Chapter 4

88 6 4
                                    

Campus tour na. Medyo excited ako kasi hindi na siya by block. So, magkakasama kami nina Ayin, Jasper at Nico. Syempre si Kuya Toper taong bahay yun 2nd year college na yun eh. Kumbaga nagstay na rin siya sa apartment kasi di naman kami mapaghiwalay nun.

Actually eh binigyan lang kami ng instruction ng speaker. Yung mga dapat mapuntahan namin. Yung mga off limits tapos ayun binigyan kami ng mapa para madalian kami.

Una naming pinuntahan ay yung Auditorium. Wala lang papalamig. Tinatamad pa kami eh. Pati medyo nalibot na namin to nung nag entrance exam kami dati. HAHAHA. Gala kami eh o diba advantage na kasi medyo alam na namin. Pati tinour kami dati ni Kuya. Bonding na lang to para samin.

Pinuntahan din namin yung open field. Naglaro pa nga kami. hahaha. Para ngang dejavu to eh. Kasi ganto din nangyari 5 years ago.

Naglalaro kami ng bente uno. Nung ako taya si Jasper una kong hinahabol. Ganon din siya sakin. Nakakatuwang alalahanin pero ano ba. Ang sabi ko kakalimutan ko na pero bawat chapter lagi ko binabanggit. Nakakainis naman tong sarili ko oh. errrr.

Umupo muna kami sa bench sa gilid nung napagod kami. Sila Jasper at Nico dun sa isa pang bench kaya kami lang ni Ayin ang magkasama. Di na kasya eh.

"Miss tulala!" Aba lokong. errr. Bat ba nakita ko na naman tong antipatikong to. Sinamaan ko na nga lang ng tingin. Nakakainis. Panira talaga lagi eh kada nagrereminisce ako. Pansin eh.

"uyy best, kwento mo naman sakin yung kanina.*sabay ngiting nakakaloko* San kayo pumunta ni Jasper kanina ha? Pinabili lang ni Kuya Toper eh tagal bumalik" Intrigera talaga tong bestfriend ko kahit kelan ayaw pahuli sa balita eh. Pero wala naman talaga kong ibabalita.

"Ano ka ba best. Wala yun. Pumunta lang kaming park. Nagswing saglit."

"Nice dating place ha"

"Nako wala lang yun. Pati bago pa tayo lumipat ng partment napagdesisyunan ko ng kalimutan yung feelings ko para sa kanya. Tamo, nagpapansinan na ulit kami."

"Oo nga eh nagtataka nga ako biglang ganon. Kaya pala eh. Nag iintayan lang yata kayong magpansinan. Buti okayy na. Pero talaga bang igigive up mo na? Best 5 years yun." tong isang to nangungunsensya pa.

"Pati best, isure mo muna. Bago mo igive up isipin mo muna yung rason mo kung bakit ka naghold on for the past years" Oo nga noh. Natamaan ako nun. Bakit nga ba hanggang ngayon eh ganon pa rin yung feelings ko sa kanya? Bakit nga pa di nagbago yun? Kahit nagkaboyfriend na ko?

"Basta best for the sake of friendship. tingin ko naman yun lang inaantay ko eh yung bumalik sa dati ang lahat. Kasi bukod kay Nico, siya lang naman yung kahit papano eh itinuring kong talagang kaibigan na lalaki. Hanggang dun na lang siguro." Maybe? or maybe not? Argh, ang hirap pero okay lang.

Naglibot pa ulit kami sa kung saan saang lugar sa campus. Nakwento ko na rin kay Ayin yung tungkol sa antipatikong lalaking nakita ko kaninang orientation at sumigaw ng Miss tulala kanina. Inasar nga lang ako baka daw yun ang sign na dapat na talagang igive up yung feelings ko kay Jasper pero natigilan din siya at sinabing wala lang yun magawa parang yung mga classmate namin nung highschool na hilig akong asarin. Nasa aura ko nga raw yata yung tipong makikipag asaran kaya ako napagtripan nun.

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now