13- QUEEN ENCHANTS (1)

1.5K 43 0
                                    

ENEMY

Napapikit ako ng naramdaman ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Dinadama ito habang nag iisip. Ng matapos mabasa ni Kashton ang isipan ko ay bigla nalang siya naglaho bigla. Ewan ko kung naintindihan niya iyon dahil english iyon pero na-disappoint ako sa pag alis niya.

Kanina ko pa kinaklaro ang sa sarili ko kung bakit iyon ang naging sagot sa isipan ko. Kapag tuwing nandito siya o kaya naiisip ko nalang siya maya maya.

Gusto ko ba siya? O Crush lang?

I hate this! Nagkagusto rin ako noon pero hindi naman yung ganitong ka OA! Akalain mo yun! Maya-maya ay biglang papasok sa isipan mo ang mukha ni Kashton habang paiba iba ang kulay ng mata nito.

Ayoko na!

Napakagat labi ako at tumingala sa langit na dalawang buwan ulit ang nakikita ko. Ang ganda talaga ng buwan kapag pinagmamasdan ito. Bumaba ang tingin ko ng may narinig na naman akong kaluskos. Napalaki ang mata ko. Hala! Baka ang higante nung isang araw ay nagpapakita ngayon!

Handa na sana akong umalis patakbo sa palasyo ng may narinig akong sumipol. Napababa naman ang mata ko sa ibaba at nakita ko ang isang babaeng nakatingala sa akin. Hindi ko masyado makita ang mukha niya, pero base sa kulay itim na may kulay red sa gitna ang suot niyang bestida ay sigurado akong babae iyon.

Napakunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Nakangiti lang ito kaya kitang kita ang kulay puting ngipin nito. Ewan ko kung anong klase ang ngiti niya pero pakiramdam ko ay nakangiti siyang malademonyo at parang masaya rin siyang makita ako.

Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagtitig niya pero napatingin ako sa isang puno na gumalaw kaya nakakunot ang noo ko doon. Nang bumaba ulit ang tingin ko sa ibaba ay nagulat nalang ako ng makita kong wala na doon ang babaeng iyon.

Bigla akong kalibutan sa nangyari. Nasaan na ang babae? Anong nangyayari? Bakit siya nandoon? May hinihintay ba siya na kung sino? Sino ba siya?

"Gusto mo bang malaman kung sino ako?", Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likuran ko. Napaharap ako bigla sa kanya at nagulat nalang ako ng makita ko ang isang babaeng naka-bestida na kulay itim na may kulay red sa gitna, napapalibutan siya ng itim na mahika or something. And now, I realize that she is the woman who was standing on the ground earlier!

What the hell?

Papalapit lang siya ng papalapit habang ako ay pilit inaatras ang sarili pero nakasandal na ako sa harangan ng terrace kaya napalapit siya sa akin.

"S-sino ka?" Nanginginig kong tanong dito. Ngumisi lang ito at dahan-dahan na hinawakan ang baba ko gamit ang hintuturo niya. Halos manginig na ako dito sa takot---actually parang nangingisay na dahil nakakatakot ang babaeng nasa harapan ko. Nakangisi ng malademonyo at parang may binabalak siya sa akin ng masama.

What is she doing? She's going to kill me right here, right now?

Oh god! I swear! I don't want to die!

"Totoo nga ang sabi-sabi ng ilan. Isa ka ngang magandang dilag na nagmula sa ibang mundo...", mababang saad nito na siyang dahilan ng pagkatindi ng kaba ko. Ang kaninang makapal na kulay pula sa labi niya ay napalitan ng itim at ang mata nitong kanina ay kulay itim lang sa gitna ay ngayon nababalot na ito ng itim.

Hindi ko man maintindihan pero parang pinalitan niya ang sarili niya gamit ang nakapalibot sa kanya ng itim na mahika.

"Ikaw nga ang makakalaban ko balang araw.", tumawa ito ng mahina at bigla niya akong sinakal. Napahawak naman ako sa isa niyang kamay na nakahawak sa leeg ko habang siya ay nakangisi lamang.

"Pero sa ngayon, magpapahinga ka muna bago ang laban natin pagsapit ng pulang buwan..", nakangising saad nito pagkatapos ay tumawa ito ng mahina. Lumaki ang mata niya at itinapat niya ang mata niya sa mata ko. Ewan ko pero parang nanghihina ako ngayon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang nawawalan ako ng dugo.

Hanggang sa bitawan na lang niya ako kaya napabagsak ako sa sahig at nakahiga. Hinang hina at hindi maigalaw kahit isang daliri lamang o kaya ang mata. Basta naririnig ko lamang ang tawa niya pero bago siya umalis ay may sinabi siya sa akin na siyang dahilan ng pagkatakot ko.

"Malapit na ang pulang buwan kaya mapapasakin rin ang mga kapangyarihan ng lahat..", pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang tumawa ng malakas. Ume-echo ang tawa niya kasabay ng pag-kakidlat nito at pagbalot ng kulay itim na ulap sa dalawang buwan. Nakikita ko rin ang mga alitaptap sa harapan ko ay biglang nagsisiksikan sa tabi ko na para bang natatakot.

Gusto kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa, nanghihina ako at parang nawalan lahat ng dugo sa katawan ko. Nahihilo ako at naging dalawa na ang paningin ko. Nagblurred na ang paningin ko pero nilalabanan ko iyon. Nararamdaman ko rin ang panunuyo ng lalamunan ko na ngayon ay gusto ko ng uminom ng tubig pero wala akong lakas na sumigaw hanggang sa nawala nalang ang babaeng iyon gamit ang itim na mahika na pumapalibot sa kanya.

Nanunuyo narin ang labi ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko maigalaw ang lalamunan ko at ang dila ko. Nararamdaman ko ring kinakapos na ako sa hininga at pyrp mabibigat na hininga ang inilalabas ko galing sa aking ilong.

Hanggang sa may nararamdaman akong likidong lumalabas galing sa ilong ko. Hindi ko magawang makita iyon dahil nanghihina ako. Habang ang mga alitaptap ay nararamdaman ko sa aking tabi ay natataranta. Mayroong pumupunta sa harapan ng mata ko at mayroon ring pupunta kung saan-saan. Pabigat ng pabigat na ang talukap ng mata ko na gusto na itong maipikit pero gusto kong makahingi ng tulong.

Can... somebody help... me?

Sigaw ng isipan ko na sana ay may makarinig ng ilan at lalo na si Kashton.

Kailangan ko ang tulong niya.. Kashton...

Nanghihina na talaga ako pero nilalabanan ko lang iyon hanggang sa...

"Sehana!", Kahit nanghihina na ng lubusan ay napangiti ako ng konti ng marinig ko ang sigaw na boses ni Kashton. Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay kita ko ang pagtakbo niya patungo sa aking direksyon. Pawisan siya habang tumatakbo sa akin habang may mga kasama siya sa kanyang likuran hanggang sa bumagsak na ng tuluyan ang aking mga mata at nabalot na ng kadiliman...

=======================

To be continued.....

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon