00- SEHANA LUALLHATI ARC (1)

7.3K 137 3
                                    

STUBBORNNESS

"WOAH!" Nagtatawanan kaming lahat na magkakaibigan sa isang bar dahil may isang lalaking gumigiling sa aking harapan. Puro kaming babae at nag-refresh lang dito sa bar.

Nasa dance floor kami at patuloy na nagsasayaw ang mga tao dito habang kami ay gumigiling pareho ng kasayaw ko ngayon. Napakagat labi ako habang nakatingin sa kanya habang siya ay malagkit na nakatingin sa akin. He's adonis, and I know he is playboy.. Sa mukha ba naman, marami na siyang naikama.

I'm a spoiled brat because I'm the only unica hija in our family. A playgirl too, because I hate men!

Patuloy lang kami sa paggiling ng kasayaw ko ng may isang kamay ang humablot sa aking braso. Nagulat ako nun ng makita ko si John na madilim ang mukha. Napahiyaw nalang ang lahat ng biglang suntukin ni John ang lalaking kasayaw ko. Napapalibutan na sila habang nagsusuntukan habang ako ay nakanganga lang nakatingin sa kanila. Anong problema niya?!

"Stop!" Sabi ko sa kanila pero ayaw tumigil sa pag-suntok kaya hinila ko si John palayo at nag-pahila naman siya.

Tiningnan ko siya, ang mukha niya ay nanggagalaiti sa galit habang nakatingin sa lalaking kasayaw ko. He is my Ex-Boyfriend, nakipaghiwalay lang ako sa kanya kanina lang it's because... hindi ko siya mahal.

Duh?

He is so clingy! I don't like it! At Isa pa, gusto niyang malaman kung nasaan ako at napaka-seloso pa! I don't want to be his together until we die...

Mauna muna siya!

"What is your problem?!" Galit na tanong ko sa kanila habang ang mga tao ay nakatingin na sa amin pero hindi ko iyon pinansin. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-ngisi ng mga kaibigan ko at mukha na nasisiyahan sa nangyayari. I rolled my eyes.

"Sino yan?! Kaya ka ba nakipaghiwalay sa akin, it's because meron ka na?! Ano?! Ganun-ganon lang?! Pagkatapos kitang mahalin ng 3 years at gaganituhin mo lang ako?!---" hindi ko na natapos ang sasabihin niya na sumabat ako..

"Sino naman kasing nagsabing ibalik ang relasyong sinayang natin?! Ikaw lang naman ang pinipilit na ituloy ang relasyon natin kaya wag kang assuming na mamahalin kita!" Sigaw ko dito kaya napa-woah naman ang mga nandito. Napaawang ang bibig niya at umiiling. Kinuha niya ang kamay pero binabawi ko iyo. Pero mapilit siya at mas diniinan niya ang hawak niya sa kamay ko.

He is playboy when I first met him. He cheated on me in the past 3 years and guess what? Hanggang limang beses sa isang taong iyon! At ngayon ay nagbago na siya, ako naman ngayon ang maghihiganti! Nandidiri na ako sa kanya!

"H-hey, I-im sorry... Pag-usapan natin ito. Mahal kita, Sehana. Pag usapan natin ito..." desperado na sabi nito. Napailing nalang ako habang nakabusangot na para bang nakikipaglaro ako sa kanya. Sorry, John. But my feelings for you have officially ended in the past 2 years.

"Gagawin ko lahat, wag ka lang mawala sa akin..." saad nito at aakmang hahalikan ako ay bigla kong kinuha ang kamay ko sa kanya at umalis na. Nagsipag-hiyawan naman ang mga tao na nandito.

Napangisi naman ako habang naglalakad patungong upuan namin at kinuha ang aking pouch saka humarap kina Rechel na ngayon ay kinuha narin ang pouch nila. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagpunta ni John sa direksyon namin kaya nauna na akong naglakad habang siya ay sumisigaw.

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon