33 - Taken

2.9K 100 4
                                    

 
 
  
FOUR MONTHS have passed.

Two of the surrogate mothers' nurses called them because two mothers will be delivering their babies right now. Ito ang unang pares ng surrogate mother na manganganak. Nakaconfine na sa Simeone Hospital ang mga surrogate mother para sa panganganak. Ngaun ang EDD ng mga ito. They're all prepared for this at kasama siya sa mga doctor na magpapaanak sa mga ina. Kasama niya sina Tilly, at isa pang doctor mula sa Andriada Hospital, si Dra. Mari.

"The babies are fine. Nasa private room na ang mga ito katulad ng instructions ninyo. Ang mga surrogate ay ibabalik sa silid para makapagpahinga." Nakahiga siya ng maluwag sa binalita ni Tilly. Ito ang nagpaanak sa isang surrogate. Kambal ang isinilang nito at ang isa pang ina ay inaasikaso naman ni Dra. Mari na kasama din niya sa team sa Andriada Hospital.

Agad nilang pinuntahan ang unang kambal na ipinanganak. Nililinisan ng mga nurses ang kambal. Katulad ng nasa ultrasound, they will have a paternal twins. A boy and a girl.

"May pangalan na po ba kayo para sa kambal?" tanong sa kanila ng nurse na isa sa nag-aasikaso sa mga anak nila.

"Yes," sinulyapan niya si Daniel saka ngumiti. Nagkasundo kasi sila na siya ang magbibigay ng pangalan sa mga anak nila. Nilapitan niya ang bagong linis na baby boy nila. Sobrang saya niya na makita ang pangalawang anak nila ni Daniel. "This little man will be called Leinad. "

Inilapag naman sa tabi nito ang kakambal nito na babae.

"And this little woman will be called Dazille." Hinawaka niya ang kamay ng dalawang supling. "My babies. Luziel will be very happy to meet her siblings."

"That's for sure," sang-ayon sa kanya ng asawa saka siya ginawaran ng halik sa noo. "Thank you for giving me many children, wife."

Napangiti siya rito. Sakto naman na bumukas ang pinto ng silid at dala ng isa pang nurse ang pang-apat nilang supling. Single baby ito at isa itong lalaki.

"Baby number three is here," anunsiyo ng nurse. Agad na kinuha ito ng isang nurse at nilinisan.

"Ano pong pangalan ni baby boy number 2, Mrs. Biancaflor?" tanong sa kanya ng nurse.

Tiningnan niya ang baby nila at napangiti dahil nakuha nito ang ilong at kilay ng ama nito.

"He will be called Danzel."

Pagkasabi niya noon ay may nurse na humahangos na tumawag sa kanya.

"Dra. Luzy, nasa delivery room na po ang tatlong surrogate. Naroon na po sina Dra. Tilly at Dra. Mari. Kayo na lang po ang hinihintay para sa pagpapaanak kay Nathalie." Nabuhay ang kaba sa dibdib niya.

Siya ang nagpresenta na magpaanak kay Nathalie dahil gusto niyang makasiguro sa mga iluluwal nitong bata. Agad nilang isinasailalim ang mga sanggol sa DNA test para makasiguro na walang alteration na nangyari.

Agad silang lumabas ng silid.

"Wala kayong ibang papapasukin sa silid na ito maliban sa mga authorized nurse at doctor." Bilin ni Daniel sa limang security na nasa tapat ng pinto ng silid. "Kayong dalawa ay sa loob magbabantay para masiguro na walang ibang hahawak sa mga anak namin maliban sa amin at sa mga nurses na authorized namin. Alam niyo kung sino ang mga nurse na yon."

Tumango naman ang lima. Kumuha sila ng mga nurse na mag-aasikaso sa mga anak nila. At lahat ng iyon ay pinapirma ni Daniel sa isang kasunduan na kapag may nangyari sa mga anak nila ay isa ang mga ito sa mananagot.

Agad siyang nagsuot ng lab gown nang marating ang delivery room kung nasaan  si Nathalie. Si Daniel naman ay nakabantay sa labas ng delivery room in case na may tauhan ni Caroline na magpakita roon.

"Nathalie, I want you to push. Nakikita ko na ang ulo ng isa sa kambal." Sinunod naman siya nito. "One more."

Ilang ire pa ni Nathalie bago nailabas ang isa sa kambal. Babae ang unang lumabas. Agad niyang pinaasikaso sa nurse ang sanggol at muling pinaire si Nathalie para sa isa pang sanggol.

"I need you to push one more time, Nathalie." Tumango ito at muling umire. Nakita niya kung gaano ito kahirap sa panganganak. The same thing she wanted to experience. "One last push."

Isang malakas na ire bago umalingawngaw sa silid ang iyak ng sanggol.

"That's your youngest, doc," wika ng isang nurse na galing sa kabilang silid kung nasaan sina Tilly at Mari.

Ibig sabihin naunang makalabas ang kambal ng dalawang surrogate mother. Huling lumabas ang mga sanggol mula kay Nathalie.

"Send the babies to the private room," utos niya sa isang nurse saka binalingan ang isa pa. "Clean her up and send her back to her room." Tukoy niya kay Nathalie na ngayon ay pagod na pagod mula sa panganganak.

Lumabas siya ng delivery room at sinundan ang nurse na may dala sa mga sanggol na isinilang ni Nathalie. Kinakabahan siya na hindi niya alam kung bakit. Natatakot siya na konting sandali na maalis ang mata niya sa mga sanggol ay mawawala ito. Napansin din niya na panay ang lingon sa kanya ng nurse na may tulak sa bed na kinalalagyan ng huling kambal. Mas binilisan niya ang lakad nang mas bumilis at lumaki ang pagitan nila ng nurse.

Nasaan na ba si Daniel?

She grabbed her phone and called Daniel while her eyes were fixed at the nurse and her babies.

"Daniel, where are you? Kakatapos ko lang paanakin si Nathalie. I'm on my way to our private room with the twins."

"Caroline was spotted in the hospital, wife. Were searching the whole place to find her. How's the babies?"

Agad niyang tiningnan ang nurse na sinusundan. Napakunot ang noo niya nang wala nang sanggol ang tulak nitong higaan ng bata.

"Sandali! Nasaan ang mga anak ko?!" Hinabol niya ang nurse at ipinihit paharap sa kanya. Laking gulat niya nang makitang ibang nurse pala ang sinusundan niya. Nalito siguro siya kanina nang may makasabay na mga nurse na may tulak din na higaan ng mga bata. "Sh*t!"

"What is it, Luzy?"

"Nawawala ang nurse na may dala ng ating anak, Daniel! Malakas ang kutob ko na kinuha sila ni Caroline." Nataranta siya at hindi niya alam kung saan pupunta.

Iniwan niya ang nurse at nagtungo sa private room kung saan naroon ang ibang mga sanggol. Wala roon ang nurse na sinusundan niya kanina at wala din doon ang mga sanggol na isinilang ni Nathalie.

Gusto niyang umiyak sa pagkawala ng mga anak pero walang magagawa ang pag-iyak niya.

"Bantayan ninyong mabuti ang silid na ito," utos niya sa mga bantay na naroon bago binalingan apat na nurse na naroon. "Anong pangalan ng isa pang nurse na dapat ay mag-aalaga sa mga anak ko?" Kalmado niyang tanong sa mga ito.

Nagtinginan ang mga ito saka sumagot ang isa na pinakamalapit sa kanya.

"Karina Del Santo po, doc."

"Kapag bumalik siya rito huwag na huwag ninyong paalisin. Maliwanag ba?"

Magkakapanabay ba tumango ang apat.

"Bakit po, doc? Ano pong ginawa ni Karina?"

"Kinuha niya ang mga anak ko kapalit ng malaking halaga ng pera," aniya saka tumalikod sa mga ito.

"Hindi po magagawa iyon ni Karina, doctora. Hindi po kailangan ni Karina ng malaking pera dahil marami po siya non. Anak po siya ng isang politiko kaya alam po namin na hindi niya magagawa ang sinasabi niyo."

Pinanlisikan niya ng mata ang nurse na nagsalita.

"Kung hindi niya magagawa ang bagay na 'yon sana ay narito ang mga anak ko. I was just behind her on our way here. May nakasabay lang kami na mga nurse na may dala din na mga sanggol, nawala na lang siya bigla." Hindi na niya napigilan na mapataas ang boses. "I will do everything to find her and my children. Even if it means ruining her family's life."

Wala nang nagawa ang mga ito sa sinabi niya kaya umalis na siya.

Hindi makukuha ni Caroline ang anak niya. Iyan ang sinisiguro niya.

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sweet EscapeWhere stories live. Discover now