Sa Susunod na Habang Buhay

18 0 0
                                    

It's been a while since the last time I wrote a poem for you guys. Hope you'll like my new work. Thank you.

-----------------

Sa tinagal tagal ng panahon bakit ngayon lang?
Bakit kung kelan meron na tsaka ka nagparamdam?
Anong nag udyok sa iyo upang ako'y dalawin,
Sa munting paraiso kung saan ako'y nahihimbing?

Mayroon nang nauna pero bakit parang may mali?
Bakit ang pagmamahal ko sa iyo'y natatangi?
Ako'y naguguluhan, puso't utak ay nalilito
Dati kong paraiso'y unti unting gumuguho

Sa tuwing ika'y kausap, walang paglagyan aking saya
Sobrang natural, mata ko'y ani mo isang tala
Boses mo ay talaga namang kahali-halina
Sa marupok kong tainga, ito ay isang musika

Sa bawat araw na nagdaan lalo akong nahuhulog
Sa bawat paglubog ng araw ako ay nalulunod
Nalulunod sa sariling damdamin
Alam kong mali pero hindi ko kayang pigilin

Mahal bakit kay raming hadlang?
Sa puso ko'y ikaw lang ngunit bawal
Ako na'y nakatali sa kadenang panghabang-buhay
Kung ako'y kakawala, may isang pusong mamamatay

Mahal sa tingin ko'y hindi tayo ang para sa isa-t isa
Ngunit ano man ang mangyari ikaw lamang ang tangi kong sinisinta
Sa ngayon susundin ko muna kung ano ang tama
Pagmamahal ko sa'yo ang magpapatibay sa pangakong nakagapos sa kadenang luha

Sana sa susunod na habang-buhay ay meron nang tayo
Doon ako'y maghihintay ng tapat sa iyo
Sa susunod na habang-buhay sisiguraduhin kong wala nang balakid
Sa matamis nating pag-ibig na dating sa ati'y pinagkait.

Mixed Up FeelingsWhere stories live. Discover now