Chapter 5

82 3 6
                                    

Unfortunately, time doesn't heal everything. Especially if you're the kind of person that constantly likes to open healing wounds. We don't really move on, we just get used to the pain.

Lumipas na yung maraming araw. Natapos ang first week namin. Grabe di ako makapaniwala college na nga talaga ako.

Nung first day namin nakakaloka. Napalitan pala sched namin. Antay kami ng antay ng prof. Aga aga naming pumasok yun pala hapon pa ang talagang klase namin. Nakakainis lang diba.

Nasurvive namin ang first week kahit may professor kami na unang meeting pa lang eh nagdiscuss na yung tipong di na siya nagpakilala. Its for us to find out na daw. o diba kakaiba.

Tuwing lunch break at uwian na lang kami nagkakasabay sabay apat. Kami kasi ni Ayin parehong Accountancy si Jasper at Nico naman eh parehong Engineering. 

Sa totoo lang okayy sana yung first week ko eh. Matiwasay kong nilalasap ang pagiging freshman.

Kaso nagulo yung tahimik kong buhay nung sumali ako ng Writer's Lounge. Yun yung club na nag aasikaso ng university's newspaper. Sa totoo kasi frustrated writer ako so sumali ako para maenhance yung skills ko.

Kung alam ko nga lang na andun pala sa club na to yung antipatikong yun sana di na lang ako sumali. 

Sa laki ng university na to lagi ko na lang nakikita pagmumukha nun. At akalain mo yun sikat pala siya sa university. Kung minamalas nga naman ako eh kacourse pa niya si Kuya na Architecture. And yep, 2nd year college na rin siya like kuya. At di lang yun. Sikat pala siya sa school. Isa lang naman siyang varsity sa basketball kagaya ni Kuya.

Well, kung nagtataka kayo kung bakit ko yun nalaman eh naikwento ko kasi kay kuya yung nangyari nung nagsign up ako sa writer's lounge.

*flashback*

Nagfifill up na ko nun ng application form sa loob ng head quarters kuno ng Writer's Lounge. Malapit na ko matapos pipirmahan ko na lang. Biglang may tumabi saking impakto.

"Oh Miss Tulala, magsisign up ka rin pala dito. What a small world. Sinusundan mo ba ko?" Sabay smirk na may halong ngiting nakakaloko. Ewan ko kung pano niya nagawa yun. Abnormal siya eh

"Excuse me, hindi miss tulala ang pangalan ko para sabihin ko sayo. Hindi ba obvious nakita ng may hawak na application form eh. And ang kapal rin naman ng mukha mo noh. Ikaw susundan ko? in your dreams dude."

"Well, bakit naman hindi? Eh halata naman nagagwapuhan ka sakin. If I know baka nga nagpaprint ka ng ng picture ko tas nilagay mo sa wallet mo"

"At talaga naman oo. Ang kapal ko. GRRRRR"

"Sa mga tapos na pakipasa na po ng mga application form nyo. Tapos next week magpasa na lang kayo ng essay,poem,story or article kung mag aaply kayo as writer, mga pictures naman kung photographer at drawings nyo kung artist naman." Sabi nung chief editor namin dito na si Elise. Buti na lang grabe this guy's really getting on my nerves. Inirapan ko siya ng bonggang bongga bago ko magpasa ng form.

Palabas na ko ng head quarters ng madaanan ko ulit tong ugok na to. Binelatan ko nga. Tapos biglang tumayo kala ko kung anong gagawin sakin yun pala. Siya yung tinwag ni Ate Elise. Okayy FC ko makaate ko eh noh. HAHA

"Uhm, Kyle nga pala ikaw pa rin in charge sa photography ha" So Kyle pala pangalan neto. hmpp. Ang ganda ng pangalan parang angel pero ung ugali parang impakto. Nakakainis.

Tapos ayan sinabi nga ni Kuya na kacourse niya yun pero ibang block.  Kavarsity niya rin. Mabait naman daw yun eh. Inaasar asar nga ako netong magaling kong Kuya. Di ko na lang pinansin.

"Ahh, Kuya Tupe (tinatanggal ko talaga yung R tas pinapaltan ko ng U ung O pang asar ko lang sa kanya) salamat pala sa bente nung nakaraan. Lalo sa pag uutos mo sakin nun. hahahaha"

"Bakit naman OO? Ang weird mo"

"Wala lang. Napag isip isip ko na talagang ibaon sa limot yung infatuation ko kay Per eh. Ano sa tingin mo Kuya?"

"Eto lang, wag ka munang magsalita ng tapos. Hayaan mo na lang. Mawawala naman ng kusa yan. Wag mo ng pilitin. Ikaw talaga." Sabay gulo ng buhok ko.

Napaisip ako sa sinabi ni Kuya habang nakahiga sa kama. Hayy grabe di ako makaget over eh Sinabi ng kakalimutan pero paulit ulit naman ako. Ang hirap. Bat ba kase puro love life iniisip ko. Ay nako Promise talaga magfofocus ako sa studies. 

Hayy. Naalala ko na naman yung nangyarei nung highschool ako. Ang sakit isipin na dapat or kung mas nagpursige lang sana ko. Sana. Sana ako yung grumaduate ng 1st. Kaso hindi eh. Ganon siguro talaga buhay. buti na lang hanggang ngayon andito pa rin si Kuya at mga kabarkada ko. Di nila ko iniiwan kahit anong mangyari.

Nagiging madrama na naman ako. Nagsusulat ako ngayon sa notebook ng lahat ng nasa isip ko.

Grabe 5 years ko palang minahal si Jasper Austin Guzman. 5 years ago di ko naman talaga alam yung mga crush crush na yan eh lalo pa yung love. Basta ko na lang naramdaman. Ewan ko ba. Siguro talaga 5 years is enough. Eto na naman ako. ang hilig ko talagang balikan yung mga nangyari na eh. Sobrang daming nangyari sa mahabang panahon. 5 years ago, nadidistinguish ko pa ang peke sa totoo. Ngayon, di ko na malaman kung peke o totoo pa yung mga tawa at ngiting pinapakita ko. di ko na rin alam kung marunong pa kong magtiwala eh. 5 years ago kase nalaman kong may lamat na rin pala yung pamilya namin katulad ng sa iba. Pero di katulad ng iba we're not a broken family. Sadyang may di lang napagkakasunduan pero iba pa rin tulad ng dati. syempre never naman natin naibabalik yung dati eh. Ang mamagawa lang natin eh yung mamuhay sa ngayon. Pero paano nga ba mamuhay sa ngayon kung may mga issues ka noon na di pa rin nasasagot hanggang ngayon. Gaya ng nagkagusto ba talaga sakin si Per? o gawa gawa ko lang? Pero swerte pa rin ako atleast andito si Kuya kahit ganyan yan never niya kong kinalimutan kahit nagkanda leche leche na buhay ko. Nung di ako grumaduate ng 1st andyan siya palagi sa tabi ko dinadamayan at pinagagaan ang loob ko. Kaya mahal na mahal ko yan eh sa lahat siya yung pinakapinagkakatiwalaan ko. Siya yung tipong kahit pagbali baliktarin pa mundo siya at siya kuya na pipiliin ko.  Ang drama ko na naman pero eto talaga ko hirap makamove on sa past. :/

Para sa ikabubuti ko, susubukan ko ng mamuhay sa kasalukuyan at isantabi muna pansamantala ang nakalipas na. I do hope that I can manage to do that.

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now