40- OLKAMO (4)

871 27 0
                                    

MAHIWAGANG PUNO NG ALGATES

Takbo.

Iyan ang ginagawa naming apat. Wala silang kapaguran pero ako ito, pagod na pagod ako. Hindi ko alam kung saan kami tutungo ngayon basta sumusunod nalang ako kay Kashton.

Hanggang sa pumasok na kami sa isang gubat sa isang iglap lang dahil sa bilis ng aming pagtakbo ay hindi ko na namalayan na nandito na kami. Patuloy lang sila sa pagtakbo at hindi ko namalayang may nasanggi akong bato na siyang dahilan ng pagka tapilok ko at pagbagsak ko sa lupa.

Napahinto naman sila. Nakita ko sa kanila ang pag aalala. Masakit ang paa ko lalo na sa paraan ng pag natapilok nito lalo na ang bukong-bukong ko na animo'y anumang oras ang mag kulay violet na ang balat nito.

Hinawakan ni Kashton ang paa ko at hindi ako alam kung ano ang sinasabi niya dahil basta na lang nawala ang sakit. Pero bago pa ako magsalita ay binuhat na niya ako pa-bridal style.

Gulat akong napatingin sa kanya, pero sinawalang bahal ko iyon ng makita kong napaka seryosong mukha ni Kashton. Nagsimula ulit sila tumakbo habang ako ay nakakapit lamang ng mahigpit ang dalawang braso ko sa leeg ni Kashton para hindi ako mahulog o maging hindi komportable sa posisyon ko habang tumatakbo sila ng mabilis. Basta takbo lang sila ng takbo habang ako ay walang magawa kundi kumapit lang kay Kashton.

Hanggang sa may nagpalipad ng palaso na siyang dahilan ng pagkabigla namin. Biglang nagsilabasan ang mga kalaban. Lahat sila ay na kulay itim ang mga suot, ang kung hindi ako nagkakamali, may mga black dust na magic siguro iyon, na nakapalibot sa kanilang lahat. Agad tumalima sa pagsugod ang mga kasamahan namin. Habang si Kashton ay nakikipaglaban gamit ang kanyang mga paa dahil sa hindi niya magawang maigalaw ang mga braso niya dahil nga sa buhat-buhat niya ako sa mga braso niya.

Hindi ko akalaing malalakas ang mga sipa niya. Isang tama lamang iyon sa kalaban niya ay tiyak na parang may mawawasak na bungo pag nagkataon.

Napapikit ako ng mariin at napa kapit ng mahigpit kay Kashton ng biglang tumalon si Kashton pagkatapos ay isinasawis niya ang kanyang binti mula sa kanyang harapan hanggang sa likuran para mawala ang mga kalaban na tumalon sa ere para dakpin kaming dalawa.

Pagkatapos nun, ay tumakbo ulit kami. Habnag karga karga ako ni Kashton. Nang may tumambad na naman sa aming mga kalaban at sinugod sila. Ibinaba muna ako ni Kashton sabay hugot ng kanyang espada sa kanyang tagiliran.

Napalunok ako habang pinagmamasdan ko ang likuran ni Kashton dahil nakatalikod siya sa akin, para harapin ang mga kalaban habang pinoprotektahan ako mula sa likuran niya. I saw some sweat in his forehead, hinihingal pero ang mga mata ay nakamamatay kung makatingin. His face darkened as his enemy struck first, he easily avoided it with me as I jumped into the corner because of the impact of the magic that came from the enemy striking us.

Aklia literally wants me dead, huh?

Pero kaagad nawala ang aking atensyon sa kalaban ng may biglang tumulak sa akin habang kakatalon ko palang mula sa impact, na siyang dahilan ng pagkangiwi ko sa sakit ng mapa bagsak ako sa sahig.

"P-putspa!" Daing ko sa sakit.

May nakita akong kahoy sa gilid at mukhang matibay ito. I use it as an attack on that animal who pushed me, I mean the enemy. When he strikes his sword into me, I clench my fist which includes sand which I got from the ground of my fall, ibinato ko sa kanyang mukha iyon naging dahilan ng pag kapikit nito ng mata and he groaned as his eyes getting hurt. I smirked and then I attacked his little eggplant using the wood I got earlier causing him to kneel on the floor.

Pero nagulat na lang ako ng may sumaksak doon na siyang dahilan ng maging abo ito at tinangay na ng hangin. Bigla na naman akong hinila ni Kashton at nagmamadaling tumakbo.

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon