Day 7

1.6K 89 9
                                    

A/N: Papasko at pa new year ko na to sa inyo. Sensya na talaga kung hindi ako masyadong nakaakpag-udate sa story na to.


Ilang araw na ako sa katawan ni Drake pero wala pa ring nangyayari, hindi ko pa rin maintindihan ang rason kung bakit sa kanya ako napapunta. Hindi ko pa rin nakakausap sila Angel Mirabel. At ang isa pa hindi ko pa din alam kung sino ako, kagabi kasi bago kami matulog ni Drake tinanong niya kung saan ko daw natutunan ang mga subjects niya kasi advanced na yung alam ko kaya yung assignments na pinapagawa sa kanila eh kayang kaya kong sagutan. Sasagot sana ako kaso walang lumabas sa bibig ko, wala akong maalala, yung pangalang binigay ko nga sa kanya eh hindi pa sigurado kung yun talaga pangalan ko. Kaya hanggang ngayon nag-iisip ako kung sino ba talaga ako.

"Hey" narinig kong tawag ni Drake, natauhan tuloy ako bigla.

"huh?"

"I said Im bored, lets do something fun." sabi niya, may gantong ugali talaga tong lalaking to, sa ilang araw na nasa katawan niya ako at nakasama ko siya nalaman kong napakachildish niya minsan, kapag nasa labas siya at nasa harap ng maraming tao napakamature at cool niyang kumilos pero kapag mag-isa na lang siya naku napakatindi ng ugali, kala mo tatlong taon.

"I think Ill pass, especially with your definition of fun, no thanks" sabi ko habang naaalala pa yung nangyari kahapon.

"Youre just a wuss" pang-iinsulto niya.

"Im not, Im just not thrilled with the concept of dying again" depensa ko.

"As if, I told you, I wont let anything happen to my body"

"Yeah I know, you love yourself too much to harm yourself" sabi ko.

"Damn right" ayan na naman po ang mura niya. Pupunahin ko sana siya kaso hindi na ako nakapagsalita dahil biglang pumasok sa kwarto niya, walang katok katok basta na bukas ng pinto.

"What the hell are you doing here?" medyo iritadong tanong niya sa bagong dating.

"Tsk tsk tsk, you know Drake you should be thankful that Im here" sabi nito bago umupo sa kama na kala mo hindi iritado sa kanya si Drake. Sino pa ba ang ganto kay Drake, wala ng iba kundi si Shin.

"why are you here?" tanong ulit ni Drake.

"Wala akong magawa sa bahay so pinuntahan kita and I have a lot of DVDs galing kay ate. See" pinakita niya pa yung paper bag na hawak niya.

"Your sister gave you this?" tanong ni Drake sa tono ng pananalita niya parang may masama na naman siyang balak eh kasi ramdam ko na naman yung excitement niya kapag may gagawin siyang kalokohan.

"what are you planning?" kinakabahang tanong ko. Pero pilit kong hindi ipahalata dahil thd mord na kabahan ako the more na nag-eenjoy siya.

"Yeah, sabi niya magaganda daw lahat yan, well para sa kanya pero malay natin, so pumili ka na ng movie habang ako ay maghahanda ng foods natin" sabi ni Shin na tumayo agad at lumabas ng kwarto ni Drake. Madalas siguro dito si Shin kasi parang napakakumportable niya dito parang sariling bahay ang ginagalawan niya.

"Drake what are you planning?" tanong ko ulit sa kanya.

"Dont be too nervous"

"Im not nervous" tanggi ko, pero sa totoo lang kinakabahan ako.

"You are, I can feel it" siguradong sabi niya.

"Im not" tanggi ko pa rin.

"You are cause Im sure that the nervousness that Im feeling right now is not mine" sabi niya. Ano daw? Anong ibig niyang sabihin.

Fallen From Above...(Literally)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora