32 - The Plan

3K 42 0
                                    

 
  
   
LIMANG BUWAN na din simula nang mailagay sa sinapupunan ng mga surrogate mother ang embryo. Bantay sarado ng mga tauhan na galing kay Victor ang surrogate mother na si Nathalie. Sa limang babae na pumasa para maging surrogate mother ng kanilang mga anak ni Daniel ay si Nathalie lang ang bukod tangi na kahina-hinala ang background. Mayroon itong isang anak pero wala itong asawa. Wala din sa poder nito ang anak. Wala din itong guardian o parents kahit noong pinabackground check nila.

Kung hindi lang dahil sa plano ni Daniel na mahuli si Caroline ay hindi niya isusugal ang buhay ng kanyang mga anak na nasa sinapupunan na ngayon ni Nathalie. The embryos were all healthy except for the twins that inside Nathalie's womb. Maselan ang pagbubuntis nito kaya alagang-alaga nila. Kumpara sa apat pang nanay na nagdadala ng kanilang mga anak ay si Nathalie ang pinakamaselan. Nasa ikalimang buwan na ang tiyan ng mga surrogate mother at limang buwan na din nilang inaalagaan ang mga nanay. Time to time ang pakikipag-usap nilang mag-asawa sa mga ito para marinig ng mga anak nila ang kanilang boses kahit nasa sinapupunan pa lamang ang mga ito. Binibigay nila ang lahat ng kailangan ng mga ina.

"Mr. Biancaflor, hinahanap po kayo ni Nathalie. Sumasakit na naman daw po ang kanyang tiyan." Nabahala sila sa sinabi ng nurse na nag-aalaga kay Nathalie.

Agad silang tumayo at nagtungo sa silid ni Nathalie. Sa tuwing bumibisita sila sa bahay para makipagkwentuhan sa mga surrogate mother ay nagkukulong naman sa kwarto itong si Nathalie.

"Ayos ka lang ba, Nathalie?" Nag-aalala niyang tanong rito nang marating nila ang silid nito. Nakahiga ito sa kama at sapo nito ang tiyan habang nakangiwi.

"Sumasakit na naman ang tiyan ko. Ahh!" Mas lalo itong ngumiwi. "Daniel, ang sakit!"

Hinawakan nito ang kamay ni Daniel na nakaupo sa gilid ng kama. Siya naman ay nasa kabilang side ng kama. Nakahiga ito patalikod sa kanya at nakapaharap naman kay Daniel.

"Nathalie, hindi kita matutulungan kung asawa ko ang lalambingin mo. I'm a doctor. I am the only person here who can help you and not my husband." Kinuha niya ang kamay nito na nakahawak sa kamay ni Daniel.

Nakita naman niyang ngumisi ang asawa pero inirapan niya lang ito. Itinaas niya ang damit ni Nathalie at gamit ang isang aparato ay inalam niya ang heatbeat ng mga baby sa tiyan nito. Sinalat niya din ang posisyon ng mga sanggol.

"Nagiging madalas na ang pananakit ng tiyan mo pero wala naman akong makitang komplikasyon sa iyong pagbubuntis. Our babies' heartbeat are fine." Hinila niya mula sa sulok ng silid ang ultrasound machine. Bawat silid ng mga surrogate mother ay may ultrasound machine para macheck nila ang kalagayan ng kanilang mga anak. "Lay down properly."

Sumunod naman sa kanya si Nathalie ngunit bakas sa mukha nito ang pagkainis sa kanya. Nilagyan niya ng gel ang tiyan nito at sinimulan nang tingnan ang kalagayan ng kanyang mga anak. Tiningnan niya ang bawat sulok ng sinapupunan ni Nathalie pero wala siyang makitang kakaiba.

"There's nothing wrong with your pregnancy, Nathalie. Are you really in pain or not?" Itinabi niya ang machine at tiningnang mabuti si Nathalie. "Naoansin ko lang kasi na sa tuwing sasakit ang tiyan mo ay asawa ko ang hinahanap mo. Asawa ko ang gusto mong mag-asikaso sa iyo na dapat ay ako dahil ako ay isang OB. Tell us the truth, Nathalie. Ito ba ang plano niyo ni Caroline?"

Namilog ang mga mata nito sa gulat. Hindi siguro nito inaasahan ang mga sinabi niya. Lumapit naman sa kanya si Daniel at saka umakbay.

"Binuking mo naman kaagad si Nathalie. Are you that jealous, wife?" bulong ni Daniel.

Inirapan niya lang ito. Mamaya niya ito kakastiguhin pagkatapos niya kay Nathalie.

"Tama ba ang mga sinabi ko, Nathalie? Ito ba ang plano niyo ni Caroline? Kunin ang loob ng asawa ko dahil dinadala mo ang anak namin."

Ang kaninang gulat na mukha ay naging palaban. Umahon ito sa pagkakahiga at humarap sa kanila.

"Anak ninyo?" Mahina itong tumawa ng nakakaloko. "Are you sure na ikaw ang ina ng mga bata na dinadala ko, Luzille?"

Nabuhay ang takot sa dibdib niya. Ibig ba nitong sabihin na hindi siya ang ina ng kambal na dinadala nito? Pero hindi pwedeng magkamali si Tilly.

"Ako ang ina ng mga bata sa sinapupunan mo, Nathalie. Kung sasabihin mo na ikaw ang ina ng kambal, ngayon pa lang ay kakasuhan na kita at sa kulungan mo isisilang ang mga anak mo." Matapang niyang nilabanan ang takot dahil ayaw niyang lamunin siya ng pagdududa sa katauhan ng mga sanggol na dinadala nito.

"Nakita namin kung paano ginawa ang procedure, Nathalie. Egg cell ng asawa ko ang ininject sa iyo. Hindi mo kami maloloko sa mga salita mo." Nakita niyang nanggigigil si Daniel. Any moment pwede itong manakit at delikado ang mga bata sa sinapupunan ni Nathalie kapag nangyari 'yon.

"Daniel, how sure you are na hindi pinalitan ng doctor ang egg cell. Walang hindi nabibili ang pera, Daniel. Lahat gagawin ni Caroline para mahawakan ka sa leeg. Ang that time has come." Binalingan siya ni Nathalie. "Itong mga bata sa sinapupunan ko ay hindi mo anak, Luzille. Ang mga egg cell na ginamit para makabuo ng kambal ay kay Caroline. Ibig sabihin, anak ito nina Daniel at Caroline." Ngumisi ito sa kanya habang hinihimas ang maumbok na tiyan.

"Hindi totoo 'yan! Anak ko ang mga batang' yan." Akma niyang sasampalin si Nathalie nang pigilan siya ni Daniel.

"Calm down, babe. You might hurt our babies." Sa sinabing iyon ni Daniel ay agad siyang kumalma.

Hindi sila sigurado kung totoo ang sinasabi ni Nathalie. Pero hangga't hindi pa nila nalalaman kung totoo ang mga ito ay maniniwala siya sa katotohanan na anak niya ang kambal na dinadala nito.

"Aww.. Caroline would be really happy that Daniel is protecting their children," saad pa nito na mas lalong nagpagalit sa kanya.

"Hindi mababago ng mga salita mo ang katotohanan na anak ko ang dinadala mo, Nathalie. Hindi mapupunta sa Caroline na 'yan ang mga anak ko."

Tinawanan lang naman siya nito.

"Kawawa ka naman, Luzille. Hindi mo na nga kayang magbuntis tapos mawawalan ka pa ng anak." Tiningnan siya nito na parang awang-awa sa kanya.

"Stop this nonsense, Nathalie! I will not you hurt my wife nor my children. You will be guarded by my men triple times than before. Hindi ko hahayaang makalapit sa mga anak si Caroline. Magpasalamat ka dahil dinadala mo ang anak ko ngayon dahil kung hindi, hinding hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa asawa ko." Tiim ang mga bagang na wika ni Daniel saka siya inilabas ng silid na iyon.

Tinawagan nito si Victor at iba pang kaibigan para humingi pa ng iba pang tauhan. Triniple nga nito ang mga bantay sa loob ng condo unit niya na tinutuluyan ng mga surrogate mother. Bawat kwarto ay nilagyan ng mga bantay. Dinagdagan din ang security camera at ang security ng buong lugar. Hindi basta-basta makakalabas ang mga surrogate mother lalong lalo na si Nathalie.

Hindi nila hahayaan na mahawakan o malapitan ni Caroline ang mga anak nila.
 
 
  
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sweet EscapeWhere stories live. Discover now