04- LA ENCHANTA ARC (2)

2.8K 80 2
                                    

LA ENCHANTA

Napadilat ako ng aking mata dahil sa sikat ng araw na dumadapo sa aking balat. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magalaw ang aking katawan kaya napadilat na nga ako.

Nanlaki ang aking mata ng makita ko ang isang duwende na salubong ang kilay na nakatingin sa akin habang nakapatong sa aking dibdib kaya napatili na naman ako at nagpupumiglas kahit mahigpit ang mga taling nakatali sa akin kaya napa-pabuwal sila

"Ikaw, higante! Huwag kang gumalaw!" Sigaw ng duwendeng nasa dibdib kong nakapatong pero hindi ako nagpatalo at mas tumili ako.

"Somebody! Help me!" Sigaw ko na parang may maririnig. Naiiyak na ako. Ano ba naman kasi Sehana! Dapat hindi mo hinayaan ang kuryosidad mong manguna!

Napapala mong babaita ka!

Umiiyak na ako ngayon at kahit nanlalabo na ang mata ko sa luha ay nakita ko na napatigil sila na nakatingin sa akin.

"Please! I wanna go home!" Umiiyak kong sabi. Patuloy lang ako sa pag-iyak dahil sa takot na baka ay may gawin silang masama sa akin.

"Daddy! Lola!" Tawag ko pero walang sumagot. Kita ko sa gilid ng mata ko ang mga pagkagulat sa kanilang mga mukha. Kahit mga maliliit sila ay nakikita ko parin ang mga reaksyon nila.

"Lola Dalinggggg!!!!" Tawag ko kay Lola.

"I-ikaw ang p-pinadala ng bathala--"

"Anong bang bathala?! Hindi ko alam ang mga sinasabi niyo! Wala akong alam! Nasaan ako?! Daddy! Help me! Ayoko na dito! Ayokooooo! Tulungan niyo ako! May mga duwende!" Sigaw ko kaya napatakip sila ng mga tenga nila.

"Siya nga.." rinig rinig kong sabi nilang lahat na duwende. Humihikbi na akong nakatingin sa aking harapan kung saan nakapatong sa aking dibdib ang limang duwende. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka ay may gagawin sila..

"Ayoko na dito! Sorry na po! Wag niyo po akong malignuhin! Aksidente ko lang pong binuksan ang pintuan niyo..." Sabi ko habang umiiyak parin. Nagtataka naman silang limang nagkatinginan.

Siguro mga matatanda na ito dahil ang hahaba ng mga balbas! Akala ko hindi totoo ang mga ito! Akala ko mga haka-haka lang ang mga ito! Pero nagkamali ako!

Ano ba kasing pumasok sa kokote mo, Sehana!

"T-tumahimik ka na, b-binibini... K-kami ay nag-paumanhin sa aming ginawa..." nagtataka naman ako sa sinabi ng nasa gitna ng limang duwende. Bakit sila nag-sorry?

"M-mamalignuhin niyo po ba ako? Wag naman po! Nag aaral pa po ako! Gusto ko pa pong mabuhay! May future pa ako.,." saad ko habang humihikbi. Totoo naman! May future akong gagawin!

"Magpapakabait na po ako, huwag lang ninyo akong malignuhin..."

"Anong nangyayari dito?" Narinig kong sabi ng isang baritong na boses, panlalaking boses na sa tono ay malamig.

Napalingon naman ako sa itaas ng ulo ko dahil nakatali ako pahiga.

Nakita ko ang isang lalaking matangkad na nakasuot ng isang mahabang daster. Mala-adonis ang mukha at mahaba ang tenga niya, kulay yellow ang buhok niya at nag-iiba ang kulay ng mata niya kaya napatili agad ako...

"B-binibini! Huminahon po kayo!--"

"Daddy! Help me! I wanna go home! Lola Daling! Help me! May engkanto!"

Bumalik ang kaba sa aking damdamin lalo na at mariing akong tingnan ng lalaki kanina. Napa-krus naman ang braso habang nakatingin sa akin.

"Pakawalan niyo siya. Hindi siya kalaban..."

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon