48- THE TRUTH UNTOLD

1.3K 32 1
                                    

ISANG MALAKING KATHANG ISIP

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata nang may sinag na dumapo sa aking mukha. Napa Kurap kurap ako at napahikab. Napakunot ang mata ko na parang naninibago ako sa kwarto ko. Nilibot ko ang aking paningin at aking iyong napagtanto na...

Nakauwi na pala ako sa mundong kinalakihan ko..

Naalala ko ang nangyari. Nagkaroon ng digmaan, maraming umatake. Nakalaban ko si Aklia hanggang sa... pinatay ni Aklia ang lalaking mahal ko.. si Kashton.

Napakagat labi ako at parang may bumasag sa kalooban ko habang pa-replay ng replay ang nangyaring scenario na iyon.

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Nang may nakarinig akong pagbukas ng pintuan ay nakita ko si Lola na may dalang pagkain na nakapatong sa tray. Napaiwas ako ng tingin at pinunasan ang aking luha habang sumisinghot.

"Iha, ito na ang iyong pagkain. Kumain ka na," napakagat labi ako at tumango. Ngumiti ako ng pilit sa kanya pero parang napansin niya.

"Umiiyak ka ba apo ko?" Napakagat labi ako at umiling. Napabuntong hininga siya at sinapo ang aking pisngi saka pinahid niya ang kanyang hintuturo sa ilalim ng mata ko na may nagbabadyang tumutulo ang luha.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo, apo," dahil sa sinabi niya bigla ko siyang niyakap. Ibinaon ko ang aking mukha at doon umiyak ng umiyak.

"Shhh.. Tahan na, apo ko.. Anong nangyari?" Malambing na tanong niya. Iyak lang ako ng iyak habang wala namang ginawa si Lola kundi hagurin lang ang likod.

Ang sakit eh! Alam mo yung nakaplano na lahat pero may kapalit rin pala!

Habang sumasagi sa isipan ko ang mukha ni Kashton ay mas lalo akong umiiyak. Wala na akong pake kung mukha akong tanga basta gusto kong ilabas ang gustong kong sabihin!

"Tahan na apo ko. Anong nangyari? May masama bang nangyari? Alam kong binuksan mo ang pintuan at nakapasok sa ibang mundo.." napatigil ako sa pag iyak habang sumisinghot pa ako. Nagtataka akong napakalas sa kanyang yakap.

"A-ano pong ibig niyong sabihin? A-alam niyo po ang L-la Enchanta?" Tumango siya bilang sagot. P-paano?

Ngumiti siya at hinaplos haplos niya ang aking buhok habang tinitingnan niya ako, "Apo, pasensya ka na at nadamay ka pa sa gulong pinasok ng Lola mo.." panimula niya na siyang nagtaka ko. May namumuong luha sa kanyang mata at bigla nalang itong bumagsak mula sa kanyang mata.

"Pati ang Mommy mo... nadamay.." saad niya habang umiiyak. Nagtataka naman ako, b-bakit? B-bakit nadamay si Mommy?

Suminghot singhot siya sabay ngiti ng mapait, "Ilang dekada na simula ang nangyari iyon.. Kilala mo naman si Aklia, hindi ba?" Tanong niya. Oo, kilala ko siya! Siya pa ang dahilan ng muntik kong pagkamatay!

"K-kapatid ko siya.." para akong nabingi sa sinabi ni Lola.

"P-po? I-imposible naman po iyan--"

Pero bago ko pa dugtungan ang sasabihin ko ng umiling siya habang umiiyak. Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay at napabuntong hininga. Kinuha niya ang aking kamay at ngumiti ng mapait.

"Apo, ako ang prinsesa na ikinagalit ni Aklia," nanginginig na sabi niya na siyang dahilan ng pagkatulos ko sa aking kinauupuan.. P-paanong?!

"Kilala mo naman ang mahal na Reyna, hindi ba?" Tumango ako ng dahan dahan sa sinabi niya. Hinaplos niya ang aking pisngi sabay pikit ng kanyang mata.

"Siya ang iyong ina.." para akong nabuhusan ng limang milyong balde ng malamig na tubig sa sinabi niya. M-mahal na Reyna? I-ina ko?

Matagal pang minuto ang itinagal bago maproseso sa aking utak ang sinabi ni Lola. Kinuwento niya kung anong nangyari noon at ang mga dahilan habang ako ay nakikinig at hindi maawat ang aking luha habang pinapakinggan siya.

Ang mahal na Reyna?! Nanay ko?! B-bakit?! B-BAKIT?!

Pinaparusahan ba ako ng mundo?! Ang unfair! Bakit hindi ko alam?! Bakit?! Simula pagkabata ko gusto ko na siyang yakapin! Gusto ko siyang makita?! B-bakit?! Bakit?!

Humagulgol lang ako sa harapan ni Lola habang siya din ay umiiyak at hinahaplos ang aking buhok.

Nasa paligid ko na pala ang Mommy ko?! Bakit hindi ko pa man lang mayakap?! Alam naman pala ito ng Mahal na Reyna na ako ang anak niya bakit hindi niya sinabi sa akin?!

Umiling nalang ako habang umiiyak. Ano ba ang mangyayari sa buhay ko?! Alam ba ito ni Daddy?! Alam ba niya?!

Gusto kong magwala dahil sa mga nalaman ko! Pinatay ko ang sarili kong tiya! Nakaramdam ako ng guilt sa pagkatao ko na hindi ko maintindihan. Alam na alam kong gaano siya kagalit pero hindi ko alam ang dahilan. Ang alam ko lang ay ang inggit niya sa Lola ko. Nananalatay ang dugo namin sa isat isa! Kahit baliktarin mo man ang mundo ay tita ko pa rin siya!

At hindi ito magbabago!

Pero ang unfair naman! Ano?! Pinag planuhan ng mundo ba sa akin ito simula pa lang?! Parang ipinagkait ng mundo ang malaman ko ang mga totoo! Kailangan ba talaga kapag sa huli, kapag tapos na at malalaman mo pa lang lahat?

At tapos ni hindi ko man lang tinawagan kahit isang beses ng mommy ang mahal na Reyna! Kaya pala iba ang kinikilos niya kapag kaming dalawa ang nagsasama at parang pamilyar rin siya sa akin! I felt so bad! I felt I'm a bad daughter to hate her! And I felt so disappointment in myself for not do anything what I want! And I'm pretty sure, kapag nalaman ito ni Daddy ang kalagayan ni Mommy... Magwawala ito at pilit pupunta doon kahit bawal na.. Dahil simula ng mapunta doon si Mommy para iligtas ang La Enchanta ay namatay siya at ginawa lang na Reyna noong dumating ako.

At Isa pa hindi na kami o ako pwedeng bumalik doon dahil simula nung namatay si Mommy ay isa nalang pala siyang..... kathang isip na gumugulo sa aking isipan...

Ang kathang isip na pumasok sa utak ko at nakulong sa imahinasyon sa loob ng isang oras pero isang taon na sa kanila. At isa pa ang masakit isipin na sina Mommy at si Kashton.....

Isa lang palang kathang isip na pumasok sa utak ko.

To be continued.....

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon