9 - Evidence

4.1K 150 1
                                    

 
  
  
PAGDATING NILA SA CLINIC AY SUMALUBONG SA KANYA ANG PAMILYAR NA AMOY. The same scent in her clinic.

"Matagal na din mula nang huling tumanggap ng pasyente ang clinic na ito. Ilang beses ka kasing nakatanggap ng complain about your performance as an OB," pahayag ni Daniel habang tinutulungan siyang na mag-ayos sa loob ng opisina.

"You mean Hazel, your wife, not me," pagtatama niya rito.

Nagkibit lamang ito ng balikat saka nagpatuloy sa ginagawa. Iniwan na nila si Luziel sa kapatid nito dahil nalibang ito sa pakikipaglaro sa mga pinsan. Mabuti na din para mas makapagfocus siya sa pagpapatunay kay Daniel na hindi siya si Hazel.

Nang matapos na sa paglilinis at pagliligpit ay naghintay sila ng ilang minuto kung may darating na pasyente. Seconds. Minutes. Hours have passed until a young lady opened the clinic door.

"Magandang tanghali po, magpapacheck—" Natigilan ang babae nang makita siya. "Doc Guandez?"

Kinunutan niya ito ng noo. Kilala siya ng babae? Pati si Daniel ay nagtaka rito.

"Hindi ko po alam na may clinic din po pala kayo dito sa Batangas."

Batangas. Ibig sabihin nasa Batangas siya kasama si Daniel at ang anak nito. Malapit lang siya sa probinsiya niya. Pwede siyang bumalik doon.

"Nagpaalam pa naman po ako sa inyo kahapon na huling pagpapacheck-up ko na sa inyo dahil lilipat na kami ng asawa ko dito sa Batangas. Tapos nandito din po pala kayo," dagdag pa ng babae.

Hindi niya maalala kung sino ito pero pamilyar sa kanya ang mukha nito. Isa ito sa mga pasyente niya sa Guandez clinic.

"Excuse me," pukaw sa kanila ni Daniel saka tumingin sa babae, "What did you call her?"

"Doc Guandez po. Siya si Doctora Luzille Guandez 'di ba?"

Sa wakas may nakakilala din sa kanya bilang siya. Sana makumbinsi nito si Daniel na hindi talaga siya si Hazel. Saka niya sasabihin rito ang tungkol kay Luzia kapag natanggap na nito na hindi siya ang asawa nito.

" And when did you last saw her?"

"Kahapon lang po."

"Where?"

"Sa Roxas, Oriental Mindoro po." Nakakunot ang noo ng babae na tumingin sa kanya saka kay Daniel. Naguguluhan siguro ito sa pagtatanong ni Daniel.

Palipat-lipat naman ang tingin niya sa dalawa habang hinahayaan na si Daniel ang makadiskubre na may mali sa nangyayari.

"My clinic is closed every Sunday," she said.

"Yon nga din po ang alam ko, doc. Pero nakita ko po na bukas siya kahapon at nakita ko kayo roon kaya kinausap ko kayo at nagpaalam na din. Parang nagmamadali nga po kayo kahapon. Nilagyan niyo din po ang clinic ng sign na temporary closed. 'Yon pala lilipat na kayo dito."

Hindi siya nakaimik sa sinabi ng babae. Sinara ni Luzia ang clinic niya at naroon ito sa Roxas, ang probinsiya nila. Everything was planned. Plinano itong lahat ni Luzia. Namumuhay ito ngayon sa katauhan niya at siya naman ay namumuhay sa katauhan nito.

"Naguguluham ako," nabaling ang pansin nila ng babae kay Daniel. "How come that you're in other place yesterday if you're in my house the whole day?"

Sa halip na sagutin ang tanong ni Daniel ay binalingan niya ang babae.

"Pasok ka na sa loob, susunod ako," utos niya rito. Nang wala na ang babae ay tiningnan niya si Daniel. "We will talk later. Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo mamaya."

Sweet EscapeWhere stories live. Discover now