46- THE GREAT WAR (2)

883 25 0
                                    

WAR

"SUGOD!"

Sigaw ng pinuno ng mga Olka. Biglang nagsilabasan ang mga Olka at doon sila umatake sa mga gulat na kampo ni Aklia. Parang hindi nila inaasahan ito.

Napatingin naman ako kay Kashton na ngayon ay walang reaksyon na tinitingnan ang mga naglalaban, habang kami ay nagtatago muna sa malalaking halaman at hihintayin ang sign ng isang Olka na naka assign na magsasabi kung pwede na kaming lumabas sa kuta namin.

Matapos ang ilang segundo ay tumango ang isang Olka na naka aasign na kung sasabihin sa amin na kung pwede na ba kaming lumabas. Iyon kasi ang plano. Dapat matapos na namin ito bago matapos ang pulang buwan sa loob ng apat na oras.

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Kashton na ngayon ay naging seryoso ang kanyang mata. Seryoso rin ako at tumango. Tumango rin siya at nagsimula na kaming pumasok sa palasyo na hindi man lang kami napapansin.

Magkahawak kamay lang kami ni Kashton papasok. At nang makapasok kami ay agad kaming nagtago sa gilid ng dalawang corinthians. Nagkatinginan kami ni Kashton. Dahan dahan kaming sumilip at nakita namin ang mga nakabantay. Mukhang hindi nila naramdaman o narinig man lang ang nangyayari sa labas dahil malakas ang tugtugan sa loob at mukhang may celebration pa.

Nagkatanguan kaming dalawa ni Kashton. Habang nakatalikod sila ay agad namin winasawis ang aming espada sa mga kalaban hanggang sa makita kami. Nagkatinginan kami ni Kashton at nagsimula ng gumalaw. Wala akong ingay na tumalon at iwinasiwas ang espada ko sa isang dosenang lalaking napapalibutan ko. Pagkatapos ay isa nalang na lalaki ang natira.

Sinugod ako ng lalaking iyon gamit ang kanyang espada. Itinaas niya ang kanyang kamay kung nasaan ang espadang hawak niya sa ere at isusugod niya sa akin iyon ng bigla ko iyong hinarang gamit ang aking espada sabay tulak ng malakas sa kanya sabay sipa sa kanyang dibdib at nakakuha ng tiyempo ay bigla kong sinaksak ang espada sa dibdib ng lalaki na siyang dahilan ng pagiging abo nito at hinangin na lang ito. Hindi na sa akin ito bago, ganito naman talaga dito lalo na at kinu kuwento sa akin ng mga Olka ang mga nandito. Pati nga dahon, kapag pinitas mo magiging abo kahit pati mga bulaklak.

Napabuntong hininga ako at napatingin kay Kashton na ngayon ay natapos na sa kanyang pakikipaglaban sa isang dosena ring mga kalaban niya.

Sabay kaming pumasok sa isang tagong pintuan. Nasa unahan ko si Kashton habang ako ay tumitingin sa paligid, para maging alerto at baka may mga kalaban na pumapaligid habang sinusundan si Kashton, hanggang sa napabundol ako sa matigas na likod niya. Binigyan ko ng matalim na titig si Kashton kahit hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod siya. Napalingon naman siya sa akin at bumulong.

"Maghiwalay tayo," Panimula niya, "Doon ako pupunta habang ikaw ay hahanapin ang mga bihag ni Aklia para pakawalan at doon ang tiyempo na lilitaw si Aklia."

Napatango ako sa plano niya. Parte rin ito ng plano kaya sinang ayunan ko din. Dahan dahan na siyang umalis habang ako ay sinsilip mula sa likod ko kung nasaan ang daan patungo sa mga bihag. Pero kahit dito sa labas ay narinig pa rin ang malakas na tugtog. Walang celebration kundi may nag patugtog ng nakaka creepy na tugtog.

Napakagat labi ako at tiningnan ang harapan ko. Maraming mga nakahilerang pintuan na nakabukas. Kase ang susunod sa dingding na ito ay katabi ay pintuan at ganun rin sa kabila hanggang dulo. Kailangan kong mag ingat dahil kapag hindi ako nag ingat ay mabubulilyaso ang plano namin.

Hinawakan ko ng mabuti ang hawak kong espada na puno ng kulay itim na likido na nagsisilbing ito ang dugo ng mga kalahi ni Aklia. Napapikit ako at mabilis na lumipat sa isa pang dingding para magtago ako.

Narinig ko ang paghinto ng tugtog kaya nakiramdam ako. Gamit ang espada ko ay nakikita ko sa utak ko ang isang lalaki na nagpapatugtog ng piano na ngayon ay napahinto at nagtataka pero hindi parin ito lumilingon bagkus ay nasa atensyon niya ay nasa piano parin pero umiling lang siya saka ipinagpatuloy ang pagtugtog.

Nakahinga naman ako ng maluwag at tumakbo ulit ng mabilis patungo sa susunod na dingding hanggang sa makapunta na ako sa dulo. Tinuro na sa akin ng mga Olka ang Blueprint ng palasyo na ito kaya hindi na ako maliligaw nito.

Pero bago ako pumunta sa loob dahil nandito nilalagay ang mga bihag sa pinakadulo ay may biglang espadang nakaharang sa akin. Napalaki ang mata ko. Putspa?!

Dahan dahan akong nakatingin sa likuran kung sino ang nagmamay ari at nakita ko ang isang Olka na naging alagad ni Aklia. Nakatingin siya sa akin na walang reaksyon. Napangiti naman ako. Alam ko na ang kahinaan ng Olka dahil sinabi rin sa akin iyon ng pinuno nila kung makaharap akong masamang Olka

"Hi?" Simula ko dito sabay baon ng aking espada sa kanyang leeg. Hindi siya nakaready dahil sa bilis ko. Tsk. Alagang Kashton kasi.

Napabuntong hininga ako habang nakita ko ang Olka na unti unting nagiging abo at tinatangay na rin ng hangin. Pero bago pa mangyari iyon lahat ng abo ay napalipad ng hangin ay may mga kampo ni Aklia ang mga nasa paligid sa akin. Napabusangot naman ako habang tinitingnan sila. Seriously?

Bigla silang umatake pero tumalon ako ng mataas hanggang sa mawala ako sa gitna nila. Napunta na ako sa gilid kaya napalingon sa akin. Kumaway ako sa kanila at ako mismo ang sumugod.

Hanggang sa mawala na ang mga kalaban at tuluyan na akong pumasok sa bilangguan.

"Tsk. Ibang klase.." saad ko ng makakita na naman akong mga ibang kawal ni Aklia. Talaga lang ba? Malapit na ako at saka sila susulpot?! Ano?! Mga kabute?!

Pero hindi na ako nag aksaya ng oras at sinugod silang lahat para matapos na kaagad ito..

To be continued....

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon