11- LA ENCHANTA ARC (9)

1.7K 49 3
                                    

GENTLEMAN OR UNGENTLEMAN?

Nakakaasar!

Nakakaasar palagi ang Kashton na iyon! Sa loob ng isang linggo ay binubwisit niya ako! At yung plano? Ayun! Nabinggo ako! Nalaman niya kaagad kaya hindi ko na natuloy. At isa pa, medyo napahiya pa ako dahil sa sinabi niya sa akin

"Sa ganyang ugali mo, sa tingin mo, papatol ako sa isang katulad mo?"

Nyenye.

Nandito ako ngayon sa malaking bakuran ng palasyo, sabihin na nating 'royal garden'. Malawak ang hardin. Puno ng makukulay na bulaklak, green na green ang mga grass at may mga puno rin saka meron ding mga alitaptap na umaaligid sa mga ito.

Ang ganda ng tanawin dito. Pag-gabi narin kasi kaya maraming pumupunta ang kulisap dito at ang sarap sa pakiramdam habang dinadama ko ang katahimikan.

At sa loob ng isang linggo ay hindi man lang pinatahimik ang isang araw ko ng bwisit na Prinsipeng Gurang na si Kashton. Palagi akong inaasar kaya nga paminsan minsan ay sumasagi sa isipan ko na sapakin ko iyon!

Kung gagawin ko naman iyon sa kanya ay unfair naman! Gagawa pa nga lang ako ng plano ay nalalaman na nga niya agad!

Naalala ko pa nga nung akmang sasapakin ko ay bigla niya akong pinahinto at amputspa! Isang araw akong hindi pinagalaw ng Gurang!

Argh!

Pero, Sehana! Wag kang mag-paapekto doon!

Gurang 'yon, dyosa ka ng kagandahan!

Huminga ako ng malalim at saka finocus ang panonood sa mga alitaptap na umiilaw. Napangiti ako. Noong Grade 5 palang ako ay pumunta kami noon ni Daddy sa Bicol. Nag-camping kami noon ni Daddy. Nanonood din kami ng nagliliparan na mga alitaptap sa gubat. Napapangiti ako noon at akmang huhulihin ko ang alitaptap ay biglang nag-siliparan palayo sa akin. Umiyak pa nga ako noon.

At nung last day na namin doon ay may narinig akong kaluskos noon. Natutulog na kami ni Daddy doon at may narinig akong mga yapak kaya doon nagsimula ang paghe-hate ko sa probinsya kasi tahimik nga pero ang creepy.

Maarte na kung maarte pero matatakutin kasi ako sa mga ganun!

Napa-buntong hininga ako at tumingala. Siguro kung kasama ko dito si Dad, alam kong natutuwa iyon. Gustong gusto pa naman niyang makakita ng mga alitaptap. Nakita ko ang dalawang buwan sa langit. Ang isa ay full moon at ang isa naman ay half moon. Ang ganda pagmasdan sa kalangitan.

Sabihin na nating medyo creepy and weird dito sa mundong ito pero hindi ko maiwasang humanga sa mga paligid dahil napakalinis at alagang alaga ang mga ito. Isa pa at ang gagalang ng mga dito hindi katulad sa mundo ng mga tao.

Napahinto ako sa aking kinauupuan ng may narinig akong kaluskos sa paligid. Nanlaki ang mata ko at aakmang sisigaw ng may biglang nagtakip ng aking bibig na siyang ikinagulat ko.

"Huwag kang lumikha ng ingay na tiyak ay mapapahamak ka..", biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pag init ng mukha ko ng marinig ko ang bulong ni Kashton mula sa likuran ko habang nakatakip ang isa niyang kamay sa bibig ko.

Napalunok ako at para akong kakapusan ng hininga sa posisyon namin. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga. Nagkadikit ang katawan namin dahil nakatalikod ako sa kanya.

Ewan ko kung ano ang pinaggagawa niya pero kinakabahan ako sa posisyon namin. May gagawin ba siyang masama--

"Huwag ka sabing mag ingay kahit sa utak ka lang nagsasalita ay maririnig ka at mapapahamak ka..", nadinig ko ulit ng bulong niya kaya nararamdaman ko na naman ang buga ng kanyang mainit na hininga na siyang dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko sa ginagawa niya. Paulit ulit akong napapalunok dahil hindi kami gumagalaw sa pwesto namin kaya nararamdaman ko pa rin ang mainit nitong hininga.

"Aalis tayo rito ng tahimik. Kaya 'wag kang maingay kahit nagsasalita ka sa sarili mo..", nakahinga ako ng maluwag ng bigyan niya ng distansya ang katawan namin. Napairap naman ako sa sinabi niya. Aakmang magsasalita ng takpan ulit ang bibig ko ng kamay niya at inilagay ang hintuturo nito sa bibig niya na nagsasabing wag daw akong maingay.

Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya. Ano bang problema ng isang ito? Wag niyang sabihin na---

"ROARRRRRRRR!!" Napalaki ang mata ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang isang--putspa! Anong hayop?!

Dahan dahan akong napatingin sa likuran ko at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang isang higante na aso na may pagka-tigre at leon--pustpa! Ano bang klase ng hayop 'to talaga?!

"Aist!", Rinig kong saad ni Kashton pero hindi ko ito pinansin bagkus ay natulos akong nakatingin sa higanteng--basta! Higante! Nanginginig ang tuhod ko at mas kumakabog ang dibdib ko ng makita ko itong naglalaway na nakatingin sa amin ni Kashton.

Ganun parin ang posisyon ko pero bago umatake ang higanteng iyan ay naramdaman ko ang mainit na palad sa aking pulsuhan at hinila nalang ako agad patakbo kaya nabalik ako sa aking ulirat. Mabilis ang takbo ni Kashton kaya na muntik na akong nadadapa. Patuloy parin kami sa pagtakbo habang ang higante ay hinahabol kami. Parang lumilindol dito dahil sa takbo ng higante pero hindi iyon hadlang para makatakbo kami ng mabilis.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang pagtakbo namin pero hinihingal na ako. Nanghihina na ako at gusto ko ng magpahinga pero may humahabol sa aming higante!

Putspa naman, oh! May kapangyarihan ka naman Kashton! Yun na lang kaya gamitin mo!

"Hindi ko pwedeng gamitin ito dahil nanghihina ako..", sigaw nito. Pero patuloy parin kami sa pagtakbo. Napalingon ako sa likuran at nakikita ko parin ang higante medyo malayo layo na sa amin. Lilingon sana ako sa harapan ng may nasagi akong bato na siyang dahilan ng pag dapa ko.

"ARAY!" Daing ko. Ang sakit! Naramdaman kong natigilan rin si Kashton pero hindi ko ito pinansin. Uupo sana ako ng maramdaman ko ang bisig na pumalupot sa aking bewang at binti at bigla akong binuhat. Napatili pa ako nun dahil sa gulat pero ang mas nakakagulat ay nakita kong si Kashton iyon.

Tumatakbo ng mabilis si Kashton. Walang emosyon ang mukha nito at hindi napapagod.

Napatitig ako sa kanyang mukha, parang naislow-motion ang paligid at ang tanging makikita ko lang ay si Kashton na seryoso na nakatingin sa dinadaanan habang tumatakbo. Kita ko ang mala adonis nito mukha. Nag iiba rin Ang kulay ng mata nito. Matangos ang ilong, mapulang labi, makinis ang mukha, maputi at may mahabang buhok. Kita ko rin ang pagtaas baba ng adam's apple niya.

Hindi ko alam kung anong oras na kaming tumatakbo pero naramdaman ko lang huminto na kami. Itinaas ko ang tingin ko sa likuran at nakita kong wala ng higante doon na tiyak ay naliligaw na ito ni Kashton kaya napahinga ako ng maluwag.

Akala ko ay katapusan na namin kanina. Parang gutom ang higanteng iyon, naglalaway kasi.

Naririnig ko ang malalakas na hininga ni Kashton kaya napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang mariin na nakatingin sa akin at nakita ko ang pagkulay itim ng mata nito at parang galit ito. Nagtatagis ang bagang 'tong nakatingin sa akin at humigpit ang paghawak niya sa akin. Napalunok nalang ako.

Pero mayamaya ay biglang naging kulay white ang mata niya at natumba kasama ako. Napatili pa ako ng biglang bumagsak ang likod ko sa lupa. Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Napatingin naman ako kay Kashton na nahimatay. Nakahiga siya sa dibdib ko at pinatungan niya pa ako.

Hindi ko alam pero parang--arrgghh! Hindi ko maipaliwanag!

Hinaplos ko ang pisngi niya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon pero parang nasisiyahan pa ako sa posisyon namin.

Napangiti ako sa hindi malamang kadahilanan. Baliw na talaga ako.

======================

To be continued...

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon