13 - Road Not Taken

4.1K 136 3
                                    

 
  
  
PAGKATAPOS MAGHAPUNAN ay napagdesisyunan nilang manood ng movie habang ineenjoy ang inihanda niyang french fries. Ayaw niya sana na pumayag na sumama sa mag-ama manood ng movie kaya lang pinilit siya ni Luziel at drinamahan kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag.

"Mommy.."

Tiningnan niya si Luziel na nakahiga sa carpeted floor at nakaunan sa mga hita niya.

"What is it, baby?"

Sa kanyang peripheral vision ay nakita niyang nakamasid sa kanila si Daniel habang hawak ang bowl ng fries nito.

"Can you be my real mommy so that I can have a happy family like him?" sabay turo nito sa pinapanood nilang movie na 'Boss Baby'.

Gusto niyang sabihin rito na gustong-gusto niyang maging mommy talaga nito pero hindi naman pwede na basta na lang niya gawin 'yon. Si Daniel ang magdedesisyon para sa anak nito.

"As much as I wanted to be your mom, things are not that easy, Luziel. You're too young to understand things but someday you'll understand why things can't be the way we wanted it to be."

Ngumuso ito saka nilingon ang ama.

"Daddy, you said mommy Luzille can be my mommy." May paninising wika ng bata sa ama na nabigla sa anak.

"Did I say that?" Nagtataka nitong tanong.

"Yes." Masungit na tugon ng bata.

"When did I say that?" Halatang kinakabahan ito.

Tumayo mula sa pagkakahiga si Luziel at nakapameywang na hinarap ang ama.

"Yesterday when you said that you and mommy Hazel won't be together anymore. Sabi mo pwede ko maging mommy si Mommy Luzille." Bahagyang pumiyok ang bata senyales na malapit na itong umiyak.

Ano ba naman ito? Matutulog na lang sila ay may iyakan pang magaganap.

"I did say that but I didn't say that she'll say yes. Now that she said no then she can't be your mommy."

Kung mag-usap itong mag-ama parang wala siya sa paligid na maririnig ang sinasabi ng mga ito. Napailing siya nang tumingin sa kanya si Daniel.

"No!!" Napatakip siya ng tenga nang tumili si Luziel kasunod ang malakas nitong iyak. "I want her to be my mommy!"

Yumakap sa kanya ang bata habang umiiyak. Niyakap naman niya ito at pinakalma.

"Luziel, hindi kasi ganoon kasimple ang mga bagay. Oo, hiwalay na ang mommy at daddy mo pero hindi ibig sabihin no'n pwede mo nang maging mommy kung sino man ang gusto mo. It is you and your Dad that will decide for that. Hindi naman kasi pwede na gusto mo na maging mommy ako pero ayaw naman ng daddy mo. We will not be a happy family if that happens." Paliwanag niya sa bata.

Alam niyang hindi nito maiintindihan ang sinasabi niya pero malaking bagay na din na alam niya ang sitwasyon. She's too smart to understand the situation.

"Dad likes you, mommy. That won't be a problem." Kalmado nitong wika.

Bagaman nagulat siya sa sinabi nito ay hindi siya naniwala. Imposible naman kasi na magustuhan siya ni Daniel gayong kamukha niya ang babaeng gumulo sa buhay nilang mag-ama. Sa halip na palakihin ang sinabi ng bata ay iniwasan na pang niya tingnan ang ama nito.

Nginitian na lang niya si Luziel saka ito binuhat para ihatid sa guest room na tutuluyan nila. Iniwan niya si Daniel sa entertainment room na nakatuon ang pansin sa pinapanood habang tuloy ang oagsubo ng fries sa bibig.

"Sleep now, baby. Mahaba pa ang biyahe niyo ng Daddy mo bukas." Inihiga niya ito sa kama at kinumutan.

"Good night, mommy Luzy," turan nito saka pumikit.

Sweet EscapeWhere stories live. Discover now