Day 8

1.2K 69 9
                                    

A/N: Hello sa mga nagrerequest ng UD sa story na to, sensya na kung natagalan. Comments please, vote din.

Ngayon ko lang napansin, hindi ko pa rin pala naaalala kung sino ako, araw araw kasi akong pinagtitripan ni Drake kaya hindi ko naiisip kung sino talaga ako, kahit nga yung misyon ko hindi ko naiisip, alam kong si Drake ang misyon ko pero anong gagawin ko sa kanya. Dapat ko ba siyang baguhin, pero kung ganun nga mukang imposible, kasi imbes na siya ang maimpluwensyahan ko, ako pa ang nahahawa sa mga kalokohan niya. Tamo kahapon lang nakapagmura ako which is totally unexpected on my part. So, ano talagang dapat kong gawin, at bakit ako? sino ba ako para bigyan ng ganitong misyon? Ilang araw na ako sa katawan ni Drake pero parang wala pa ring nangyayari. At sa lahat ng araw na kasa ko siya napansin kong ni isang kamag-anak niya wala pa akong nakikilala, puro katulong at kaibigan niya lang ang nakakasalamuha niya. Sa school naman minsan lang siyang pumasok at wala rin naman siyang kinakausap puro sila Shin at Clein, aasarin niya yung mga profs niya, yun lang.

"Hey, are you still alive, wait thats a stupid question. I mean are you still there"

"yeah" sagot ko.

"Are you sick or something, usually your mouth will be working non-stop" sabi ni Drake, hindi yan nang-iinsulto, ganyan lang talaga magsalita yan. Sanay na ako kaya hindi ko na rin siya pinupuna kasi hindi matatapos ang usapan, buti nga wala ng mura yung sentence niya.

"Im not sure" naramdaman ko namn ang pagkunot ng noo ni Drake sa sagot ko, kung normal na araw kasi, inaway ko na siya pero masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari at ayokong mawala na lang ng basta na at ni walang nagawa. Natatakot akong mawalan ng kwenta ang pagpunta ko dito, binigyan ako ng 40 days sa lupa, binigyan nila ako ng pagkakataon, ayokong mawalan ng kwenta at makalimutan agad.

"Hey, are you okay?" tanong ni Drake pero hindi na ako nakasagot dahil biglang dumating sila Clein.

"Dude malapit na tayong malate tara na" sabi ni Shin sabay hila kay Drake papuntang classroom.

Buong klase ni Drake tahimik ako, sinusulat ko na lang yung sagot sa mga tanong ng prof niya kapag alam ko pero hindi ako nagsasalita, si Drake naman sinusubukan akong kausapin pero nahihirapan siya kasi para siyang ewan na bumubulong mag-isa, nahuli nga siya ni Shin kanina eh, tinanong pa kung nakadrugs daw ba si Drake syempre si Drake nagdirty finger lang bilang sagot. Ano pang aasahan, si Dake yun eh.

"Tarang kumain, nagugutom na ako. Tsaka mukang nalipasan ng gutom si Drake kanina pa nakikipag-usap sa sarili eh" biro ni Shin, tapos na kasi ang klase nila at lunch time na. Ni hindi ko napansin ang oras. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung sino ako? kung anong kailangan kong gawin at kung bakit ako. Pero sa tagal ng pag-iisip ko wala akonh nasagot. Blangko ang utak ko, ni wala akong clue kung sino ako. Hindi ko matandaan kahit ang buo kong pangalan.

"Yeah lets eat I think that's what my insect needs" sabi ni Drake pero hindi ko pa rin siya pinansin. Nag-iisip pa rin ako. Kumain sila Drake sa isang table kung saan malayo ang ibang estudyante, feeling ko takot sila sa ma to eh, hindi ko naman sila masisisi kasi etong si Drake andaling mabadtrip lagi pang nakasigaw, si Shin at Clein naman feeling ko may mga sapak kaya tama lang na matakot sila sa mga to.

"Oh san ka pupunta?" tanong bigla ni Clein nang tumayo si Drake.

"Ill have to do something, dont follow me" simpleng sagot ni Drake na lumakad palayo sa mga kaibigan.

"san tayo pupunta?" tanong ko kay Drake nang naglakad lang siya ng naglakad.

"oh now you decide to speak" inis na sabi ni Drake.

"why are you irritated?" nagtatakang tanong ko.

"Im not" tanggi nito.

"You are I can feel it"

"Im not so shut up"

"You are and I wont shul up until you tell me why" ayan naiirita na rin ako, lakas makahawa ng taong to eh.

"I told you I ammmp--" natigil ang pagsasalita ni Drake nang may makabangga kami bigla. Napunta tuloy sa kanya ang atensyon ni Drake. Actually sa kanila, dalawa kasi sila isang babae at isang lalaki. Yung lalaki yung nakabangga namin. Natumba pa nga eh kaya tinutulungan siya nung babaeng tumayo.

"Watch where youre going" iritadong sabi ni Drake.

"Hey, be nice" saway ko sa kanya nakakaawa naman kasi yung dalawa mukang natakot sila kay Drake, sa itsura nila parang mas bata sila sa amin eh.

"Pa-pasensya na po" sabi nung lalaki.

"Sorry po" paumanhin din nung babae.

"Tsk, next time try to---"

"stop it Drake, they are already afraid of you so stop" pigil ko sa kanya panigurado kasing may sasabihin na naman siyang masama.

"Uhmmm sorry po talaga, aalis ma po kami" sabi nung lalaki.

"Well go the fu--"

"Drake!" saway ko ulit. Talaga to nandamay pa ng init ng ulo niya.

"Thank you po" sabi bigla nung babae.

"Huh? why the hell are you thanking me?" nagtatakang tanong ni Drake.


"Hindi po ikaw" napatitig kami bigla ni Drake dun sa babae.

"huh?" nagtatakang tamong ni Drake.

"what is she talking about?"

"Kayo po ang tinutukoy ko miss" nanlaki ang mata namin ni Drake dun sa sinabi nung babae.

"Celeste, tara na, stop talking" sabi bigla nung lalaki "please dont mind us, pero sana makinig ka sa kanya, she is with you for a reason" makahulugang sabi nung lalaki kay Drake, ni hindi kami nakapagreact ni Drake dahil sa gulat, ibig sabihin... ibig sabihin alam nilang nadito ako. Magsasalita pa sana ako pero namalayan kong wala na sila sa harap namin ni Drake.

"where are they?" napatingin tuloy sa paligid si Drake at nakita namin silang malayo na sa amin, hindi na kami nakahabol dahil pareho pa kaming hindi nakakabawi ni Drake sa gulat.

What the H just happened????!!!!

Fallen From Above...(Literally)Where stories live. Discover now