Day 18

1.2K 50 32
                                    

Hal's POV

 I bless the day I found you
I want to stay around you
And so I beg you, let it be me

Don't take this heaven from one
If you must cling to someone
Now and forever, let it be me

"why do you always play that?" he asked.

"you know why" I said while playing the keys of my piano.  I didn't notice him, I was so engrossed with the song.

"yeah but still, its too old"

"What are you doing here anyway?"

"Grandfather's looking for you" he said, the tone of his voice made me stop playing. I guess its time huh. I looked at him, I can see pity in his eyes, I know its inevitable but what choice do I have. This is my responsibility. After all, Im...

"HAl!!!!!!! gumising ka na kanina ka pa natutulog" bumungad agad sa akin ang pagmumuka ni Drake. 

"Im still sleepy, give me five more minutes" sabi ko sa kanya, mga ilang saglit na katahimikan napatingin ako kay Drake, ang weird ng paraan ng tingin niya sa akin.

"bakit?"

"wala lang, its just weird, the way you speak, ikaw ang nag-insist na magtagalog ako and everything." sabi niya sa akin. Bawal na ba akong mag-english ngayon. "and the way you said it.." dagdag niya pa.

"what?"

"I dont know its just weird, that's all" ayan magtutuloy tuloy na yan sa pag-eenglish. Kay iniba ko na yung topic, tsaka para kasing may gusto akong alalahanin na hindi ko maisip. Ano ba yun? Alm kong may nakikita ako kanina, pero pagkagising sa akin ni Drake nawala siyang lahat. Alam kong importante siya pero hindi ko magawang maalala. Ano ba yan Hal.

"anyway bakit mo ko ginising? May pasok ka ba ngayon?" nagtatakang tanong ko, ang alam ko kasi wala siyang pasok eh.

"Actually, may exams ako ngayon" saglit, ano daw? Exams, eh ni hindi ko nakitangmagbuklat ng libro tongtaong to.

"Drake, pakiulit, anong meron ka?"

"Ano kasi Hal.. naging busy kasi tapos...."kakamot kamot pa siya ng ulo, seriously ngayon ko lang nakitang ganyan si Drake para siyang batang natatakot dahil sa nahuli sa kalokohan, muntik na akong mapangiti, pero muntik lang, hindi siya makakatakas ngayon.

"Andrei Jacob Williams! Ano sa tingin mo ang mangyayari sayo mamaya huh?" litanya ko sa kayna, nakayuko lang naman siya habang sermon ako ng sermon. Para kaming magnanay.  

"mag-ayos ka na at ibigay mo sa akin yung mga notes mo" utos ko sa kanya. Nagliwanag naman ang mga mata niya, ano to sinuswerte. ''Oh oh oh hindi ako magsasagot ng exam mo mamaya, ikaw, titingnan ko lang kung ano yung mga pwedeng lumabas sa exams mamaya at irereview kita." sabi ko sa kanya, hahaha hindi ko mapigilang matuwa sa mga reaksyon ni Drake ngayon, muka naman siyang batang inagawan ng candy. Reluctant niyang binigay sa akin yung notes niya at nag-ayos. Kulang na lang magdabog siya eh. Bahala siya jan, di ko na lang pinansin pagmamaktol ni Drake at binigyang pansin na lang ang notes niya. Nakakahawak na nga pala ako ng mga gamit ngayon yung mga magagaan lang pero okay na yun. Naupo ako sa gilid ng kama ni Drake at dun nagreview, pangit magsulat ng taong to kailangan ko pang ilapit yung papel niya sa muka ko. Alam nyo yung feeling na gusto mong aralin ang isang bagay pero hindi mo maaral dahil ang notes na binabasa mo ay kulang kulang tapos ang pangit pa ng sulat, nakakafrustrate siya, buti na lang medyo naiintindihan ko yung dinidiscuss dito, di ko alam kung paano pero alam ko karamihan ng inaaral nila Drake.

Fallen From Above...(Literally)Where stories live. Discover now