47- THE GREAT WAR (3)

998 25 0
                                    

FAST GOODBYE

I groaned in frustration.

Bakit ba parami sila ng parami?! Nakaka imbyerna na! Ni hindi man lang nila ako pinayagan na pumasok ng kulungan! Pagkatapos ko kanina, may kasunod pa! Naku, ah!

Napabuntong hininga ako at sinugod ko sila. Sinipa ko sa dibdib ang isang lalaki kaya napaatras ito. Kahit ako ay nasa ere, ako ay umiikot at gamit ang paa ko ay inapakan ko iyon sa mukha ng kalaban ko saka ibinaon ang espada sa isang lalaking aakmang lalapit sa akin, kaya ang ending ay napabagsak ang kalaban na inapakan ko at kasama rin ako.

Wrong move ang nagawa ko.

Ngumiwi ako pero hindi ako nag sindak sa sakit bagkus ay gamit ang aking dalawang paa ay tumalon ako para makatayo. Pagtayo ko ay iwinasiwas ko ang aking espada sa kalaban at iyon ay naging abo din. Isa nalang ang natitira at hindi na ako nag aksaya pa ng kung anong oras at ibinaon agad ang aking espada sa kanyang dibdib.

Pagkatapos nun ay sa wakas ay nakapasok narin ako pero laking gulat ko na wala ang mga nandoon sa mga selda. Nilibot ko ang mga selda. Lahat wala! Nasaan sila?!

Pero bago pa ako makapagreak ng may nararamdaman akong papalapot sa akin ng agad ako nitong hinawakan at isang iglap lang ay biglang nanlaki ang aking mata sa aking nakikita.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang Mahal na Reyna at iba pang mga tapat sa kanya. Nakaupo sa upuan habang nakatali sila at pilit na pumupiglas.

Nasilaw ako sa liwanag kaya itinapat ko ang aking palad sa aking mukha para hindi ako masilawan. Ewan ko pero kinakabahan ako lalo na at may naririnig akong mga hiyawan na siyang ikinakaba ko.

Paunti unti kong iminulat ang aking talukap na mata at nakita ko ang mga nakapalibot sa aking mala higante ng mga halimaw. Napatingin ako sa langit at nakikita kong nangangalahati na ang kulay pulang buwan na siyang ikinakaba ko. Kailangan kong bilisan ito!

Sa dami ng naging kalaban ko bago ako pumunta sa selda ay nasayang ang tatlong oras, ngayon ay ilang minuto na lamang ang natitira bago mawala ang pulang buwan.

Napabuntong hininga at naglakas ng loob saka sumugod pero bago ako makasugod ay biglang sumigaw ang halimaw dahilan ng pagbagsak ko sa lupa habang takip na takip ko ang aking tenga gamit ang aking kamay habang nakapikit. Nabitawan ko rin ang aking espada dahil parang masisira ang eardrums ko sa lakas!

At maya't-maya ay nararamdaman akong humila sa paa ko at ibinalibag sa isang matigas na bagay na siyang ikinadaing ko ng malakas! Ang lakas! Parang mababalian ako ng dugo pero hindi ako nagpatalo!

Tatayo sana ako ng bigla akong sakalin ng masamang Olka at sinakal sa ere. Pupugutan na ako ng hininga sa ginagawa niya. Hindi ko magawang makalaban dahil sakop na sakop niya ang aking katawan hanggang hita!

Napapikit nalang ako at sumigaw sa aking isipan.

Kashton!

Wala pang isang minuto ay may dalawang beses na may humiwa sa ulo ng Olka na siyang dahilan ng pagbitaw niya sa akin at napabagsak ako sa lupa. Umubo ako dahil muntik na akong hindi makahinga. Napataas naman ako ng aking tingin at nakita ko ang mahal na Reyna iyon!

Nanlalaki ang mata ko pero binigay niya sa akin ang espada na agad ko rin namang tinanggap.

"Iligtas mo ang mundong ito.." saad niya bago umalis sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makipaglaban na ito. Napatingin naman ako sa gawu doon kung saan sila ginapos at nakita kong si Kashton iyon na ngayon ay nakikipaglaban.

Napa buntong hininga ako nagsimula naring sumugod.

Isang dosena ulit na mga lalaki.

Iwinasawis ko ang aking paa sabay sipa sa mukha ng isa. Hampas ng aking paa pababa dahil tinamaan ko iyon sa ulo. Wisawis ng espada sa leeg ng isa na siyang dahilan ng pagpugot ng kanyang ulo. Tumalon ako mataas at umikot kasabay ng espada ko na siyang dahilan ng pagkamatay dahil lahat sila ay natamaan.

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon