Chapter 14

66 2 0
                                    

Matapos ang papetiks petiks naming buhay nung after midterms eh seryoso na naman to the max. Si Ayin subsob na sa practice sa Drama Club bago daw kasi magsembreak magkakaroon sila ng stage play. Sina Kuya, Nico, Per at Kyle subsob naman sa practice ng basketball kasi may interschool game sila a week from now. Ako naman busy sa Writer's Lounge next week na kasi namin ipupublish itong campus newspaper. Nung nakaraan ang ginawa namin eh yung assigned articles ngayon naman ang gagawin namin eh yung interests namin. Bali idadagdag din namin siya dun. Ako ang gagawin ko ngayon ay isang maikling essay. Kahapon ko pa nga pinag iisipan kung ano ba ang pwedeng ilagay. Since 2 subjects lang ako ngayon tapos mamaya pang hapon yung isa. Tumambay muna ko ngayon dito sa open field. Nagmumuni muni sa ilalim ng puno. Wala rin ako makasama kasi nga lahat busy na. Paano ko ba sisimulan to? Err. Bakit ba kasi pag may deadline ako yun pa yung time na hirap akong makagawa.

"Oh look who's here. Well well well." Sabi nung Yvette na ex ni Kyle.

"Bakit? May kailangan ka sakin?" Mahinahon ko namang sagot sa maarteng to.

"Aba may gana ka pang sumagot ng ganyan Boyfriend Stealer?" Ano raw? Aba't nakakapang init ng ulo tong impaktang to ah. Kala mo kung sinong maganda eh di hamak na mas maganda ko sa kanya. Maputi lang siya. 

"Ako? Boyfriend Stealer? Umayos ka ng pananalita mo babaeng mukhang wala ng dumadaloy na dugo."

"Oo, mang aagaw ng boyfriend ng may boyfriend. At anong sabi mo?"

"Bingi ka teh? Linis linis din ng tenga. Sino namang inagaw ko sayo?"

"Err, the nerve. Sino pa ba? Edi malamang si Kyle babe ko."

"Mo? Talaga lang ha. E sa pagkakaalam ko eh break na kayo."

"Ang kapal mo! B*tch!" Sabay tapon sakin nung iniinom niyang shake at walkout. Shemay! Nakakainis. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Kelan ko naman inagaw sa kanya yung antipatikong yun. Nakakairita. Natapunan na naman ako. Ang lamig. Makabalik nga muna ng apartment.

"Ayesha!" Napalingon ako sa tumawag sakin. At eng eng kong lumingon pa ko. Nakakahiya itsura ko.

"Hayy sa wakas lumingon ka rin. Kanina pa kita tinatawag eh. Anong nangyari sayo? Bat ka naiyak?" Napayakap na lang ako kay Nico at mas lalong umiyak.

"Uyy wag ka umiyak. Baka sabihin pa ni Kuya Toper ako nagpaiyak sayo. Tara nga hatid muna kita sa apartment. Mamaya pa naman klase mo diba?" Tumango na lang ako. Buti na lang talaga andito si Nico. Inalalayan niya ko sa paglalakad. Wala na kong pakialam sa mga tingin sakin ng tao lalo lang akong naiiyak.

"O pre, anong nangyari kay Ayes?" Tanong bigla ni Kyle nung nakasalubong namin siya. Siguro break nila kaya pakalat kalat sila ngayon.

"Di ko rin alam pre. Hatid ko muna sa bahay."

"Ako na lang pre. Sabihin mo na lang kay Coach. Baka magselos pa si Ayin."

"Tange! Pero sige. Sabihin ko na lang. Text mo ko ha. Sasabihin ko na rin kay Kuya Toper para alam niya."

Ayun nga si Kyle na naghatid sakin. Di na ko humindi kasi talaga naaalala ko pa rin yung kanina. Wala pa rin akong laban kahit pinilit kong labanan kaimpaktahan nun. Naiiyak na naman ako lalo.

"Ayes, wag ka na umiyak. Andito na tayo oh. Yung susi ba?" Tapos binigay ko sa kanya yung susi. Siya na nagbukas ng gate at pinto. Medyo inaalalayan niya pa rin ako.

"Magpalit ka muna ng damit. Antayin na lang kita dito. Gusto mo ba kumain?" Wow parang bahay niya lang to ah. Pero di ko na naisip pang barahin siya.

"Di sige wag na busog pa naman ako. Bilis lang ako. Salamat."

Nagshower lang ako saglit kasi ang lagkit nung shake. Grabe ngayon lang ako napahiya ng ganto sa buong buhay ko. Naiinis ako di man lang ako nakalaban. Ang iyakin ko pa. Waaa. Ayoko ng umiyak. Bumaba na din ako after ko mag ayos ng sarili.

Less Than ThreeWhere stories live. Discover now