38- OLKAMO (2)

812 25 1
                                    

IN OLKAMO

Ilang araw na kami dito sa Olkamo, kung hindi ako nagkakamali ay isang linggo na kami dito. Ako lang ang nag iisang babae dito kaya medyo awkward kapag nakasalubong akong mga ganoong lalaki. Jusko po!

Pero kahit ako lamang ang babae dito, kahit kailan ay hindi sila gumagawa ng kung anong dahilan para maging uncomfortable sa paligid nila. Na siyang ikinagulat ko dahil doon.

Sa ngayon ay nagte-training sila para sa nalalapit na laban. Hindi ko maiwasan na tumingin ako sa mga nagte-training ng espada, napahanga ako bawat wisawis nila ng espada ay perpekto at mga hasang-hasa na.

Habang ako ito? Nganga, walang magawa. Nababagot na rin ako dito. At isa pa, napakainit pa. Naramdaman kong may tumulo sa aking noo at nung kinapa ko iyon ay pawis iyon. Napangiwi ako, kaya pala malagkit na ako dito.

Eh, yung ginagawa ko lang naman, yung manood sa kanila kung paano sila magtraining. Pero in fairness, ang gagaling nila.

Sila ang mga Olka kung tawagin. Bato ang katawan nila at ang mukha pero kaya nilang gumalaw nang kahit ano katulad ng mga tao. Napahanga nga ako doon. First expression ko sa kanila, ay nananakit sila pero hindi naman sila ganoon. Friendly sila lalo na kapag sa mabait pero hindi ko maiwasang ma-awkward sa sitwasyon lalo na at hindi ako masyadong close sa mga lalaki kahit na nasa mundo ko.

Ninakaw lang daw ni Aklia ang ibang kasamahan ng mga Olka kasi nararamdaman ng nag uumpisa na si Aklia na nagsisimulang humakbang, kaya sinugod nila ang kaharian niya.

Maraming nasugatan at namatay daw at ang iba naman daw ay kinuha ni Aklia, gamit ng kanyang itim na mahika ay nakokontrol na niya ang mga ibang Olka na nakuha niya.

Pumasok ako sa isang bahay kung saan kami natutulog ni Kashton. Yeah, kaming dalawa pero wag kayong ano! Dalawa ang kama dito! Malinis ang bahay at maayos pa ang mga gamit dito. Napa buntong hininga ako.

Gamit ang isang magical stick na ibinigay sa akin ng isa sa mga Olka na naggagawa ng mga weapons, ay ikinumpas ko iyon at iniisip ang susuotin ko. Nang ikinumpas ko iyon sa hangin ay kumpleto na. Isang mahabang kulay green na dress at isang flat shoes na kulay black. Ako lang ang nakakagawa niyan. Bawal kasi dito ang mga ripped jeans, it's because hindi iyon uso dito. Mga sinaunang panahon pa yata ang mga nandito.

Napa buntong hininga ako saka pumunta ng banyo na nakasara. Wala naman ngayon si Kashton na tiyak ay gumawa na sila ng plano ngayon kung paano pabagsakin, kunin ang Mahal na Reyna at pagbabalik ng La Enchanta na ngayon ay nanganganib na, lalo na at si Aklia na ngayon ang namamahala doon.

Tsk. Narinig ko na nga ang tawa niyang pang chuckie doll, eh.

Nang binuksan ko ang pintuan ng banyo ay ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Kashton na nakahubad. Napatingin naman siya sa akin na ngayon ay gulat rin.

"KYAAAAAHHHHHH!" Sabay kaming napasigaw dahil sa gulat. Hindi ko maiwasang mapamulahan ng mukha at ganoon rin siya.

OH FUCKING GOODNESS!

Bigla kong tinakpan ang aking mata at pabagsak na isinarado ang pintuan ng banyo pagkatapos ay tumakbo patungong kama, doon ibinaon ang mukha at doon rin nagsisigaw.

Nakita ko yung... Yung, ano! Basta!

Kagat labi ako habang na sa ganoon pa ring pwesto. Naramdaman ko pa rin ang pag iinit ng mukha ko dahil sa hiya. Jusko po!

Narinig ko ang malakas na pagbubukas ng pintuan na siyang dahilan ng pagkatalon ko sa gulat.

Napalingon ako doon at nakita ko ang mga Olka. Nagtataka na nakatingin sa akin. Nadapo naman ang tingin nila sa pintuan ng banyo kaya napatingin din ako doon. Muntik na na niyang mahuli ang tingin ko kung hindi lang agad ako nag-iwas tingin, nagpasalamat nalang ay may mga interesadong bagay na nakikita ng aking mga mata.

Tapis lang ng tuwalya ang nakaharang sa ibaba niya. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya at dumadausdos pa ito sa katawan niya. Wala sa sariling ibinalik ang tingin sa kanya at bumaba ang paningin sa abs niya, may 8 packs abs siya!

Napalunok nalang ako saka tumikhim bago ko tiningnan ang mga Olka na hanggang ngayon ay nagtataka sa nangyayari. Napakagat labi ako at ngumiti ng awkward.

"M-may masama bang nangyari, binibini?" Napangiti ako sa tanong ng isang Olka. Anong nangyari? Wala, 'diba?

"Ah–" awkward akong tumawa, "Ano--w-wala! O-oo wala. Hehe.." nahihiya kong sagot sa kanila kahit nararamdaman ko ang init ng mukha ko. Naramdaman ko din na nasa likuran ko na ngayon si Kashton na nakahubad baro.

Napatango naman sila, mukhang napaniwala ko naman yata sila, "Kung ganoon, pasensya na sa pagpasok ng walang permiso, Binibini," at sinarado ang pintuan. And now.. dalawa na lang kami dito.

Napatikhim ako at inayos ang aking buhok gamit ang aking kamay saka pumihit paharap kay Kashton na ngayon ay nakatayo sa harap ng pintuan ng banyo. Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin. I smiled shyly.

"A-ahmm a-ano---ligo na ako," kunyaring masayang saad ko at aakmang pupunta na sa banyo pero agad niyang hinawakan ang braso ko kaya napatigil ako sa paghakbang.

Naramdaman ko pa rin ang init ng mukha ko na nakasisiguro kong na nangangamatis na ako dito. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos dahil nahihiya ako. Wala akong mukhang mahirap dahil sa nangyari kanina!

"May nakita ka?" Seryosong saad niya na siyang ikinalaki ng aking mata at pagkauwang ng aking bibig, animo'y hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Ano tingin niya sa akin?! Manyak?!

"W-wala!" Mabilis kong sagot sa kanya. Napangisi lang siya saka umiling. Napalunok na lang ako at nag iwas ng tingin na siyang dahilan ng pagtawa niya sa ginawa ko. Oh? Anong nakakatawa doon?!

"Maligo ka na, maasim ka na," Saad niya sabay pisil sa aking ilong. Hinawi ko iyon habang lukot ang mukha kong nakatingin sa kanya pero tumawa muli siya. Inirapan ko siya at sinadya ko talagang banggain ang balikat niya dahil sa sobrang inis ko!

E di siya na ang mabango! Mag amoy putok ka sana!

"Ayusin mo ang pagligo mo. Siguraduhin mong mabango ka kapag lumabas ka diyan," Sabi niya mula sa labas pagkatapos ay tumawa siya na mas lalong nalukot ng mukha ko.

"Ulol!" Sigaw ko mula sa loob na tiyak ay narinig niya kasi tumawa! Lagot ka saking gurang ka! Pagkalabas ko dito sa banyo, puputulin ko junior mo!

"Bibig mo, Sehana," narinig kong natatawa na sambit niya. Hindi ako sumagot bagkus ay umirap ako at nagsimula ng maligo...

=========================

To be continued...

Enchanta Trilogy 1: La Enchanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon