"Good morning, Manang Zana. Pasensya na hindi ko kayo natulongan. Napasarap kasi ang tulog ko." Sabi ko saka umupo na. Sa tinagal din simula ng mag umpisa ang threaths na natatanggap namin ni Lolo kaya hindi ako makatulog ng mabuti noon. Ngayon lang nga ako nakapag pahinga ng maayos.

Sana, si Lolo din nakapag pahinga ng maayos ngayon. Sana ayos lang din ang lagay niya.

Marahang tumawa si Manang. "Ano ka ba, Aya. Ibinilin ka sa'kin ni Amando kaya dapat lang na alagaan din kitang mabuti."

"Hindi na po kayo iba sakin Manang. Pamilya ko na po kayo. Tsaka diba, ayaw din ni Lolo na mamuhay akong parang reyna kahit spoiled ako minsan." Sabi ko't ngumiti.

"Ikaw talagang bata ka. Oh sige kumain ka na. Aalis tayo at mamamalengke pagkatapos."

Mabilis kaming natapos sa pagkain. Hindi naman ako ganoon ka gutom dahil marami ang nakain ko kagabi.

Pumunta kami ni Manang Zana sa palengke. It's a wet market at pinagsisihan ko kung bakit nag suot ako ng flat sandals at yellow floral flowy dress. Mabuti nalang nakapag suot ako ng summer hat panlaban sa sinag ng araw.

Bawat nadadaanan naming tindera ay tinatanong si Manang Zana kung sino ako. She just told them that I am her niece from her deceased brother. At wala naman nagtatanong ng higit pa maliban nalang sa mga kalalakihan na nagtatanong kung may boyfriend na ako. I already get used to this question even wayback I was in Manila.

"Naku, bata pa 'tong pamangkin ko at hindi pa pwedeng mag boyfriend." Ani Manang Zana sa isang binata na gustong makipagkilala sa'kin.

"Makikipag-kilala lang naman iyong anak ko, Zana. Ang damot mo." Naka ngusong sabi ng matandang babae, ina ng binatang gustong makipagkilala.

Marahang pinisil ko ang braso ni Manang at nginitian siya. Inilahad ko pagkatapos ang kamay ko sa binata.

"I'm Aya..."

Kumislap ang mga mata ng binata at agaran na inilahad ang kamay sa'kin.

"Gio.." The guy said. Matangkad siya at balingkinitan ang katawan. May itsura din at mukhang mabait naman.

"Nice meeting you, Gio." I said and give him a friendly smile.

Hinatak na ako ni Manang Zana palayo pagkatapos ng aming kamayan. Wala talaga siyang ipinagkaiba kay Lolo pagdating sa mga lalaking nagpapakita sa'kin ng interes.

Naalala ko noong isang beses na may nanligaw sa'kin sa bahay, pinakawalan ni Lolo ang K9 namin na si Max kaya hindi tuloy tumuloy sa pagpasok kahit sa gate ang manliligaw ko dahil sa takot. Agaran itong kumaripas sa pagtakbo ng tinaholan ito ni Max. Sobrang pagkahabag lang ang naramdaman ko noon sa kawawa kong manliligaw. Marami pang beses na komontra si Lolo sa mga manliligaw ko dahil ayon sa kanya, saka nadaw ako sa ganyang bagay kapag nasa tamang edad na ako at kung mahanap ko na ang lalaking nararapat sa'kin. And I think that is very impossible dahil kahit kailan, walang nagustohan si Lolo para sa'kin. Mabait man o mayaman, matalino man o masipag. He just didn't like the idea of me having a boyfriend because he knows men nowadays.

"Magkano itong manga, eneng?" Ani Manang Zana habang hawak ang isang manga na mukhang katakam-takam.

"Isang daan per kilo po." Anang bata.

"Oh my, God! Manang Zana? Is that you?"

Napalingon kami ni Manang sa aming gilid. A sophisticated woman is in all smile looking at us. Behind her are her muchachas and bodyguards.

"Mariella?" Gulat na tanong ni Manang.

"Manang!" The woman hug Manang Zana so tightly na para bang sabik na sabik itong makita. "Kailan ka pa dumating? Tsaka bakit hindi ka man lang nagpasabi?"

Tumawa si Manang ng maghiwalay sila. "Kararating ko lang kahapon. Tsaka naging busy agad. Ito nga namalengke ako para sa alaga-este pamangkin ko." Sabay lingon sakin ni Manang Zana at hinila niya ako palapit sa harap ng magandang babae.

"Mariella, si Aya nga pala, pamangkin ko. Aya, si Mariella, alaga ko dati at siya ang asawa ng mayor dito na si Mayor Heustacio Amante." Pagpapakilala sakin ni Manang.

Marahang tumawa ang babae. "Si Hex na ang mayor dito, Manang. Heustacio was the previous governor here in Zaccarrio but he already stepped down in politics." Anang babae sabay pasada sa'kin ng tingin. "Ang ganda-ganda naman ng pamangkin mo Manang. Just call me Tita Mariella hija. Ilang taon ka na?" Sabay beso nito sakin.

Nagulat ako pero agad na nakabawi at ngumiti sa babae. "Uhh, nineteen po."

"Oh, so young. Balak sana kitang ipakilala sa dalawa kong anak na lalaki." Saad nito na ikinatawa ni Manang Zana.

"Sa tagal ko ng hindi naka uwi, marami na akong hindi alam sayo at sa pamilya mo Mariella."

"Kaya nga dahil nagkita na tayo ngayon Manang, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na anyayahan kita sa bahay. Matutuwa si Heustacio kapag nalaman no'n na naka uwi ka na."

Tumango naman si Manang. "Oh sige, bukas. Pupunta ako."

"Maraming salamat Heros. Talagang mabenta sa'min ang manga na galing sa inyo. Bumalik ka uli dito sa susunod na araw ha?"

"Walang anuman. I'll check my sched. Kung hindi ko kakayanin, si Mang Erning nalang ang papupuntahin ko dito para mag dala ng mga manga."

"Sana, hindi mapuno ang sched mo Heros."

Natigil ang pag-uusap nila Manang Zana at Tita Mariella dahil sa isang baritonong boses at isang malambing na boses ng babae. Nag angat ako ng tingin at nakita ang isang lalaking mala-diyos ang katawan at mukha kausap ang isang magandang morenang babae.

Napataas ang kilay ko sa kanilang dalawa. It's obviously na may halong harutan ang pag-uusap nila. It's not the usual business-to-business deal base on my observation of their body language. Naka sanayan ko narin siguro ang mag observe dahil sa kurso kong Psychology.

Mas napatitig ako sa lalaki. The features of his glorious handsome face looks like Tita Mariella. Ngunit ang katawan niya'y hindi mo mababakasan ng pagkalambot. He looks so manly, so hard and what can I say? Too much...

"Heros, my son.. Good thing you are here. Halika, ipapakilala ko sayo si Manang Zana at ang pamangkin niyang maganda." Utas ni Tita Mariella.

The guy named Heros directly look into my eyes na para bang alam na alam niya agad kung kanino siya titingin.

Behind Every PlayboyWhere stories live. Discover now