsak mo." naaamuse na sabi nung singkit.

"Shut up Shin" iritadong sabi niya dun sa singkit. Ang init ng ulo nitong si Drake, kanina ko pa nararamdaman ang pagkainis niya.

Bakit po dito nyo pa ako ibinagsak? Ayaw ko pong maging lalaki. Lalo na po kung may galit sa mundo.

"Umuwi ka muna Drake mukang masama ang pagkakabagsak mo, let's just meet up tomorrow" sabi nung blonde. Nagnod naman yung isang lalaki bilang pag-agree niya. Wala ng sinabi si Drake at basta na tumalikod sa mga kaibigan niya at dirediretsong naglakad, wala man lang paalam. Bastusin itong bata na to. Para namang wala lang dun sa tatlong kasama niya, hindi nagreact eh.

Nagpunta itong si Drake sa isang black na kotse, parang pamilyar yung sasakyan, hindi ko alam kung bakit pero I think I saw a car like this before. Tahimik lang akong nakikiramdam sa ginagawa niya. Lahat ng nahahawakan niya nahahawakan ko, ang mga nakikita niya ay nakikita niya rin pati ang mga nararamdaman niya nararamdama ko din. Ang galing its like Im alive again. Ano kayang balak nila Angel Mirabel, baka gusto nilang bantayan ko tong lalaki, oh well kahit ano pa yun titiisin ko na lang ang 40 days ng hindi ako nagsasalita or magpaparamdam, mahirap na.

Mga ilang minuto nakarating kami sa isang malaking bahay, hindi na ako nagulat sa nakita ko kasi sa kotse niya palang alam mong mayaman siya.

"Welcome back" bati nung isang matandang lalaki, baka butler nila. Eto namang lalaking to hindi man lang pinansin, kahit yung ibang maids na bumabati sa kanya dinededma niya lang, sama ng ugali nito. Nagdirediretso siyang pumasok sa isang kwartong madilim, kwarto niya to panigurado. Nang makapasok kami sa kwarto niya dun ko lang naramdaman ang pagod, pwede palang mapagod kahit multo na. Nagdirediretso siya sa kama at pabagsak na nahiga, hay inaantok ako. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagpikit ng mata niya hanggang sa nakatulog na kami.

Fallen From Above...(Literally)Where stories live. Discover now