22 - Secret

3.5K 118 5
                                    

"MOMMY!!" hiyaw ni Luziel nang bumaba mula sa kotse at tumakbo palapit sa kanya. Galing ang mga ito sa bahay ng mga magulang ni Daniel. Hindi na siya sumama dahil alam niyang hindi pa siya tanggap ng ama ni Daniel bilang ina ni Luziel. Naiintindihan naman niya ang matanda dahil napakagulo ng sitwasyon niya at nina Daniel.

Right now, they're settling to the idea that she's Luziel's mother kahit na si Luzia ang nagluwal dito sa mundo. Everything's fine between them. Tatlong araw na din siyang naninirahan kasama ang mag-ama.

"Hello there, baby!" Kinarga niya ito nang makalapit sa kanya. "How was your day? How was your lolo and lola?"

"They're fine." Masigla nitong sagot na siya namang paglapit sa kanya ni Daniel.

"Hi," wika nito saka siya hinagkan sa pisngi. Sanay na siya sa mga ginagawa nitong pagnakaw ng halik lalo kapag nasa harap ng bata.

"You looked tired," puna niya rito. Bakas kasi sa mukha nito na hindi maganda ang mood nito.

"It is because Tita Caroline came to Lolo and Lola's house. She kept on saying that you're not my mommy cause you'll never be a mommy."

Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Luziel.

"Totoo ba na nagpunta doon si Caroline?" tanong niya kay Daniel.

Sa halip na sagutin siya ay tinawag nito si Pat at pinakuha si Luziel at dinala sa play area nito. Siya naman ay sinundan ito sa kwarto nito. Wala na nga pala sa kwarto nito ang mga gamit ni Caroline.

"Ano 'yong sinasabi ni Luziel na nagpunta sa bahay ng parents mo si Caroline? Totoo ba 'yon?" tanong niya rito.

Abala ito sa pagtanggal ng suot na necktie kaya naman nabigla siya nang tumingin ito sa kanya. Seryoso ang mga mata nito katulad ng mga mata nito nang una niya itong makita nang magising siya sa kwarto na hindi niya kilala.

"May dapat ba akong malaman tungkol sa iyo, Luzille?"

He called her Luzille. This gotta be a serious matter.

"I already told you everything about me. Pinabackground check mo pa ako 'di ba?" Kinakabahan siya sa mga tingin nito. That was the way he looked at her when he slapped her. Natakot siya para sa sarili.

Nakita niya na huminga ito ng malalim at kinalma ang sarili.

"Hindi ako magagalit kung aaminin mo ang iyong sekreto." Kalmado ngunit may diin nitong wika.

Mas lalo siyang kinabahan. Anong sekreto ang tinutukoy nito? Bumalik sa isipan niya ang sinabi ni Luziel kanina.

It is because Tita Caroline came to Lolo and Lola's house. She kept on saying that you're not my mommy cause you'll never be a mommy.

Natutop niya ang bibig nang mapagtanto ang ibig sabihin nang sinabi ni Luziel kanina at kung anong sekreto ang tinutukoy ngayon ni Daniel.

"I'm waiting, Luzille. Gusto kong manggaling sa iyo ang katotohanan." Humakbang ito palapit sa kanya ngunit sa bawat hakbang nito ay umaatras siya.

She's scared. Natatakot siya sa maaari nitong gawin. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito. He might hurt her.

"Kaya ba malapit ang loob mo kay Luziel dahil alam mo sa sarili mong hindi ka pwedeng magkaanak?"

Namilog ang mga mata niya sa tanong nito. Iyon ang matagal na niyang lihim at isa sa mga dahilan kung bakit mailap siya sa mga lalaki. Hindi siya nag-eentertain ng manliligaw dahil alam niya sa sarili niya na kapag humantong sa pagpapamilya ay hindi niya maibibigay ang gusto ng mga lalaki. Ang anak.

Hindi niya napigilan na mapaiyak. Napaupo siya sa gilid ng kama dahil bigla siyang nawalan ng lakas.

"I had a severe endemetriosis. I can't bear nor carry a child of my own." Umiiyak niyang pag-amin rito.

That's her darkest secret. Kahit kay Luzia ay hindi niya ito sinabi. Tanging ang ama lang niya ang nakakaalam ng lahat ng sakit na pinagdaanan niya.

"What? Endemetriosis?" Naguguluhan pa ring tanong ni Daniel.

Pinilit niyang kumalma upang mailahad kay Daniel ang tunay niyang kondisyon. She wiped her tears as she faced him.

"I was 19 when I discovered my condition. Namana ko ito kay Mama. Mama had a mild endemotriosis that's why she was able to carry us but it cost her life. When I found out about my disorder, sinabi ko kaagad kay Papa. My condition was severe to the point that I feel pain everywhere especially when I have my monthly period. I was 22 when Papa and I decided to do the last resort. I undergone the surgery, the hysterectomy." Paglalahad niya.

Nakikinig naman ng mabuti sa bawat sinasabi niya si Daniel. He's eager to know her condition and disorder.

"If you've already done the surgery then you're fine now, right?" paniniguro nitong tanong.

Malungkot siyang ngumiti at umiling. Napakunot naman ang noo nito.

"I am fine now. No more pain." She smile sadly. "Kapalit ng pagkawala ng sakit na nararamdaman ko ay ang pag-asa ko na maging ina at magluwal ng sanggol. I can no longer bear a child, Daniel. If ever we'll get married I can't give you the children that you like. As muxh as I wanted to but I can't." Muli siyang napaluha. Is8nubsob niya ang mukha sa mga palad at umiyak doon.

" What do you mean? Akala ko ba nagpasurgery ka na and you are fine. Why can't you still carry a child?" May himig nang inis nitong tanong.

She can see the frustration in his face. He's frustrated as mush as she's frustrated in her life.

"Hysterectomy is a surgery where the doctor removed my uterus, cervix and ovaries. There's no more chance for me to get pregnant," pahayag niya.

Napaupo sa gilid nang kama si Daniel.

She felt how his world fell apart. That's also her reaction when she learned the consequences of the surgery. Gusto niyang mabuhay ng matagal kaya ginawa niya ang mga desisyon na iyon.

"Maiintindihan ko kung magbago ang nararamdaman mo ngayon. Matagal ko nang hinanda ang sarili ko sa mga ganitong bagay." Pilit niyang pinatatag ang sarili. Kailangan niyang maging matapang para harapin ang lahat ng posibleng mangyari ngayong alam na ni Daniel na hindi siya pwedeng magkaanak.

"Your condition won't change what I am feeling for you, Luzille." Napatingin siya rito. Nakatingin ito sa kanya at puno ng pang-unawa ang mga mata nito. "Hindi ko na kailangan pa ng anak. We already have Luziel. I want you and only you."

Muling naglandas ang mga luha sa mga pisngi niya. Tinawid niya ang pagitan nilang dalawa at mahigpit itong niyakap.

"Thank you for your understanding, Daniel," aniya habang yakap at umiiyak sa balikat nito.

"I will always understand you, Luzy. I love you, remember?"

Napatawa siya sa sinabi nito na oarang nakalimutan niya ang bagay na 'yon. Kumalas siya sa pagkakayakap rito.

"And I love you more, Daniel. Akala ko walang lalaki ang makakatanggap ng aking kalagayan pero heto ka, inunawa at tanggap mo ako kahit na may pagkukulang ako. Thank you so much for loving me despite of my situation." She smiled sweetly at him. "Hindi ko nasabi sa iyo ang lahat dahil natakot ako na layuan mo. Natakot ako na malayo kay Luziel. Kay Luziel ko lang kasi mararamdaman ang pagiging isang ina."

Siya naman ngayon ang mahigpit nitong niyakap.

"Minahal kita bilang ikaw kaya lahat ng katangian mo, whether negative or positive ay mamahalin ko dahil mahal kita. Mahal na mahal kita. I thank God for sending an angel like you in me and my daughter's life."

Nag-uumapaw ang kanyang kasiyahan ngayon dahil sa pagtanggap sa kanya na ginawa ni Daniel. Ngayon, wala na siyang kinakatakutan na posibleng maging dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel at ni Luziel.

She can now hear a bell ringing.

 
  
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sweet EscapeWhere stories live. Discover now