18: I'm no SUPERHERO.

Start from the beginning
                                    


After nun, napatigil uli ako at naamaze sa mga nakikita ko. Punung puno ng rose petals yung daan. Ang bango bango pa. Tapos merun pa yung hanging plants. Sa side naman, may artificial waters at pictures KO? Pictures ko talaga na naka-tarpaulin pa each. Latest pictures ko. Merun pa yung nung nasa ilocos kami.


Sa mga oras na to, isang tao lang ang naiisip kong gumawa ng lahat ng to.



"Para sayo lahat ng yan :) Gusto mo na ba akong makita? Miss mo na ko noh? hehe:


oo, gustong gusto na talaga kitang makita.



"ONE STEP CLOSER"




Yun na yung last na nabasa ko. Gaya ng sabi niya, I took one step.






Whoaaaaa! Kung maganda at romantic na sa mga dinaanan ko kanina, mas maganda pa ang setting dito. Flowers ang makikita mo everywhere at favorite flowers ko pa. Medyo madilim. Candles lang na nagkalat sa floor yung nagbibigay liwanag sa lugar. May naka-set din na little stage sa harapan.



Alam ko na kung saan tong lugar na to. Dito sa mismong lugar na espesyal sakin. Kung saan lagi kaming nagpupunta ni DJ noon.






Dito sa burol..






Biglang umilaw yung sa may stage. Tapos biglang may nag flash sa screen dun.





Pictures namin ni DJ simula nung mga bata palang kami. Naalala ko tuloy lahat. Lahat ng mga pinagsamahan namin nun. Lahat ng kulitan at asaran. Andun pa yung pinaka-favorite picture ko na picture namin together.



Maluha luha na ko dito sa kinatatayuan ko ngayon. Tumatayo na mga balahibo ko dahil sa pagka-surprise ko. Kahit hndi ko sigurado kung sino ang may pakana nito.




Maya maya.. May narinig ako...





Hawakan mo ang kamay ko.
Nang napakahigpit.


Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling yung boses na yun. Yung isang sweet at innocent voice na pagmamay-ari ng taong mahal ko.


(Video sa gilid)------------------------------------------------------------------------->



Si DJ...


Pakinggan mo ang tinig ko.
Ooh. Di mo ba pansin.
Ikaw at ako...
Tayo'y pinagtagpo.
Ikaw at ako...
Di na muling magkakalayo.



Lumapit siya sakin. Kinuha yung mga kamay ko at tuloy parin sa pagkanta. Damang dama ko yung mga liriko ng kanta na bagay na bagay sa sitwasyon namin ngayon.


Pinaghiwalay kami noon. Ni walang kamalay-malay na pagtatagpuin muli ng tadhana. At ngayong andito na siya, hindi ko hahayaan na mawala pa siya sakin.



Natapos na yung kanta at tuluyan na nga ring tumulo yung mga luha na simbolo ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon.



Hinalikan niya yung kamay ko.



"Kath, ito. Ito yung dahilan kung bakit hindi ako nakapagparamdam sayo ng mahigit isang linggo". Hindi ko alam. Hindi ko alam na ganun nalang siya naghanda para i-surprise lang ako.



"Super pinaghandaan ko to. Pati oras ko na dapat magkasama tayo, isinugal ko para lang matapos to. Kaya Kath, sana nagustuhan mo"



"DJ....", naluluha na uli ako. Nagi-guilty ako. Nagalit pa ko sa kanya. Nagtampo at lahat lahat na. All this time pala, para din sakin ang lahat ng yun.



Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang pagka-flatter. Niyakap ko nalang siya ng sobrang higpit.




"DJ, thank you. Thank you for everything. Thank you sa pag-aalaga. Sa pagmamahal. Sa lahat lahat. A million thanks won't be enough para sa lahat ng ginawa mo sakin", umiiyak na talaga ako. Di ko na naiwasan. Kasi talaga, try nyo dito, ang sarap sa pakiramdam.




"Kath, ang dami kong gustong sabihin sayo. Alam ko kapag sa personal, hindi ko to masasabi lahat dahil baka ma-mental block ako at I'll miss something. Kaya, I'll do it in a different way.."



Hinarap niya ko sa may stage at may nag-flash na uli sa screen..





Video niya.
Video ni DJ habang may binabasang sulat.








My Dearest Kath,
        I know, makokornihan ka dito sa gagawin ko pero ok lang. Para sayo naman.
    This letter I am reading now is not just a typical one. Hindi yung love letter na aamin ng nararamdaman para sayo. Di ko na kelangang gawin yun kasi nagawa ko na in person. I'll start na nga.
      First, I wanna say sorry. Sorry kung minsan, napapaiyak kita, nasasaktan at kung ano ano lalo na nung mga bata pa tayo. It's just a way to say na 'Kath, lambingin mo naman ako'. I'm really really sorry.
       Second, THANK YOU! Kath, sobrang thank you kasi hinayaan mo kong papasukin sa buhay mo kahit na alam mong in the first place, guguluhin ko lang to. Thank you sa pagtitiwala mo everytime na nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Sa encouragement na natatanggap ko galing sayo whenever gusto ko ng umayaw. Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal. Alam mo kasi pag kasama kita, gustong gusto kitang ipagmayabang sa lahat. Gusto kong malaman nila na sa buhay ko, may napadaan na isang Kathryn Bernardo at hinding hindi ko na siyang hahayaan pang mawala.
      Miss Kathryn, ang tagal kong hinintay yung pagkakataon na to. Na masabi ko lahat ang nilalaman ng puso ko. Kulang pa nga yan eh. Basta, lagi mong tatandaan na hindi mabubuo ang isang tula kung wala ang mga letra. Ikaw ang letra ng buhay ko at dahil sayo, feeling ko, buong buo at napakasaya ko. Ngayon ko lang nagawa to. Ngayon lang para talaga SAYO. Alam mo namang bitter akong tao diba? Pero dahil sayo, natuto akong umeffort. Natutunan kong pag-aralang magplano ng surprises gaya nito kasi nga para sayo :)
      Kung ako ang masusunod, ayoko pang tapusin to dito pero kulang na sa time eh. Baka tuluyan na akong maiyak dito. Kath, mag-iingat ka ha. Papakasalan pa kita.
                                                                                                                                                                   --- DJ"




Tumutulo na ng walang katapusan ang mga luha ko. Kasi naman tong si DJ eh..



"Bat ka umiiyak?", tanong ni DJ sakin.

"Ikaw kasi ehhhhhh". Niyakap niya ko.



"Kath, hindi ko maipapangako na magiging si Superman ako na kaya kang ilipad kahit saan. Mas lalong hindi naman si Prince Charming, corny nun eh."


"Eh sino? Si Batman ulit?"






"Hindi. Wala munang superhero ngayon. Ako, si Daniel Padilla, ang magpapatunay sayo na walang Happy Ending. Dahil True Love never ends"


-----------------------------------------------------------------------------------

VOTE

COMMENT

BE A FAN :))))))

Salamat sa mga nagbabasa ng story ko kahit corny . hehe :) Next update? Maybe bukas.

Love Knows No End (Completed)Where stories live. Discover now