Chapter 22

106 0 7
                                    

Jasper's POV

Hayy, kamusta naman yung nastock ako sa babaeng to. Ang daldal nako ha pero okayy naman talaga siyang kasama eh. Di kayo mauubusan ng pag uusapan. Dami niyang kwento di yata nauubusan to eh. Pumunta lang kami sa tapat ng school meron kasing 7 eleven dun. Maaga pa naman tatambay muna kami dun. Walang magawa eh. Bumili muna kami ng siopao at slurpee. Nilibre ko na siya minsan lang naman to. Tapos umupo na kami sa bakanteng malapit sa pinto.

"Ano ba yan Jasper parang di ka naman nakikinig. Psssh." Sabay pout niya. Sa totoo lang ang cute niya. Tss. Ano ba tong sinasabi ko.

"Nakikinig kaya ako sayo noh."

"O sige nga kung nakikinig ka anong sinasabi ko?" Napakamot ako bigla ng ulo. Sa totoo di ko maalala sa dami ba naman ng kwento niya.

"Diba yung sabi mo namimiss mo na yung kambal mo? O diba sabi ko sayo nakikinig ako eh."

"Oo nga eh grabe nakikinig ka na *sabay batok* ang sinasabi ko kung may gusto ka pa rin kay Ayes?"

"Aray ha! Makapangbatok. Close tayo close tayo?"

"Ayy hindi hindi bakit ha? As if naman may kasama ka ngayon kung wala ako dito"

"Oo syempre may makakasama ko noh. Mga kateam ko sa basketball."

"Asus. Kasama nun mga gfs nila. Wag mo ng itanggi wala ka namang choice. HAHAHA"

"Ayy nako oo na wala ng choice. Tss. Kung may choice lang talaga ko..."

"O ano? HAHAHA. Teka game na sagutin mo na yung tinatanong ko."

"Aling tanong ba?"

"Psssh. Yung kung may gusto ka pa rin kay Ayes?"

"Ahhh, ehhhh." Napahawak ako sa batok ko.

"I, O, U"

"Tss. Kelangan ba talagang sagutin yan?"

"Sige na nga di na. Alam ko na naman." Di ko alam pero parang sumimangot siya tas iwas tingin sakin at balik sa pagkain niya ng siopao at slurpee.

Kyle's POV

Loka loka talaga tong si Ayesha. Baka mamaya magalit samin yung dalawa at pinagkaisahan naming iwan sila. Hahahaha. Kung ano ano naiisipan nitong si Miss T at imatchmake si Per at Yvette. Pero okayy naman sakin ng kahit paaano eh maging masaya naman si Yvette. Atleast malay natin malimutan niya kahit papaano yung sakit ng pagkawala ni Ysa. As for Per, para naman madivert yung attention niya para wala na ko kaagaw kay Ayes. HAHAHA. Joke lang noh. Sa pag iwan namin dun sa dalawa. Naiwan din pala namin yung trabaho sa Writer's Lounge.

"Oy, Miss T, yung obligasyon natin sa Writer's Lounge. Patay tayo neto." Napahinto naman siya bigla sa paglalakad.

"Ayyy patay! HAHAHAHA. Okayy lang yun. Bawi nalang first day na first day may obligasyon agad. XDD" Tamo sabi sa inyo loka loka tong kasama ko eh.

"Eh teka. San ba tayo pupunta?" Tanong ko kasi lakad lang kami ng lakad kanina pa. Halos maikot na nga namin tong campus eh.

"Hmmmm, teka? San nga ba? HAHAHA. Di ko rin alam. Ikaw mag isip."

"Toinks ka rin eh noh. Idadamay mo ko sa plano mong paglapitin yung dalawa tas wala ka namang plano kung san patutunguhan natin."

"HAHAHA. PEACE! BUANG LANG." with matching peace sign pa siyang nalalaman.

"Buti alam mo. Hahahah. Ahhh alam ko na. Gusto mo turuan na lang kitang maggitara?"  Biglang lumiwanag yung mata niya nung narinig niya yung sinabi ko. Tapos tango ng tango.

"Yehey! Sure sure sure." Nakakatuwa talaga tong si Ayes.

"Ayyy teka pala. Samahan mo naman ako sa locker." Biglang sabi niya. Edi eto kami ngayon naglalakad papuntang locker na nasa kabilang ibayo.

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now