Day 4

1.3K 98 32
                                    

"Saan na naman tayo pupunta?" tanong ko kay Drake na hanggang ngayon ay nagbibihis, syempre nakablindfold siya, kaya ko ng controlin ang left hand niya kahit papaano so ginugulo ko siya kapag hindi niya ako pinakikinggan. Pansin ko mula kahapon mainit na ulo niya, gawa siguro nung nangyari dun sa girl na si Porsha. Naiinis siya kasi muka daw siyang stupid kahapon. Hindi ko naman pinansin ang paglilitanya niya dahil I dont really care, all I care about is that I was safe from kissing a girl.

"hey saan nga tayo pupunta?"  tanong ko ulit.

"will you just shut up" naiinis na sabi niya, naramdaman ko ang pag-alis niya sa blindfold, nakita ko ang suot niya kaya hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. He's wearing his school uniform. Lumabas kami ng kwarto niya, hindi na ako nagsalita at pinakiramdaman na lang ang gagawin niya. Nakita ko na lang na nakaharap na kami sa pagkain, breakfast nga pala. Nagliwanag ang mata ko sa mga pagkain nakahain sa harap namin. Kailan ba ako nakakain ng ayos, etong tao kasing to wala ng ginawa kundi matulog, kumakain naman siya kayalang kakaunti. Hindi na lang ako nagsalita at ninamnam ang kinakain niya. Ang sarap. Syempre pagkatapos kumain layas na agad, young master eh. Hindi manlang nagpasalamat dun sa mga naghain ng pagkain niya. Pagkasakay namin sa kotse pinaharurot niya agad ito. Nung una siyang magpaandar ng kotse sobra yung kaba ko kasi feeling ko mamamatay ako, pero medyo nasasanay na ako kasi kahit gaano kabilis siyang magpatakbo wala namang nangyayari sa amin.

Bumungad sa akin ang isang malaking gate, eto siguro yung school niya, parang hindi na ako nagulat sa ganda ng school nila, siguro nung nabubuhay ako nakakakita rin ako ng mga ganitong school. Napansin kong pinagtitinginan ng mga estudyante yung sasakyan ni Drake, sigurado sikat to, halata naman eh. Nang makababa kami ng kotse nakita ko agad yung dalawa niyang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali Shin ang pangalan nung isa, yung isa Clein ata, oo Clein nga, nabasa ko yun sa cellphone niya nung tumawag yan eh, nakilala ko pa ang boses.

"what happened yesterday?" tanong ni Clein, naramdaman ko namang mas kumunot ang noo ni Drake. Naiinis na naman to. Hindi niya naman sinagot si Clein at nagdirediretso sa paglakad. Sanay na siguro tong dalawang to sa ugali ni Drake, wala silang ginawa kundi umiling lang at sumunod sa kanya eh.

"Seriously Drake ano ngang nangyari kahapon, you just left and nung makausap namin si Porsha she seems so irritated with you" sabi ni Shin.

"There was a fucking stupid bug who kept pestering me" sagot niya. Aba, tong masamang loob na lalaking to ginawa pa akong insekto.

"Dont cuss" sabi ko sa kanya, naramdaman ko namang tumataas na namang ang level ng pagkainis niya.

"Shut the fuck up" naiinsi na sabi niya.

"Hey, wala naman kaming sinasabi ahh" sabi ni Shin na nakataas pa ang kamay. Natahimik naman si Drake. 

"Stupid"  sabi ko, gusto kong matawa kasi ang sarap niyang asarin, nataas naman kasi yung pagkainis niya. May level nga ng pagkainis to, nasa level five na kami ngayon kasi kinakagat niya na yung gilid ng pisngi niya ehh. Sa apat na araw na nakasama ko tong lalaking to, nagkaroon na ako ng level's ng pagkainis niya.

Level 1- medyo kunot na noo

Level-2 sobrang kunot na noo, yung halos magdikit na yung kilay niya sa inis

Level 3- paghinga hinga niya na parang pinapakalma ang sarili

Level 4- pagkakgrind ng teeth

Level 5- pagkagat sa gilid ng pisngi

Level 6- pagkuyom ng mga kamay

Level 7- pagsigaw niya, as in, sigaw, napansin ko sa taong to lagi siyang tahimik, tsaka kapag nagsasalita hindi ganun kalakas.

Fallen From Above...(Literally)Where stories live. Discover now