"Ma'am, tumawag po si Ma'am Hellina. May importante daw po siyang sasabihin sa inyo." Anang isang bodyguard nito.

Lumingon si Tita Mariella at may isininyas sa bodyguard bago ito lumingon sa'min. "Manang Zana, as much as I wanted but kailangan ko ng umuwi."

"Sige, ayos lang Mariella. Pauwi narin kami nitong pamangkin ko pagkatapos namin bumili nitong manga." Ani Manang Zana.

"Oh shh! Huwag niyo ng bayaran Manang, sagot ko na. Linda?" Sabay lingon nito sa isang muchacha. "Bayaran mo ang bibilhin nilang manga. Samahan mo na rin ng ibang prutas."

"Nakakahiya naman sa'yo, Mariella. Huwag na." Ani Manang.

"Maliit lang na bagay 'yan Manang Zana. Pagbigyan niyo na ako." Nangingiting sabi nito.

"Ikaw talagang bata ka! Hindi ka na nagbago." Natatawang saad ni Manang.

"Oh siya, aalis na ako Manang. Pumunta ka sa bahay bukas ha? Isama mo narin ang pamangkin mo. Aya, sumama ka ha? Alalayan mo na itong si Manang Zana at matanda na."

Tipid na ngumiti lang ako at tumango.

"Heros, ihatid mo sila Manang Zana. Aalis na ako."

Gusto pa sanang tumanggi ni Manang Zana sa suhestiyon nito na ihatid kami ni Heros pero sa huli ay wala siyang nagawa. Umalis si Tita Mariella kasama ang mga muchacha at bodyguard niya samantalang naiwan naman kami ni Manang at ni Heros.

Tinulongan kami ni Heros na bitbitin lahat ng pinamili namin at ipinasok ito sa golden Ford Ranger niya. Sumakay si Manang sa likod at kahit napipilitan ay ako ang umupo sa front seat, tabi ni Heros.

"Mabuti at napagpasyahan mong umuwi at manirahan na dito, hijo. Hindi ka ba nahirapan sa adjustment mo?" Ani Manang Zana ng nasa daan na kami.

Seryosong nakatitig si Heros sa daan at paminsan-minsan ay nakikita ko sa gilid ng mata kong sumusulyap siya sa'kin. Silang dalawa lang ni Manang Zana ang nag-uusap at nanatiling tikom lang ang aking bibig.

"Noong una po, nahirapan. Kalaunan, naging okay naman po ang istado ko dito." Sagot nito sa baritonong boses.

"Mabuti naman. Natutuwa akong tinutulongan mo ang Mama mo sa pamamahala sa inyong hacienda at rancho."

Marahang tumawa lang si Heros. Panay ang tanong ni Manang Zana sa bagay-bagay tungkol sa kanya kaya tuloy wala paman mi isang araw ay marami na akong nalaman tungkol sa kanya.

He grew up in California since he was nine years old at kasama niyang lumaki doon ang only sister niya na bagong ikinasal lang nitong nakaraang buwan. He graduated with a course in Agriculture business. Nakapagtapos rin siya ng Masters degree. He is single and not married yet even at twenty-nine. Though he said he have few girlfriends before.

Nagulat pa ako ng sinabi niyang twenty-nine years old na siya. Wala kasi sa itsura niya. He looks like a year or two older than me. Though his firm and built is very hard and mature, the little bit soft features of his face is very deceiving. Para siyang anghel... No. More like he is a greek god and you're a mortal willing to be deceive by his looks.

"Itong si Aya, ang daming manliligaw sa Maynila. Kaya bantay sarado ito sa'kin eh. Mabuti nalang hijo at gagawin din kitang tagapag-bantay nitong pamangkin ko dito." Sabay tawa ni Manang Zana.

"Manang!" Pigil ko na muntik na'kong mapamura at nakalimutan kong kailangan pa lang magpanggap kaming magka-anak. "Auntie! Nakakahiya..." Halos pabulong kong sinabi iyong huling salita. Tumingin ako kay Heros na ngayo'y may tinatagong pilyong ngiti sa kanyang labi. Napakunot ang noo ko sa ngiti niya.

"Aba eh dapat lang kung ayaw mong managot tayo sa lo-tatay mo. Baka multohin ako no'n." Ani Manang Zana.

Heros laugh a bit. "Bakit, ilang taon na ba siya at hindi pa pwedeng mag boyfriend?"

Pakiramdam ko'y gusto ko nalang matunaw dito sa front seat!

"Diese-nuwebe pa 'yan hijo! Tsaka nag-aaral pa kaya't hindi talaga pwedeng mag boyfriend-boyfriend. Baka mamaya kapag pinayagan ng ganyan eh mabuntis, naku! Ewan ko nalang."

"Auntie!" Saway ko uli pero tinawanan lang ako ni Heros.

I really hate his laugh! I hate how his voice sounded when he talk, laugh or even just breath. Wala naman akong period ngayon.

Pero kahit naiinis ako sa kanya ay hindi ko mapigilang ma kuryos sa reaction niya kaya nilingon ko siya uli. He lick his lower lip and his adams apple move sexily.

Nag iwas agad ako ng tingin bago niya pa ako mahuling tumititig sa kanya. Mabuti nalang at narating din namin agad ang bahay.

Hindi ko na hinintay na mapagbuksan niya ako ng pinto. Lumabas agad ako ng ma unlock niya ang lock sa pinto. I also opened Manang's door at tinulongan itong makababa. Umikot naman si Heros at kinuha ang mga pinamili namin.

"Is this your house?" Heros ask. Hindi ko lang alam kung sino sa'min ni Manang Zana ang tinatanong niya.

"Oo hijo. At alam mo ba? Itong bahay at lupa ay ibinigay sa'min ng libre ng lola at lolo't mo?" Mahinang natawa si Manang Zana saka niya inunlock ang door knob.

"I see... Kayo lang dalawa dito, Manang?"

Nauna ng pumasok si Manang Zana. Nakita kong madaming dala si Heros kaya nag giveway ako para mauna siyang maka daan pero imbes na dumeretso siya ay malambing ang boses niyang sinuyo akong ako ang mauna. Nginitian niya pa ako pagkatapos. Umismid lang ako at pumasok na.

Mas lalo akong pinanindigan ng balahibo dahil sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. He looks gorgeously handsome in a manly way but I don't like him at all. I hate how he smile. I hate the way he stares at me. I hate how he strictly moves. I hate his vibe! I even hate how his lips move everytime he opens his mouth. I get distracted at it for no reason!

I saw Manang Zana went to the kitchen at sumunod doon si Heros dala ang mga pinamili namin.

Magpapaalam na sana akong aakyat muna sa kwarto ko nang sumigaw si Manang mula sa kusina na ihatid ko raw si Heros sa labas.

Mabilis na naka labas si Heros sa kusina wearing his stupid annoying smile at me. I didn't smile back. Lumabas agad ako. He walk beside me pero mas binilisan ko ang paglalakad. I heard his soft chuckle and I didn't dare to look back to see his mocking face.

Nasa labas na kami ng bahay, sa tapat ng sasakyan niya. He stand beside me at umurong ako kaonti palayo.

"So, I see you around?"

Gusto kong i-reject ang tanong niya pero ayaw ko naman mag mukhang bastos at walang utang na loob matapos niya kaming ihatid at tulongan sa pagbitbit ng aming mga pinamili.

"See you... Thanks for helping us." I said, and give him a force smile before I turned my back against him and roll my eyes.

Wala naman siyang ginagawa pero bakit ba nakaka irita siya?

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon