42- OLKAMO (6)

863 25 0
                                    

LIKE DO OR DIE

Napatingin muna ako kay Kashton na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin na para bang nagsasabing maayos rin ang lahat. Itinaas ko ang aking espada at tinapat ito sa araw. May kulay green and gold ang pumapalibot doon hanggang sa magtransform na ito ng sanga ulit nung una kong nakuha ito.

May kulay green and gold ang pumapalibot doon hanggang sa magtransform na ito ng sanga ulit nung una kong nakuha ito

Napabuntong hininga ako at pumikit sabay ikot ng maliit ngunit kahanga hanga na sanga. Pagkatapos ko iyon pinaikot sa kawalan, kinumpas ko ang stick sa akin at bigla akong pinalibutan ng kulay green at kulay gold na mahika.

Napapikit nalang ako habang dinadama ang paunti unting nag iiba ang aking suot. Umikot ako hanggang sa nag iba na talaga ang suot ko. Dahan dahan akong huminto at pagkahinto ko ay iminulat ko ang aking dalawang mata. Unang bungad sa akin ay puro mga kabahayan ng mga Olka at ang likuran ng mga ito ay mga maraming puno.

Dahan dahan akong pumihit paharap. At nakita ko sa mga mukha nila ang mangha. Nakaawang ang mga bibig nila at parang hindi makapaniwala sa nakikita nila. Napatingin naman ako kay Kashton na ngayon ay nakatanga rin sa akin at parang hindi rin makapaniwala

Nagtataka naman ako sa reaksyon nila. Damit lang naman ang pinagbago--

May nararamdaman akong bigat sa aking leeg at sa ibabaw ng ulo. Kinapa ko ang leeg ko at may necklace, ibang necklace! May dahon sa gilid ng leeg ko at trinace ko ang sanga na nakakabit sa aking leeg. Napahanga nalang ako nang maramdaman kong mga parihabang dahon. Hinawakan ko naman ang aking ulo at ganoon rin ang aking hanga na naramdaman ko ang kung anong matigas na parihaba. Kung hindi ako nagkakamali parang bakal kapag nararamdaman mo pero hindi naman mabigat, trinace ko rin iyon hanggang likuran ko hanggang sa harapan ko. May nakalawit dito!

Hinawakan ko iyon at naramdaman ko ang hugis diamond ng nakakabit doon!

Napatingin naman ako sa damit ko. Pang mandirigma ang peg! Kulay green at may yellow-green! Astig! Tiningnan ko ang pang ibaba ko. Hinawakan ko iyon at para siyang kulambo! Magkabilang gilid ang mahabang kulambo! At sa gitna naman ay nakasuot ako ng shorts! At sa pang itaas ko naman ay pa-off shoulder! May maliit na pa triangle ang butas sa ibaba ng pang itaas ko kaya kita ang pusod ko. At sa mga braso ko naman ay may mahaba ring kulambo! Ang ganda!

Dahil sa sobrang ganda ay hindi ko alam kung paano ito ilarawan!

Napatingin naman ako kay Kashton na hanggang ngayon ay hindi maka get over sa nakikita nila sa akin. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Wala akong pakialam na sa paligid ko kahit hindi pa sila makaget over basta malapitan ko lang si Gurang... Kumpleto na ako! Hihihihi!

Pagkalapit ko sa kanya ay mas lalo akong ngumiti sa kanya habang tinitingnan niya ako.

"Kashton," tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya makabalik sa kanyang reyalidad. Pinisil ko ang ilong niya na siyang dahilan ng pagkabalik niya sa reyalidad.

"Ang ganda mo," mahinang usal niya na sakto lang na marinig ko. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ulit ang ilong nito kaya napasama ang kanyang tingin sa akin na siyang dahilan ng pagtawa ko.

"Ang cute mo!" Saad ko sabay pisil ng kanyang pisngi na siyang dahilan ulit ng kanyang pag simangot. Pipisilin ko ulit siya pero nahuli niya ang kamay ko kahit nakabusangot ako at bigla akong hinila papalapit sa kanya at niyakap.

Napatawa naman ako sa inasal niya habang niyayakap niya ako. Naririnig ko ang tibok ng kanyang puso kaya napangiti ako. Naramdaman ko rin ang malambot niyang labi na hinalik halikan ang aking ulo.

Tanghalian na ngayon. Kaya ito kami ay kumakain na. Masaya ang tanghalian namin. Maingay ang hapag kainan. Merong nag jojoke at marami pang iba. Napapatawa nalang ako sa mga sinasabi nila. Kinuwento nila ang mga awkward o kaya kahihiyan na nagawa na nangyari sa kanila noon. At hindi ko sisihin na nakakatawa ang nangyari nung wala pa si Aklia at mahina pa ito. Hanggang sa...

".. Paalala ko lang sa 'yo 'to, binibining Sehana. Pagdating ng pulang buwan ay dapat handa ka na dahil kung hindi ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan natin," Seryosong saad ng pinuno nila. Napalunok nalang ako sa sinabi niya, "At kapag simula na ng pulang buwan ay lulusob na tayo," dagdag pa niya, "Bago matapos ang pulang buwan ay dapat patayin na natin si Aklia para makuha natin ang inaasam natin ang pinaglalaban natin, ang La Enchanta.. Ikaw nalang ang pag asa namin. Kahit anong laban namin sa kanya ay nabubuhay pa rin siya," nakatingin ang pinuno sa akin ng mariin. Naramdaman ko ang mainit na palad na pumatong sa aking kamay na nakapatong sa aking hita. Napalingon naman ako kay Kashton na ngayon ay nakangiti at para bang sinasabing 'magiging maayos rin ang lahat.'

"P-paano po kapag.. Natalo po t-tayo?" Nauutal kong tanong sa pinuno. Mas lalong hinigpitan ni Kashton sa paghawak ng aking kamay.

"Mamamatay ka at hindi na makakabalik sa mundo niyo," Na siyang dahilan ng paglakas ng tibok ng aking puso. So, kapag natalo ang mga magiting na mandirigma ng La Enchanta laban sa kawal ni Aklia dahil sa akin ay mamamatay ako at maging madilim ang La Enchanta. Nasa akin lahat ang responsibilidad at dapat ay ipanalo namin ito kung hindi... Nababalot ng itim na kasamaan ang La Enchanta..

Napakagat labi ako at napatingin kay Kashton. Nakangiti lang siya pero may bahid ng kanyang mukha ang pag alala.

"Kung--kailan po magsisimula ang pulang buwan at anong oras po pagkatapos ng pulang buwan?" Tanong ko sa pinuno nila.

"Mag-uumpisa ito sa Sabado. Umpisa ng pulang buwan ay alas diez ng gabi kaya dapat ay nandoon na tayo sa mga dapat na pwesto. At dapat mapatay mo si Aklia bago mag alas dos ng umaga kung hindi.." tumikhim siya, "Madadamay ang mundo ninyo sa kapahamakang dala ng La Enchanta.."

Napakagat labi ako. Apat na oras magtatagal ang pulang buwan?! Bigla akong kinabahan. Pero paano?

Nag aalala ako kina Daddy, Lola At Lolo. Pero kaya ko ito! Kasama sila, magkakaroon ng lakas ang loob ko na harapin si Aklia! At magiging maayos rin ang lahat..

It's do or die, ika nga nila.

To be continued.....

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon