Chapter 2: Shut-in

Začať od začiatku
                                    

"Matutu kang sumunod sa rules Daemon .. Hindi porke ikaw ang anak ng may ari ng school na to eh lalabag kana" seryosong sabi ni Kyle

Ahh.. So Daemon pala pangalan ng nabangga ko kanina?

"Bla bla bla .. Wala akong pake sayo !" Sabi ni Daemon at agad na sinapak si Kyle

"Wahh!!" Dahil sa gulat ay napa sigaw ako at lumapit uli kay Kyle na lalong nadugo ang labi..  Awwtss wawa naman si Kyle

"Isa pang pag papangaral sakin..  Sa  sementeryo na ang bagsak mo" sabi Daemon na may halong pag yayabang

Naiinis na ako sa kanya ah..  Tunog Demon na nga ang pangalan nya pinaninindigan Pa..

Agad akong humarap kay daemon at masama syang tiningnan.. 

"Bakit kaba nanakit? Ang sakit mo na nga manalita ,nanakit kapa ng kapwa mo tao! " sabi ko sa kanya..

Aba, kahit na matangkad to eh kailangan kong mangielam..  Syempre, makulit akong anghel eh

"Aba hoy babae wag kanga mangi--" sabi ng lalaking mahaba ang buhok na naka tali ang buhok

"Wag mo nga syang idamay dito! "  sabi naman ni Sora na inaalalayan si Kyle

"Bakit hindi sya I dadamay eh nangingielam na nga sya" sarcastic na sabi ni Daemon

Ibinaling ko uli ang atensyon ko kay Daemon at sinamaan sya ng tingin"Kase sinasaktan mo sya ! Pedi ba, wag kang manakit.. Ang mahal na panginoon nation hindi nanakita tapos ikaw nananakit ka?! " sabi ko

Tama naman ako diba? Hindi nanakit si God

"Owww..  Church girl pala to" sabi naman ni guy long hair

"Tsk..  Pake ko sa panginoon  mo? Eh may demonyo naman " naka ngising sabi ni Daemon

"Ang sama mo! Pasalamat ka nga at may pake sayo ang mahal na panginoon tapos ganyan ka ! " sigaw ko, nakaka in is kaya yon

"Wala Pa din akong pake! " sabi nya sabay tulak ng malakas sa kanang balikat ko kaya naman medyo napa atras ako sa lakas

"Aray ko, Bakla kaba?! " ayan agad ang lumabas sa bibig ko dahil sa ginawa nya sakin

"anong sabi mo" sabi ni Daemon sabay tingin ng matalim sakin

Syempre hindi ako nag patalo sa kanya nakipag titigan din ako ng masama sa kanya..  Hindi ako papayag na bastuhin nya mahal na panginoon no..  Nakakainis kaya yon

"Pedi ba, tumigil na kayo?  " napatingin ako sa isang magandang babae, mahaba ang buhok na hanggang bewang pero na katwin tale, pano kaya pag naka lugay to? Hanggang pwet kaya ang buhok nya?

"Tsk! " sabi ni Daemon at aakmang tatalikod na pero bago yun ay tumingin Pa sya sakin .. Siguro may gusto syang ipahiwatig pero hindi ko maintindihan

Hindi ko nalang sya pinansin at lumapit kina Sora at Kyle

"Kyle, ayos ka lang ba? " nag aalalang tanong ko

"Bakit mo ginawa yon? Alam mo bang pedi kang mapahamak sa ginawa mo? " galit na tanong sakin ni Kyle

Kumunot naman ang nuo ko sa tanong nya"Hindi ko kase gusto yung ginawa nya sayo" sabi ko

The Demon Prince and The Importunate AngelWhere stories live. Discover now