Chapter 12

121 3 2
                                    

pov na po ulit ito ni Ayes. Start to sa day din nung sa last chapter. Hiniwalay ko lang para wala lang gusto ko eh.

Hello sa mga readers nito. Sana kahit papaano natutuwa kayo XD

***

Nakauwi na sina Ayin at Nico dito sa apartment. Inabangan ko nga sila sa sofa eh. Wala lang haha. Trip ko sila salubungin ng asar pati baka malimutan ko na naman yung itatanong ko kay bestfriend. Alam niyo naman may pagkaulyanin na buti ngat pinaalala ni best kundi malilimutan ko na talaga yun. Sina Kuya at Per nga pala andun sa kwarto nagxbox. Adik na yung dalawang yun. Actually pati rin si Nico. Minsan nga nag aagawan yung tatlong yun kala mo mga batang ewan hahaha. Hapit na hapit sila kasi natapos na midterms namin. Halos 2 linggo rin kasi silang di nakapaglaro. 

Anyway, eto na pala sila eh. Aba't di yata napansing nakaabang ako. Tawanan ng tawanan eh. Magulo nga.

"EHEM!" Sinadya kong ilakas talag yung tipong rinig sa buong apartment. Napatigil nga sila eh. Tapos sina kuya nagsilabasan.

"Oh bakit? Anyare?" Sabi ni Kuya na parang medyo wala pa sa ulirat.

"Oo nga Ayes, bat may paehem ehem ka pa ng malakas diyan?" Dagdag ni Per.

"Ah hehe kala ko ba busy kayo? Bat narinig nyo?"

"Nagpapahinga muna kasi kami nung nag EHEM ka." Sagot ni Kuya

"Ayy mukhang alam ko na kung bakit? HAHAHAH. EHEM nga naman." Sabi ni Per at talaga inemphasize din yun ehem. hahaha. tawanan na tuloy kami.

"O kamusta date pare?" Sabi ni Kuya kay Nico.

"Ah yun ba? Ayos naman. Sulit syempre." Sabi ni Nico tapos siniko siya ng malakas ni Ayin. Nakakatawa talaga tong dalwang to kahit kelan.

"Aray! Ang brutal mo talaga eh noh Yin."

"HAHAHA. Uyyy may naaamoy ako." Sabi ko with matching pasinghot singhot kunwari.

"Tungeks OO! Talagang may maaamoy ka. Yung niluluto mo." Sabi naman netong magaling kong kuya may batok pa ngang kasama.

Tawanan tuloy sila. Kainis nawala yung moment ko ng pang aasar. Lipad akong kusina eh. HAHAHA. Di naman sunog kumukulo lang. Pero unting unti na lang eh matutuyot na tong sinagang ko kaya dinagdagan ko ulit ng tubig at sinigang mix. Tapos ayun nanood muna kami ng tv habang inaantay maluto. Syempre di mawawala asaran namin. Ang kukulit nga parang di kami nagkita kita ng matagal. Tapos feeling ko unti unti na talagang nawawala yung awkwardness samin ni Per. Ang saya lang para rin kaming isang pamilya. Solve na solve talaga buong araw ko basta kasama sila. Para kaming mga bata. Nagkukulitan sa sala. Di na nga naintindihan pinapanood eh.

Mga ilang minuto lang e luto na. Kumain na kami, sina Ayin at Nico kumain din ulit. Hahaha. Di nila matatanggihan tong luto ko. Bukod sa favorite namin lahat to eh syempre sarap na sarap sila sa luto ko. Hahaha mga mukhasim pa nga sila. Ang saya lang.

After namin kumain, umakyat muna kaming kwarto ni best. Pinabayaan muna namin sina Kuya. Kung sila mag exbox kami naman magchichikahan poreber.

"Best, kwento ka naman. Anyare sa mall kanina. Yiiiiee. Lumelevel up ka na ha." Sabi ko na may halong pang aasar.

"Ahh yun ba best. hahahaha. *kinikilig na ngiting ngiti namang sabi ni Ayin* Eto kukwento ko ganto kasi yun..."

Ayun nga kinuwento sakin na ang sweet raw ni Nico. Balak pa nga siyang sunduin dun mismo sa kanila sa subdivision namin. Tapos sabi lang niya eh wag na kasi naisip niya kung susunduin pa siya edi lalo lang gagabihin pero etong si Nico eh sadyang dumadamoves na at nagpumilit kahit sa SM na lang daw. Edi pumayag na si bestfriend. Nagpapakipot epek lang naman haha pati naalala niyang wala pa siyang materials para sa scrapbook na gagawin namin bukas. Loka loka talaga. Hahaha tapos kumain raw silang KFC at take note lahat treat ni Nico. Napakagentleman talaga eh siya pa tagadala nung mga gamit ni Ayin. Ang sweet lang.

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now