Matulin ang biyahe ng sinakyan naming tricycle. Though the place is very secluded at tahimik, nagustohan ko naman ang preskong simoy ng hangin, ang ganda ng mga natural na view kagaya ng mga hills, iba't-ibang kulay ng mga bulaklak, the trees and the cleanliness of the area. Wala akong nakitang kahit anong basura na nakakalat sa gilid ng daan maging sa kahit anong parte ng mga establishamento hindi katulad ng sa Maynila.

"Diyan lang sa tabi, hijo." Ani Manang Zana sa driver ng tricycle.

Itinabi naman ito ng driver at tinulongan kami nitong bitbitin ang mga bag namin papunta sa mumunting bahay, di kalayuan sa kalsada.

"Maraming salamat, hijo." Sabay bigay ni Manang Zana ng bayad. Tinanggap naman ito ng driver at malugod na ngumiti sa'min bago ito umalis.

"Pasensya ka na, Aya. Maliit lang ang bahay ko dito. Wala pa ito sa kalahati ng mansyon niyo." Anito at binitbit na ang dalawang bag papasok sa loob ng bahay. Napatingin din ako sa paligid at masasabi kong probinsiya nga ang dating dahil sa magkakalayong mga bahay.

Kinuha ko narin ang dalawa pang bag at isang luggage saka sumunod kay Manang. Totoo ngang wala pa ito sa kalahati ng kinalakihan kong bahay ngunit hindi naman ako maarte. I was raise by my Lolo to be humble and be appreciative even in simple and small things.

"Ayos lang ito, Manang Zana. Huwag na po kayong mamroblema." Nangingiti kong sabi sabay titig sa kabuoan ng loob.

Mayroong maliit na sala at old fashioned tv, may maliit rin na kusina at lababo, may cr na sakto lang ang laki at may ika-dalawang palapag.

"Nahihiya lang ako. Hindi bale, pansamantala lang naman ito. Kapag maayos na ang lahat, susunduin ka agad ng lolo mo."

"Ano ka ba naman Manang. Parang hindi niyo ako kilala niyan."

Ngumiti ang ginang saka tumitig sa hagdanan. "May apat na kwarto sa itaas. Iyong sa kanan, sa pinaka dulo ang magiging kwarto mo. Iyon ang dating kwarto ng Inay at Itay ko at iyon ang pinakamalaki sa lahat ng kwarto dito."

"Saan po kayo Manang?"

"Doon ako sa dati kung kwarto, sa kaliwa, unang kwartong makikita mo pag akyat mo sa taas. Mas gusto ko doon kasi nakasanayan ko na." Aniya.

"Ayos lang po ba na doon kayo, Manang?"

"Oo naman. Tsaka mas mabuti na doon ka sa malaking kwarto dahil mas marami itong dala mong gamit. Makakapag-aral ka pa doon dahil may study table."

Ngumiti ako. "Maraming salamat, Manang."

"Oh siya, ipanhik mo na ang mga bag mo sa itaas. Magpahinga ka muna. Kakatukin nalang kita kung kakain na tayo."

Tumango ako saka sumunod na sa sinabi ni Manang Zana. Malaki nga ang kwarto at may study table pa.

Inilapag ko ang mga bag saka ako humiga ako sa kama. Sa sobrang pagod sa biyahe ay nakatulog ako ng mabilis. Nagising nalang ako sa katok ni Manang Zana.

Kumain kaming dalawa sa hapagkainan. Simpleng ulam lang ang hinanda ni Manang, pininyahang adobong manok. Dahil hindi na ako nakakain ng tanghali kaya naparami ang kain ko sa gabi.

Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako kay Manang Zana sa pagliligpit. Umakyat din agad ako sa kwarto pagkatapos para makaligo. Timba at tabo lang ang gamit ko dahil walang shower. Nang lumalim ang gabi ay dinalaw uli ako ng antok hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan ay tilaok ng manok ang gumising sa'kin. Tiningnan ko ang hinubad kong wrist watch. Alas otso na pala.

Dali-dali akong naligo at nag tootbrush. Pagkababa ko ay naka handa na ang almusal.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon