Pagbabago

13 0 0
                                    

Hi again! Keep on reading and voting! Thank you so much😘
---------

Samu't saring mga kwento
Maririnig sa bawat kanto
Kanto ng kahit anong siyudad
Na hindi na alam ang responsibilidad

Mundong punong puno na ng krimen
Sa basurahan akin itong maisasalamin
Lugar na parang maruming inumin
Na pag ininom ikaw nito'y lalasunin

Kasamaa'y lumalago ang populasyon
Mayroong ibang wala ng reputasyon
Ang iba'y di na alam ang gagawing aksiyon
Dahil nalilito na sila sa tunay na sitwasiyon

Halina't taguan natin ang mga mamatay
Upang hindi nila makuha ang ating buhay
Buhay na nawawalan na ng kulay at saysay
Dahil lupang tinatapakan ko'y ubod na ng tamlay

Kaliwa't kanan ang mga magnanakaw
Kukunin lahat kahit na bahaw
Tunay na hustisiya'y wala na sa aming tanglaw
At tila ba kami'y hindi na nito saklaw

Gobyernong sagad sagad ang pagiging kurakot
Batas ng mundo'y unti-unting bumabaluktot
Karapatan ng mamamaya'y parang papel na lukot
Na hindi na kayang unatin pa sa kaniyang pagka gusot

Mga taong nalululong sa iligal na droga
Unti-unting dumadami't lumalala
Sariling buhay ay unti-unting nasisira
Sila'y gumagawa ng sarili nilang mitsa

Mundong punong puno ng karahasan
Kailan ba ito aaksiyunan?
Kung hindi ngayon, kailan?
Kailan ba ito maibabalik sa tama nitong kinalulugdan?

Sana hindi tayo dumating sa punto
Kung saan tayo'y mag sisisi't maghihingalo
Na sana'y hindi na lang sinimulan ang gulo
At sana'y binalanse ng tama ang ating mundo

Mixed Up FeelingsWhere stories live. Discover now