Pangarap lang

27 1 2
                                    

This is my second poem. I hope you like it guysueee.

---------
Malaking sakripisyo sa akin ang iyong binigay
Utang ko ito sayo sa pang habang buhay
Mula pagkabata ikaw na ang naging gabay
Gabay ko patungo sa masayang paglalakbay

Mukha mong kahit anong angulo'y napaka inosente
Lambot ng iyong haplos, ninanamnam ng pisnge
Tinig mong talaga namang nakapagpapalutang sa ere
Sa tuwing ako'y iyong hinahalele

Ikaw ang aking kauna-unahang guro
Sa akin ikaw ay maraming itinuro
Isa na rito ang umiwas sa gulo
Dahil ito ay sakit lamang sa ulo

Pagtuturo sa akin ng tamang asal
Pananalig sa Diyos at pagiging banal
Ang bawat tao'y bigyan ng pagmamahal
Sapagkat di mo itinuro kung paano maging hangal

Ako'y pinagsasabihan sa tuwing may nagagawang mali
Dahil ito'y hindi tama at hindi maaari
Hindi mo ako kailan man kinunsinti
Sa mga nagawa kong maling gawi

Pagmamahal na binigay ay labis-labis
Kung aking isusulat ay mapupud-pod ang aking lapis
Sapagkat di nito kayang isulat ang lahat ng iyong hinagpis
Sa mga araw na pinag daanan para sa kailangan ko't nais

Pinag aral, pinakain, binihisan
Kung sa iba simpleng responsibilidad lang yan
Ngunit para sa akin iyan ay hindi responsibilidad lamang
Sapagkat dahil diyan, naka-alay sa akin ang inyong dugo, pawis, pati laman

Mga pangaral mong laging itinatatak sa utak
Mga pawis na dahil sa pagod ang tumatagaktak
Itaga sa bato gamit ang itak
Ika'y mamahalin ko hanggang sa pag itim ng tagak at pag puti ng uuwak

Ika'y laging nariyan sa tuwing may problema
Tagapunas ng mga tumutulo kong luha
Taga-alo kapag malungkot sa tuwina
At tagapag payo mo dahil diyan ika'y bihasa

Masasayang sandali sa isip ko'y di mawaglit
Sa puso ko ito'y di na maalis dahil naka-ipit
Tamis ng ating ngiti ay tila ba naka dikit
Yakap sa isa't isa na ubod ng higpit

Ngunit nagising ako sa reyalidad
Wala ka pala talaga pati na iyong senseridad
Wala pala akong ina simula't sapol
Imahinasyon lang lahat dahil ang totoo, ang buhay ko'y buhol-buhol

Lahat ng iyon ay tanging pangarap
Pangarap na kahit kailan ay di malalasap
Di mararamdaman kung gaano ang pagmamahal niya kasarap
Oh ka'y sakit at parang di ko matanggap

Mixed Up FeelingsWhere stories live. Discover now