The next morning ay medyo nalungkot ako. The thought na pupunta uli kami sa hacienda ng mga Amante ay hindi pala mangyayari. Manang Zana is tired from last night at ginusto nitong magpahinga muna.

At dahil wala akong magawa ay sinubokan ko nalang ang mag linis ng bahay. It's a bit dusty. Hindi pa ako naka try mag linis but I think I know how by instinct.

Inuna ko ang pag linis sa sala. Tamang walis at punas lang sa alikabok sa bintana ay okay na. I next went to the kitchen. Nahugasan na ni Manang Zana ang mga pinagkainan namin kanina at wala naman masyadong dumi kaya napagpasyahan ko nalang na itapon ang basura.

After cleaning the sala and kitchen ay ang kwarto ko naman. Hindi ko pa nalipat lahat ng damit at gamit ko sa aparador kaya ngayon ko gagawin. Matapos ng paglilipit ay nag walis lang ako. The bed sheets are new so hindi ko na papalitan.

Hapon ng maramdaman ko ang pagod. Ngunit sa sobrang pagka bagot ay hindi yata ako mawawalan ng gagawin. Kaya naisipan kong diligan ang mga halaman sa labas.

Nag igib ako ng tubig sa cr at kinarga ko ang balde palabas ng bahay. Nasa bungad na ako ng pintuan ng makita ko ang pamilya na Ford ranger.

My eyes widened when I saw Heros coming out from the front seat. Wearing his usual outfit, he welcomed me with a bright smile.

Agad kong tiningnan ang suot at itsura ko. Punyimas lang at ang dugyot ko tingnan kompara sa mukhang bagong ligong nasa harap ko!

"What are you doing here?" Napakunot ang noo ko at kinarga uli ang balde.

Maagap niya akong tinulongan. Hindi na ako naka reklamo kaya itinuro ko nalang sa kanya kong saan ito ilalagay.

"Thanks." Sabi ko ng maibaba niya ang balde. Kinuha ko ang tabo at sinimulan ang pagdidilig. Gosh! I look like a little kid doing obediently the household chores.

"You clean the house?" Aniya at umupo sa silya, sa tapat ng kahoy na bilugang lamesa.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagdidilig. I bit my lower lip and curse in my mind. Kung bakit kasi hindi ako nakapaghanda! At bakit kasi pabigla-bigla siya.

"Ang bait na bata!" Natatawa niyang sabi

Sinamaan ko siya ng tingin at nagkibit-balikat siya sabay sipol.

"Tulog si Manang Zana kung hinahanap mo siya. Medyo napagod kahapon." Utas ko.

"I didn't came here for her alone." Aniya.

Namumula na siguro ang ibabang labi ko sa kakakagat. Why am I happy about this?

"Eh anong sadya mo?" I ask coldly.

"I told you, I'll be your tour guide. So should I start touring you today? Sorry I was busy this morning kaya ngayon lang ako nakapunta. Dapat kanina pang umaga kung hindi lang nagka emergency sa office."

Diniligan ko ang huling halaman. Matapos kong mag diligan ito'y nag punas ako ng pawis. Nakatalikod ako mula sa kanya kaya palihim ko na rin' inamoy ang aking sarili. Shocks! Ang bantot ko!

"May mapupuntahan pa ba tayo ngayon?" Sabi ko at nilingon ko siya.

I saw amusement in his lips. His eyes were staring at my eyes like he knows where to find it. At sa tuwing ginagawa niya iyon ay napapa-iwas ako ng tingin. Gosh. Why am I trembling everytime he looks at me!

"It's still three o'clock in the afternoon. I know a place. A good one." Aniya.

"Hindi papayag si Auntie Zana." Sagot ko.

"Aya? Sino 'yan?" Boses ni Manang Zana galing salas. Great! Great timing, Manang.

Lumabas si Manang Zana galing sala. Medyo namumutla siya at ang mga mata niya'y nakitaan ko ng takot.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon