Sumusugal ako kahit alam kong malaki yung possibility na matalo ako. Pero sana, sana lang manalo naman ako para happy happy na. Sana magustuhan niyo yung tula ko. :)
---------------------------Sa bawat pagkurap mo at sa aki'y pagbaling
Walang ibang hiniling kundi ika'y mapasakin
Sa bawat pag tibok nitong aking puso
Walang ibang hinihiyaw kundi pangalan moKasabay ng pagkahulog ng dahong pang-amihan
Ay siya ring pagkahulog ng damdaming hindi inaasahan
Paghanga't pag-ibig na bigla na lang umusbong
Pag-ibig na hindi alam kung dapat bang i-atras o i-sulongAng marahang pag-ihip ng hangin sa iyong buhok
Ay siyang nagdudulot ng kapusukan sa pusong marupok
Pagdampi sa isa't-isa ng iyong mga labi
Sa aking katawa'y naghahatid ng kilitiSa pagtagal ng panahong ika'y pinagmamasdan
May mga bagay akong unti-unting nalalaman
Mga bagay na nagbibigay sa akin ng sakit
Sakit na unti-unting dumudurog sa pusong paslitBatid ko naman na hindi ako ang iyong gusto
Batid ko rin na may iba kang tinatanaw
Gayunpaman nais kong malaman mo
Nararamdama'y ipaglalaban at hindi basta-basta isusukoKung darating man ang panahong ako'y mapagod
Patawad sapagkat ako'y tuluyan nang nadurog
Ngunit bago pa man dumating sa puntong iyon
Sana'y makita mo na'ng aking halaga at sakin naman ibaling ang iyong atensiyonHindi habang buhay mahihintay kita
Kaya sana 'wag mo na akong ipagbalewala
Kung hindi talaga ako, hindi ko na ipipilit
Ako'y bibitaw na sa munting pag asang pinanghahawakang pilitKung hindi man ako ang pipiliin sa huli
Sana'y maging masaya ka sa desisyong napili
Ako'y aatras na at hahakbang patalikod
Kakalimutan na lang ang pag-ibig na binuo