Sarili

17 0 0
                                    

Ey ey ey. Read my new poem about my self. Wala akong maisip na title kaya iyan na lang nilagay ko. LMAO😂 Enjoy reading!

Kaliwa, kanan, urong, sulong
Saan ba dapat ihahakbang?
Mga paang 'di alam kung saan paroroon
Nawa'y mahanap ang tamang direksiyon

Isipan ko'y 'di mapakali
Dapat kong gawi'y 'di mawari
Magulo, pira-piraso't kalat-kalat
Koneksiyon sa sariling pagkatao'y unti-unting nagkakalamat

Sariling sandata ang pumapatay
Marupok kong pagkatao'y nilalatay
Nilalatay ng sariling kaisipan
Dinudurog, iniipit, ngunit patuloy na lumalaban

Tama na, paano ba magwawakas?
Sa sariling pasakit, ako'y bigyan ng lakas
Nais hanapin ang sarili, ngunit saan?
Ako'y pakawalan sa silid na aking kinalulugdan

Mixed Up FeelingsWhere stories live. Discover now