Well, this is.. inappropriate.

'Looks like she loves being on top. That's hot.'

Shut up, you perverted brain of mine.

Nang umayos na kami ng tayo ni Medusa, naiilang akong nag-iwas ng tingin. Damn, this is embarrassing. Nilapitan ko ang mga estatwa. Para talaga silang totoo! I turned to Markus who was busy arranging his sculpting tools. "Dude, may talent ka pala sa arts? Langya, akala ko naman ginawa na kayong bato ni Medu---err.. Lady Medusa."

Markus looked at me weirdly, "You must be crazy."

Ako pa ngayon ang nababaliw? Damn.

Beside me, Caprissa giggled. "Markus has a point! Bakit niya naman kami gagawing bato, Kuya Rein? Love na love kaya tayo ni Lady Medusa!"

Kayo lang.

I personally think Medusa hates me.

Napalingon ulit ako sa boss namin. Naglalakad na pala siya papunta sa kabilang hallway. Sandali siyang tumigil at nagsalita, "Instead of assuming I killed my own henchmen, just scrub my back while I take a bath. Naudlot tuloy ang pagligo ko dahil sa mga kabaliwang iniisip mo, Rein."

The sound of her purple heels then vanished into the darkness, leaving an eerie silence behind.

I sighed. 'Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi sumunod sa mga utos ng babaeng ito.'

Sumulyap ako kina Markus at Caprissa na abala sa pagpipintura ng mga estatwa nila. Mukhang bumili pa sila nito kanina sa labas.

Hindi ko pa rin maiwasang maalala ang aninong nakita ko kanina sa may bintana. 'Maybe my mind is playing tricks on me agin?'

"ARISTELLO!"

"O-Opo, Lady Medusa!"

*

'He must be crazy. Dapat pala pina-check up ko muna siya sa psychiatrist bago ko siya ginawang personal assistant ko.' Medusa thought and tried to tame her babies. Nagwawala na naman ang mga ito at kamuntikan na namang matuklaw ang magaling niyang PA. "Shhh. Calm down, babies. As much as I want you to teach that crazy man a lesson, may pakinabang pa siya sa'kin."

Tumigil sa paglalakad si Medusa. She stared at the silver bath tub at the center of her expensive bathroom. Her purple lips curled into a satisfied smirk. Ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa maging normal na buhok na ulit ang mga ahas sa kanyang ulo. Her silky green hair felt soft under her touch. Lumingon siya sa katabing salamin at tinitigan ang repleksyong nakikita niya roon.

"Kung kaya ko lang sanang permanenteng tanggalin ang sumpa sa'kin ni Athena.."

Medusa sighed in frustration. She started running the water and adding spa essentials for her bath.

There's no use dwelling on the past. Ngayong sira na ang pangalan niya sa Olympus at sa Underworld, imposibleng mapatawad siya ng diyosa. 'But that doesn't mean I don't want to kill her,' Medusa bitterly thought. Kung mahahanap lang sana nila ang dating disipolo ng bruhang 'yon, magiging madali na ang lahat.

Medusa felt Rein's stare on her.

Kasalukuyan siyang nakatalikod sa direksyon ng pinto kaya't pilya siyang ngumiti. 'It's been a long time since I messed with someone.'

"Sa pagkakaalala ko, personal assistant mo ako at hindi alipi---"

His words were cut off short when Medusa started stripping off her dress. Walang pagdadalawang-isip na naghubad si Medusa at bahagyang lumingon sa direksyon ni Rein. She smirked like a devil when she caught him avoiding her gaze. Nakayuko lang ang binata habang namumula na ang mga tainga sa hiya.

✔Sold to Medusaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن