Ano nga ba?

12 0 0
                                    

Para sa mga taong walang LABEL! thank you😍😘
-----------

Kaibigan, barkada, kaklase, o magka-ibigan?
Alin ba tayo jan sa mga pag pipilian?
Nalilito na sa ating tunay na estado
Parang tayo pero hindi tayo

Pagdampi ng iyong mga labi
Kahit nakaw lang ay pilit paring namumutawi
Napaiyak ako, ewan ko ba kung bakit
Dahilan ng pag luha'y hinahanap ng pilit

Natatakot ako, oo
Natatakot hindi dahil sa kung ano
Hindi sa bagay, pangyayari, o ano man sa mundo
Kundi sa sarili kong nararamdaman mismo

Iniiwasan ka hanggang sa ngayon
Hindi dahil sa galit, kundi tensyon
Naisin ka man kausapin ngunit nababahala
Baka pag nakaharap ka na ay walang mapala

Pikit mata kong tinatanggap
Ang sitwasyon nating kinakaharap
Pilit pinaniningning ang aking mata
Upang lungkot sa mukha ay 'di mo makita

Nais kong malaman mong 'di ako apektado
Sa presensya, at buong pagkatao mo
Ngunit tadhana'y mapaglarong talaga
Pag mamahal ko sa iyo'y pilit pinapa-alala

Walang mapag labasan ng saloobin
Sa manika, panyo, at unan humahalinghing
Sapagkat ako'y duwag at 'di kayang aminin
Ang nararamdaman kong matagal ng kinikimkim

Hanggang kailan pa tayo magiging ganito?
Walang imikan sa personal kahit na sa telepono
Wala na bang pag asa na ito'y maayos?
Gusot sa ating dalawa na hindi matapos-tapos

Mixed Up FeelingsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum