Day 6

1.3K 87 8
                                    

A/N: Pasensya na po kung matagal, nawala ang plot sa utak ko hahaha, nakafocus po ako kina Skylar eh, sorry po. Comments and Votes guys!!

Oh my God, grabe ang nangyari sa amin kahapon, we look so stupid yesterday. Imagine, I was controlling Drake's left hand as well as the left parts of his body while dancing and the other part of him is just stable, I think he's still irritated. Kasi yung kunot ng noo niya sobra sobra. Hahaha. I think Im becoming cruel, Im kind of enjoying his irritation. Pagkatapos nga nung kanta umuwi na kami agad ehhh, pinagbantaan niya pa ako na maliligo daw siya pagdating sa bahay yung totally naked daw, edi syempre todo makaawa ako, buti nga naawa sa akin eh, pero kahit na naawa siya that doesnt mean na hindi siya gaganti. Alam ko, nararamdaman ko yung masama niyang balak.

"So what's our plan for today" marahang tanong ko, nag-iingat pa rin ako sa pakikipag-usap sa kabya kasi mukang kahit anong oras magagalit siya.

Alam kong narinig niya ako pero hindi niya ako pinansin, badtrip pa rin siguro. Well, okay lang, wala namang bago, hindi naman kasi talaga namamansin yan, kung mamamansin naman nakasigaw agad, puro cuss na naman maririnig ko, mas okay na to kaysa magdugo ang tenga ko sa mga naririnig ko.

"What?!" pagalit na sagot niya nung nagring ang phone niya, kawawa naman yung tumawag.

"Yow Drake, so angry and its still morning" malokong sabi nung lalaki sa kabilang linya, si Shin to, hindi naman kasi naapektuhan to kahit sigaw sigawan ni Drake  "so anong plano? Wala na tayong masyadong ginagawa, I want some excitement." masiglang sabi pa nito. Wala lang talaga sa kanya.

"Lets go to Chains" mabilis na sabi niya, kinabahan ako bigla kasi parang may something sa pagkakasabi niya eh, may binabalak talaga tong masama. Nagsmirk kasi siya eh, nawala din yung pagkakakunot ng noo niya. Bigla akong kinilabutan.

"oooohhhh lets, that would be fun, Ill tell Clein about it." excited na sabi ni Shin.

"Include Vhon as well, I think he's free today" sabi niya pa, kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaking blond, nagtataka din ako kung bakit laging silang tatlo lang, eh nung bumagsak ako sa lupa apat sila.

"Oh sure sure, he'll definetely enjoy the thrill" oh no, Im sure Im not gonna enjoy this thrill.

"Ill surely enjoy this" nakasmirk pang sabi niya bago ibaba ang phone, lalo tuloy akong kinabahan.

"uhmm, Drake, where are we going?" I asked, medyo kinakabahan ako.

"Oh dont worry, it will be fun, its gonna be an experience you wont fucking forget" he said sweetly.



THIS IS SOMETHING ILL DEFNITELY NOT FORGET!!!!! Oh my God! who in their right mind will enjoy this kind of stuff???!!!!

"Are you ready?" tanong nung lalaking nakahawak ng flag.

Noooo!!!!!!

"Yeah!!!" sagot ng lahat ng kasali. Mga ilang saglit lang ibinaba niya na yung flag at feeling ko nahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ni Drake.

"waaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!" todo tili ako pero ramdam kong sobrang enjoyment ni Drake. Ewan ko ba pero nung isang araw ko pa nararamdaman ang nararamdaman niya, nung una naman hindi gamito pero ngayon alam ko na ang nararamdaman niya.

Kung hindi niyo pa nahuhulaan kung nasaan kami well nasa race track lang naman kami, race track ng motorbikes and not just ordinary race track, eto yung may mga malalaking tumpok ng lupa na dapat daanan ng mga driver. Kaya patalon talon ang motor namin ni Drake. Diyos ko po, pwede pa lang mahilo ang kaluluwa, feeling ko nga nasusuka pa ako ehh.

"Drake tama na!!!! Promise magpapakabait na ako!! Im scared." pakiusap ko, natatakot na kasi talaga ako, feeling ko may mangyayaring hindi maganda sa amin eh.

"Dont be.  Nothing will happen" pag-aassure niya.

"Really?"

"Of course. I wont let anything happen to my body." mayabang na sagot niya. Oo nga naman, akala ko pa naman inaassure niya ako para hindi ako matakot yun pala magyayabang lang siya. Pero sa totoo lang nawala ang kaba ko kaya kahit natatakot ako nakuha ko pa ring enjoyin ang ginagawa namin. Kahit na nabingi si Drake sa kasisigaw ko alam kong nag-enjoy din siya.

"That was fun" sabi nung Vhon, tapoa na kasi silang magrace, kaya nagpapahinga na yung apat ngayon.

"Yeah, we have to do that again" ay wag na naman, tama na yung one time lang, masyadong hyper tong si Shin.

"Oh yeah Vhon, something weird happened last time" sabi bigla ni Clein. Pansin nyo silang tatlo lang nagsasalita, paano tong si Drake wala na namang pakialam sa mundo.

"what?" tanong ni Vhon na mukang interesado.

"Drake perfected our exams, can you imagine, eh 1+1 nga minamali pa niyan tapos nakaperfect siya" manghang mangha na sabi ni Clein, ayos na mga kaibigan to, hindi mo alam kung namumuri o nang-iinsulto.

"Are you sure?" hindi makapaniwalang sabi ni Vhon, si Drake naman kala mo walang naririnig.

"Oo nangopya pa nga kami ni Shin. Di ba no?" pangungumbinsi pa nito.

"Dude maniwala ka na. Totoo yun, sinagot sagot pa nga niyan yung tea her naming halaos lamunin na kami kapag nagagalit" dagdag pa ni Shin.

"What?" tanong bigla ni Drake nang titigan siya nung tatlo. Kung makatingin kasi sila kala mo nag-oobserve ng isang hindi maipaliwanag na bagay.

"Kailan ka pa nagkautak?" biglang tanong ni Vhon.

"pffft. Hahahaha" natawa ako sa tanong niya na mukang ikinairita ni Drake, kumunot na naman kasi yung noo niya.

"Since a stupid insect came to my life" sagot niya na mukang ikinagulo nung tatlo. Aba loko to, ginawa na naman akong insekto.

"hoy, insekto ka jan, kapal mo, kung hindi dahil sa akin hindi ka makakaperfect" protesta ko pa, pero as usual hindi niya ako pinansin. Kailan ko kaya makakausap ng matino tong taong to. Hay naku, feeling ko hindi na eh.

Fallen From Above...(Literally)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant