6 - Proof

4.1K 154 1
                                    

 
  
   
MAAGANG NAGISING SI LUZILLE KINABUKASAN DAHIL SA KANYANG BODY CLOCK. Nasanay na ang katawan niya na kapag araw ng Lunes ay maaga siyang nagigising para sa kanyang duty sa Andriada Hospital. Pero ngayon maaga siyang nagising para tumunganga sa veranda ng bahay ni Daniel. Until now hindi pa rin niya alam kung nasaan siya.

Ang pinoproblema niya ay kung paano mapapatunayan kay Daniel na hindi siya si Hazel. Paano niya mapapatunayan ang tunay na katauhan kung hindi naman siya makaalis ng bahay.

"Good morning, mommy!"

Napalingon siya sa batang tumakbo palapit sa kanya at muling yumakap sa hita niya. Hanggang doon lang kasi ang abot nito.

"Good morning, baby," ganting bati niya rito saka ito binuhat paharap sa kanya.

Parang nong nakaraang gabi lang naghahangad siya ng pamilya na makakasama. Ngayon narito na ang hiniling niya. Ang problema nga lang ay hindi sa kanya ang pamilyang ito.

"Mommy, pupunta daw po tayo kina Lolo at Lola today sabi ni Daddy. Sabi po ni Lola gusto ka daw po nila makita."

Nabuhay ang kaba sa dibdib niya. May mga tao na naman siyang makakasalamuha na hindi naman niya kilala at ipipilit na siya si Hazel. Pero pagkakataon na niya ito para makatakas. Lalabas sila ibig sabihin makakaalis siya sa bahay na ito.

"In that case, we need to have our breakfast na. Let's go?"

Mabilis na tumango ang bata. "Yehey! Breakfast kami ni mommy." Luziel said in a chant.

Nagtungo sila sa kusina ng bahay. Nadatnan nila ang tatlong kasambahay na abala sa pagluluto. Nang makita siya ng mga ito ay kanya-kanya ang mga ito na umiwas ng tingin sa kanya.

"Baby, bad ba ang mommy mo sa mga maids?" tanong niya sa bata.

Nakanguso na tumango si Luziel.

"Yes, mommy. You always yell at them. Mabuti na lang mabait na po kayo nagyon."

Naawa naman siya bigla sa mga kasambahay. Luzia must have treated them so bad. Hindi na talaga nawala ang ugali na 'yon ni Zia. Kahit noong bata pa sila ay ganoon na nito tratuhin ang mga kasambahay nila. Kaya walang tumatagal na katulong sa bahay nila dahil sa ugali ni Zia.

Nabaling ang tingin niya kay Luziel na abala sa pagtikim sa nilulutong almusal ng mga kasambahay. Paano niya ba ipapaintindi sa bata na hindi siya ang ina nito? Sigurado siyang masasaktan ito ng sobra. Mawala nga lang siya sa paningin nito ay grabe na ang iyak, paano pa kaya kapag nalaman nito na hindi siya ang mommy nito?

"Mam Hazel, handa na po ang almusal niyo." Nilingon niya si Pat na kapapasok lang ng kusina.

"Hindi pa sila tapos magluto, Pat," sabi niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay na abala sa pagluluto.

"Pero mam, bukod po lagi ang almusal ninyo sa kanila. Lagi po kahong nauuna kumain ng almusal dahil maaga po kayong pumupunta sa clinic niyo."

Napakunot ang noo niya. "May clinic ako?"

"Yes, mommy. You have a clinic pero wala kang patient."

Mas lalong nangunot ang noo niya. Agad naman nagsalita si Pat para linawin ang sinabi ni Luziel.

"May OB-Gyne Clinic po kayo pero hindi po kayo tumatanggap ng pasyente."

"Bakit hindi tumatanggap ng pasyente si Hazel?" tanong niya kay Pat.

Pat was about to say something when Daniel came.

"Wala kang pasyente kasi hindi ka mahusay na OB. That's the reason why."

Sweet EscapeOnde histórias criam vida. Descubra agora