Chapter 25

72 0 0
                                    

Sabi nila may gift daw sila sakin at panoorin ko daw yun. Aba naman nakakaloka tong mga to. Nagsayaw ba naman sila ng Oppa Gangnam Style. Laughtrip ako eh. Si Ayin, Yvette at Adrian kasama ko lang manood bali yung apat lang talaga yung nasayaw tapos sinabayan nadin namin nung nagchorus. Grabe sobrang napawi lahat ng mga iniisip kong kung ano ano kanina. Ang galing nila. Best birthday ata to so far.

Sunod naman parang may ginawa silang parang stage sa sala. Tinabi muna nila mga upuan pati sofa at lamesa. Basta mini stage yun ganon. Tapos binlind fold muna nila ko sabi magreready lang daw sila. Tapos may nag ehem. Alam kong si kuya yun. After a while, may nagtanggal na nung blind fold ko tapos natugtog si kuya nung "The Man Who Can't Be Moved" which is one of my favorites tapos mash up pala yun pati "For the First Time" na sinabayan ni Nico at Per. After nila tumugtog nagmessage sila isa isa.

"Ayesha, pinapasabi pala nina mama at papa. Happy Birthday daw. Alam kong favorite mo The Script kaya ayan. Happy Birthday OO! Alam mo namang andito ko lagi para sayo. Relax ka lang dyan mamaya panigurado maiispeechless ka hahahah. Haba kasi ng buhok eh. Uso magpagupit. hahaha! Loveyou bunso." 

"Ayyy kuya kanina pa nga ako speechless eh." Ngumiti lang siya sakin tapos umupo sa tabi ko. Binulungan ko ng "himala tinawag mo kong Ayesha ha."

"Oy Ayes, hahaha! Wala akong masabi eh gusto ko na uli kumain hahaha joke lang! Happy Birthday! Maghanda ka ha." Lokong Nic to mukhang pagkain lagi eh. Maghanda eh may handa na nga silang niluto. Ayun umupo na din siya.

"Bhez, hahaha ikaw lagi mo ko ineechapwera. Lagi mo nalang akong iniiwan kay Yvette. Ikaw ha. Tigilan mo na yan kase wala lang. hahahaha! Happy Birthday! Be ready! :D Mahal pa rin kita!" Sabay hiyaw nina kuya. Inaasar na naman tapos biglang lumapit sakin at bumulong "as bestfriend na lang" Tapos tawa ng tawa. Alam naaaa. hahahaha. 

Next naman si Yvette nung una nakasimangot pa hahaha narinig sinabi ni Per kaso yung binulong syempre hindi kaya ganyan. Tapos biglang nagshift agad yung mood at ngiting ngiti naman. Kumanta din siya. "A Thousand Miles" Tapos sinabayan din ni Best may pagkindat pa nga ang loka. HAHAHA!

"Ayes, sensya kung inaaway kita dati ha. Syempre joke lang naman talaga yung ex ako ni Kyle. Ang gulo pero basta yun hahaha! Thanks sa alam mo na hahaha! Happy Birthday! I love you gurl!" Tapos umupo sa gitna namin ni Per hahaha. Sumiksik eh natatawa nga ko sama ng mukha ni Per pero I know deep inside natutuwa naman.

"BESTTTTTTTTTTTTTTT! Abay pakinggan mo ko. Puro ka tawa dyan. Effort na effort ako dito no."

"Eto na makikinig na! Sigaw pa eh :P"

"O game eto na nga Happy happy Birthday Bestfriend! You know how much I love you more than I love Nico. hahahahaha! Peace! Ayun nga. Alam mo bang hirap na hirap pa ko kumbinsihin yang si Adrian pano ang bading baka daw mabuko agad siya."

"HOY DI AKO BADING!" Sigaw bigla ni Adrian.

"Tseeee. Pero infairness galing mo ha. Naniwala si Best. Eh wala na kong masabi. Mamaya bibigay ko for sure matutuwa ka XDDDD O siya Adrian ikaw naman no! Kala mo ba makakaligtas ka pwes hindi kaya tumayo ka na dyan"  Tapos tong mga to pinagtutulakan na si Adrian edi no choice siya malamang.

"Ano ba yan. Wala naman sa usapan na pati ako may gantong ek ek. Di ako prepared. HAHAHA. Kung ano pa man thanks pa din at naimbitahan akong sumama sa pakulong to. Hirap umacting. Happy Birthday Katukayo! hahaha! Eto na nga lang. Pre peram gitara ha" Sabi niya kay Nico tumango naman ito bilang sagot.

Kumanta siya ng "Moonlight Over Paris" Grabe ganda pala ng boses netong lalakeng to. Astig nakakacalm kumanta. XDD Astig eh! Nginitian ko siya at nagthumbs up ako tapos nung umupo na siya sabi ko "ayos nakanta ka pala. Kala ko boses palaka ka eh :P" Pasalamat daw ako at birthday ko kundi binatukan na niya ko. hahahaha!

Last but not the least daw sabi ni Best *drum rolls effect* Si Kyle naman. Nagsitayuan sina kuya. Akala ko kung bakit yun pala tutugtog sila ulit. Mukhang banda na naman sila parang nung nagtapat si Nico kay Ayin. Nakakatuwa naman talaga tong mga to Effort kung effort eh.

Intro pa lang alam ko ng "It Girl" yun. Napailing ako. Naalala ko yung vocalist nung Triple One. Nung nagstart ng kumanta si Kyle. And... Confirmed! Siya si myterious guy in the mask! Omygash! Kung kanina eh naiispeechless na ko ngayon as in wala ng nalabas na boses sa bibig ko. Napapanganga ko ng unti. Di nga? At the same time nanlaki mata ko. Di ako makapaniwala. Grabe pano nangyari yun. Totoo ba talaga to? As in siya? si Mysterious Guy? Pero paanong may picture kami nung Mysterious Guy eh siya photographer nung newspaper namin? Ano ba talaga? Narinig ko ng kumanta si Kyle pero bakit ni hindi ko napansin yun. Puro question mark tuloy nasa utak ko. Ang daming tanong nakailangan kong sagutin.

Ngumiti siya sakin at di ko pa rin napigilan sarili ko at napangiti nalang din. Nakakalokaaaaaaaaaa. Tapos hindi pa dun nagtapos sa kantang yun. Sigaw pa nila sakin "WAIT THERE'S MORE" in chorus pa ha. Kumanta pa ulit siya ng "Prinsesa" Kyaaaaaaaaah. Kinikilig ako kelan lang sabi ko sa sarili ko meron kayang lalaking kakanta nito sakin at ngayon eto na nasa harapan ko na. This time umupo na sina Kuya. Nagsi thums up sila kay Kyle. Ano ba namang buhay to, kung kanina super nagugulat ako ngayon naman feeling ko super namumula nako. My gulay. Wala ba siyang alam kundi pakiligin ako. Anubayan. Lord super dami po ng nangyayare ngayon araw. Meron pa bang mas hihigit dito? Jusme baka mahimatay na po ako. Di ko na kaya pang idigest lahat ng nangyayari.

After niya kumanta, hindi siya nagsalita. Tumingin lang siya sa mga mata ko. Tapos may nilabas siyang papel at unti unti niyang binuksan. Ito ang mas lalong nagpaspeechless sakin as in superdupermegahyperuber na to. AYOKO NA! JOKE! hahahaha! I mean, naghinala na ko pero di ko aakalaing totoo.

...and I'm one of the few who give importance to it. Orientation / Campus Tour 

                                                                                                            LessthanThree Ü

Okayy. INFORMATION OVERLOAD!?! Inhale. Exhale. Di ko na talagang madigest ang mga pangyayari. GRABE NA TO... bakit walang nalabas sa bibig ko. Gusto ko magtanong magsalita pero wala. Napapailing na lang ako eh.  Itong mga kasama ko mukhang alam na naman talaga nila kasi walang bakas ng pagkagulat sa mga mukha nila. ERRRRR. Ang daya bat sila alam nila! Paanoooong? Ayy ewan. Well except kay Adrian na talagang walang kaalam alam sa nangyayari. Buti nalang may kadamay ako kahit papaano.

Siguro napansin niyang naguguluhan ako sa mga nangyayari. Tinitignan ko silaisa isa pero mga nakangiti lang. Lahat sila pag gets na pati si Adrian. Ano ba yan ako na lang hindi? Kanina di rin alam ni Adrian ah. Bilis naman ng pick up eh bat ako ang slow ko ngayon. HAYYYYYYYY.

"I know Miss T, na super naguguluhan ka na pero marami pa tayong oras para maiexplain ko sayo ang lahat. Yun eh kung papayag ka. (papayag na ano?) Happy Birthday Miss T. Thank you sa lahat lahat ng ginawa mo na nagpabago ng buhay at pananaw ko ngayon. Malinaw na sakin ang lahat ng feelings ko for you. Malinaw pa sa sikat ng araw kaya di ko na patatagalin pa to. *hingang malalim* Can you give me the chance na mapakita at maparamdam ko sayo yung sinisigaw nito? *points to his heart*

Can you be my girlfriend and I'll promise to court you everyday?"

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now