Kitang kita namin kung pano huminga ng malalim si cloud.

Ang kalmado ng itsura nya. Hindi mo makikitaan ng galit!

Pumagitna ang dalwang boys. Kami naman ni crystal nagsimula ng bitbitin ang mga gamit namin. Gusto man namin patulan tong si shin dahil sa dami ng atraso niya. Pero nananaig pa din samin ang takot namin sa mga magulang namin pag pumasok nanaman kami sa gulo dito sa loob ng school.

Kung sa labas lang to nangyari malamang hinalikan na ni shin ang sahig.

"Miss me montero?" Sabi ni shin. Ang laki ng pinagbago niya. Yung built ng katawan mas naging solid. Atletang atleta yung katawan parang anne curtis datingan.

San naman kaya nagtago to nung mga panahong hinahunting namin sya dahil sa ginawa niya sa noo ng kaibigan ko.


Nangunot ang noo ni crystAl sa narinig at parang gusto na tumalak kaya bago niya magawa yon pinandilatan ko na siya.


"Chito and rob. Pakitaboy-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng manlaki ang mata ko dahil sa ngiting ibinigay ni cloud kay shin!

Omg! Isa sa kapangyarihan niya ang mga ngiti niyang nakakaakit! I mean kahit sino kapang malamig na puso. Once na makita mo yung ganung ngiti nya hindi mo mareresist yon!


"Of course....buenaventura"

Parang gusto kong pukpukin ulo ko dahil sa naririnig ko! Anong pakulo to bessy?!



Hindi nakaligtas sa aming apat ang bahagyang pagmula ng pisngi ni shin! Ha! Ulul! Akala ko ba galit na galit ka sa kaibigan ko? Bakit nagbablush ka?! Wala kang karapatan!

"So...." bessy

napabulatlat ang mata namin ng unti unting buksan ni bessy ang butones ng blouse niya!

Nanlilisik na napabaling ang mata ko kay shin na ngayon ay namumula na ang mukha at napapalunok dahil sa ginagawa ni bessy!

Humaygad! Parang gusto ko sampalin sarili ko, bakit may gantong palabas? Bat di ako na inform!

"A-ahmm.. a-alis nako" sabi ni shin bago dali daling tumalikod at patabong umalis.

Kaming apat na magkakaibigan litong tumingin kay bessy "what was that???" Gulong gulo na tanong ni Crystal

"Sinubukan ko lang, akalain niyo yun umubra alindog ko tss!" Smirk na sagot niya.

Tuluyan niya ng nahubad ang blouse niya at natira nalang ang sports bra.

Dali daling sinenyasan ng kamao nila rob and chito ang mga kaschoolmates naming naglalaway na sa katawan ni bessy.

"Eh bakit may ganyan kang pakana?" Si chito na halata ang pagkainis.

Nagkibit balikat si bessy. "I don't know. Sinubukan ko lang talaga, wala kasi ako sa mood makipag away. Tsaka.. mahirap na baka magkabad record tayo or ako"

Napapailing naman ang dalawang boys. Habang ako at crystal napa "tsk!" Nalang.

May point naman ang dahilan niya. Kaya lang sa ginawa niya posibleng mahulog sakanya si shin.

Hindi sa pagiging exaggerated, iba iba ang tao. Pano kung sa ginawa niyang yon mabaling ang atensyon ni shin sakanya. may pagkaobsessed pa naman yon. Tsk tsk tsk!

Tumayo siya. "Kita nalang tayo later. Magpapalit ako damit, ginawa niyo kong basahan psh." Inirapan niya kami bago umalis.

Napabuntong hininga ako. Ang hirap niya basahin nitong nakaraang araw. Ang weird eh. Kasi nakaraan sobrang dikit nila ni ate max then kanina napansin kong ang lalim ng iniisip niya. Tapos ngayon sobrang plain niya lang. wala siyang kaenergy energy.

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now