10 - Back To Normal

4.1K 140 2
                                    

 

  

READY NA ANG LAHAT PARA SA PAGBALIK NIYA NG MINDORO. Nang malaman ni Daniel ang katotohanan ay binigyan na siya nito ng permiso para umalis. Kaya ngayon heto siya kasama ang dalawang tauhan ni Daniel. Ihahatid siya ng mga ito sa Mindoro gamit ang private chopper ni Daniel. Napakayaman pala ng asawa ng kakambal niya. Natutuwa siya dahil makakauwi na siya pero may parte ng puso niya ang nalulungkot.

She promised Luziel na hindi niya ito iiwan pero ito siya ngayon. Gustuhin man niyang mag-stay ay may sarili naman siyang buhay na dapat ipagpatuloy. Idagdag pa ang paghahanap niya kay Luzia.

She called Rizza earlier at nagulat ito nang malaman na nasa Batangas siya at ilang araw na siyang naroon. Nagtaka ito kung sino ang nakakasama nito sa clinic. Sinabi niya rito ang tungkol kay Luzia. Naguluhan ito ngunit nangako siya na ipapaliwanag ang lahat pagbalik niya. Kinamusta naman niya ang clinic at tulad ng inaasahan niya. Closed ito noong si Luzia ang naroon.

Ilang oras lang ang naging travel nila at nasa mismong bayan na sila ng Roxas. Dahil probinsiya ang lugar nila ay nahirapan ang helicopter na makahanap ng malalapagan. Mabuti na lang pumayag ang mayor na gamitin panadaliang helipad ang malawak nilang plasa.

Hindi niya napigilang mapangiti nang masilayang muli ang bayan na kinalakhan.

"Ms. Guandez, ipinapabigay po ito sa inyo ni boss Daniel."

Iniabot sa kanya ng isang tauhan ang isang paper bag. When she looked into it, a box of expensive phone was inside. May phone naman siya pero kasing mamahalin ng laman ng paperbag.

Nang makaalis ang mga naghatid sa kanya ay sandali siyang naupo sa bench na nasa plaza. Kinuha niya ang phone mula sa kahon nito at nakita niya ang isang card kasama nito.
 
 
Luzille,
      Call me once you get home.
                                      – Daniel
 
  
Wow! May patawag-tawag pang nalalaman. Chineck naman niya ang phone book ng phone. Iisang number lang ang naroon kaya nakakasiguro siya na kay Daniel ito.

She hit the call button. Ilang ring lang at may sumagot sa kabilang linya.

"Daniel?" paniniguro niya. Baka kasi ibang tao ang nakasagot.

"Have you arrived safely?" Concern ba ito sa kanya o pakiramdam niya lang 'yon.

"Oo. Salamat nga pala sa paghatid." Her heart raced. Bakit namimiss niya ito?

"It's nothing compared to all the trouble I' ve caused."

You've never been a trouble at all. Gusto niyang sabihin ang mga 'yon pero pinigilan niya ang sariling kalandian.

Naaalala niya ang mga tipid nitong ngiti na mas nagpapalakas ng tibok ng puso niya. Ang minsang paghawak nito sa kamay niya sa kakaiba sa lahat ng kamay na humawak sa kanya dahil may kakaibang kuryenteng dala ang kamay nito. Kuryente na mas nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso. Nahulog na ba ako kay Daniel? No! It can't be.

"May kinahinatnan naman ang ginawa mo. Nalaman ko kung ano ang naging buhay ng kakambal ko sa nakalipas na limang taon. Nalaman ko din na may napakacute akong pamangkin." Nalungkot siya nang maalala si Luziel. Hindi nito alam na umalis siya dahil nasa Tita Danica nito ang bata.

"She will be devastated if she finds out that you left," bakas ang lungkot sa boses niya. "You promised her na hindi mo siya iiwan."

Napabuntong hininga na lamang siya.

"Alam mo naman ang dahilang kung bakit ako umalis at kung bakit hindi ako pwede mag-stay," sabi niya na umaasang maunawaan nito kung bakit hindi niya matutupad ang pangako sa anak nito.

"I know and I hope Luziel will understand why. She'd been through a lot. Masyado pa siyang bata para maranasan ang iwan ng sariling ina. I'm thankful that you came. Kahit papaano ay naramdaman niya kung paano mahalin ng isang ina."

Mas lalo siyang nalungkot sa sinabi nito. Luzia should be blame for this. Dahil sa pansarili niyang mga ninanais ay naaapektuhan ang buhay ng isang inosenteng bata.

"Bibisitahin ko kayo kapag free day ko. Sana lang ay welcome ako sa bahay niyo bilang ako at hindi bilang si Hazel na kakambal ko."

She heard him giggled. It made her heart beat erratically. Nasapo niya ang dibdib dahil feeling niya ay lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok.

" Everyone here knew from the very start that you're not Hazel. Even Mom and Dad knew. Malaki kasi talaga ang pagkakaiba niyo kahit pa sabihin na magkamukha kayo." He sighed, "We'll wait for your visit, Luzille. Take care."

Pagkasabi nito no'n ay pinatay na nito ang tawag. Napatitig siya sa screen ng phone na parang naroon lamang si Daniel.
Sinapo niya ang dibdib at pinakiramdaman ang puso.

It's beating so fast. She feels like a teenager getting that kilig feelings. Sa edad niyang 29 ay hindi na yata akma sa kanya ang mga ganong term.

But on the other hand, babae lang din naman siya. This is her first time feeling this strange feeling inside her. Ang pakiramdam na buhay na buhay siya kapag naririnig niya ang boses ni Daniel. His voice gives her the stamina to go on all day. He's like her inspiration. The last man she loved was her father. And right now, she's feeling the love deeper than for her father's, towards Daniel, her sister's husband.

The reality woke her up from dreaming of falling in love. Sa dami ng tao sa mundo na pwede niyamg magustuhan ay ang asawa pa ng kakambal niya.

This isn't right. Mariin siyang umiling para iwaglit sa isip si Daniel. Labanan mo hangga't maaga pa, Luzy. Hindi tama ang nararamdaman mo, kausap niya sa sarili.

Inilagay niya sa bulsa ng pants amg phone saka naglakad patungo sa sakayan. Wala siyang dalang kotse kaya kailangan niyang magcommute pabalik sa kanyang bahay. Ihahatid kasi sana siya ng mga tauhan ni Daniel sa bahay pero tumanggi siya. Ayaw na niyang makaabala.

Pagdating niya sa bahay ay napansin kaagad niya na hindi nakalock ang pinto which is odd. Nagtaka siya sa pinto na hindi nakalock pero mas nagtaka siya namg makita ang loob ng bahay. Parang dinaanan ng buhawi ang loob ng bahay dahil sa dami ng nagkalat na mga damit at mga kahon ng take-out food.

'Someone's living in her house,' wika ng isip niya. 'But who?'

Nagtungo siya sa kwarto at doon niya napagtanto kung sino ang nakatira sa bahay habang wala siya at siya ring salarin sa mga kalat ma nadatnan niya.

"Luzia?"

She gasped as the woman in front of her computer turned to look at her. Ang kapatid nga niya ang nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ito ang babaeng hinahanap ni Daniel ng ilang taon at ito din ang dahilan kung bakit niya nakilala ang mga ito.

"Sh*t!"

Mabilis ang maging kilos nito para tumakbo palabas ng kwarto. Nilampasan siya nito ng akma niyang sasalubungin ito ng yakap. Bagaman nagtataka ay mabilis niya din itong sinundan.

"Zia, bakit ka tumatakbo?" tanong niya habang hinahabol ito sa may hagdan.

"You shouldn't see me, Luzille!" hiyaw nito na mas lalo niyang ipinagtaka.

"Hinahanap ka na ng pamilya mo! Bumalik ka na sa kanila at sa anak mo!"

Nasa may gate na ito ng bahay at siya naman ay nasa main door nang huminto ito at lingonin siya.

"Hindi na ako babalik sa buhay na iyon." Agad itong umalis pagkasabi no'n.

Hahabulin pa sana niya ito pero nakasakay na ito sa isang pampasaherong van. Wala na naman ang kapatid niya. Bakit parang may tinatakasan ito? Bakit ayaw din nito na bumalik sa pamilya nito?

Luzia must be hiding something.

 
  
  
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sweet EscapeWhere stories live. Discover now