2nd Chance

25 1 0
                                    

Lame ang title pero pakibasa kasi may sense naman yung laman eh. Haha😂 thank youuu
-----------

Saya nating dalawa ay walang kapantay
Ngiti sa ating mga mukha ay napaka kulay
Ngunit isang araw may isang pangyayari
Kung ano yon ay hindi ko rin mawari

Hindi nag kibuan, walang imikan
Makasalubong ang isa't isa'y maglalampasan
Ni isang tingin ay di maipukaw sa akin
Unti-unting dumugo ang sugat na dulot ng iyong patalim

Sa lalim ng nararamdaman ko sa iyo
Hindi na mapigilan ang pag bugso nito
Ilang araw sa pag iyak ang aking ginugol
Ngunit koneksyon ng puso ko sayo ay di maputol putol

Minsan nahuhuli mong sayo ako naka tingin
Kaya naman ulo ko'y sa iba ibinabaling
Ngunit sa likot ng aking mga mata
Nakita kong nakatitig ka rin pala

Makaka sabay ka sa pagpasok
Puso ko ani mo'y lumalabas pasok
Binabalot ako ng kabang nararamdaman
Lalo na't unti-unti kang lumalayo ng tuluyan

Sa loob ng paaralan tayo ay tinutukso
Ng mga barkada at kaklaseng mapag biro
Ibinabaling sa iba ang aking atensyon
Pagkat dama ko sa pagitan natin ang tensyon

Hindi ko mahanap hanap ang posibilidad
Kung ako ang unang kakausap at mag lalantad
Ang hirap hanapin salitang dapat ibitiw
Para na akong isang nag hahanap na sisiw

Pag sasama nating dalawa'y parang hanging umihip
Damang dama sa balat ang haplit
May konting lamig may konting init
Masarap sa pakiramdam ngunit ito lamang ay saglit

Nalaman sa iba na may bago kang iniibig
Tila ako'y binuhusan ng malamig na tubig
Paa ko sa lupa'y parang itinulos
Hindi maka galaw ni makahinga ng ayos

Ganon na lang ba kadaling itapon?
Itapon na parang basura ang ating kahapon
Araw araw sa sarili aking tinatanong
Kapalit palit ba ako kaya ako'y iniwan sa pugon?

Mumunti kong pangarap na ika'y maka usap
Yung pribadong usapan tungkol sa sitwasyon nating kinahaharap
Sapagkat ako'y gulong-gulo sa ating estado
Minahal at minamahal kita ngunit ako ba'y minahal mo?

Hanggang tingin hindi kayang abutin
Abot kamay ka ngunit 'sing layo na ng bituin
Dati kang kakulitan, kausap, at kayakap
Ngayon naman nawala ka na sa isang kurap

Sana tayong dalawa ay mabigyan ng ikalawang pagkakataon
Na maayos ang gusot at maibalik ang tayo noon
Yung masaya at puno ng ningning ang mga mata
Hindi katulad ngayon na kasing lamig ng antartica

Mixed Up FeelingsWhere stories live. Discover now