Upuan

13 0 0
                                    

Hello! Hoping that you would like my new poem. Enjoy reading! Don't forget to vote and comment. Thank you! <3


Mundong puno ng basura, mapatao man o bagay
Mundong hinahampas ng sakuna ngayo’y nakalupasay
Hanggang saan ang kayang isugal para sa sariling nais?
Hanggang kailan magdurusa ang inang bayang naghihinagpis?

Sistema ng pamahalaa’y unti-unting nabubulok
Tunay na hustisiya’y rumurupok
Mga batas ay bumabaluktot
Parang isang papel na unti-unting nagugusot

Ilang buhay ang kinuha upang pagtakpan ang kasalanan
Kasalanang pilit na tinatakbuhan at tinatalikuran
Pera’t impluwensiya, kanilang ginagamit
Upang mapawalang sala sa kasalanang nakakapit

Mundong nabahiran na ng iba’t ibang karahasan
Pagpaslang, pagnanakaw, iyan ba ang maaabutan?
Ng mga susunod na henerasyon dito sa bansang kinalulugdan
Wala ng saya sapagkat sa mga sarili’y takot na ang nananahan.

Mga taong naka upo sa mamahaling upuan
Nawa’y bumaba kahit saglit lamang
Tignan at silipin ang kundisyon ng lipunan
Solusyunan, aksiyunan, tapusin ang kahirapan

Mixed Up FeelingsWhere stories live. Discover now